backup og meta

Parents, Narito Ang Ilang Tips Ngayong Summer Na!

Parents, Narito Ang Ilang Tips Ngayong Summer Na!

Ang mga summer tips para sa magulang ay mahalaga habang papalapit ang panahon ng tag-init. Isang online survey ang isinagawa ang National Recreation and Park Association sa United States. Ayon dito, pinapaboran ng mga Amerikano ang paglalakad at pag-hike, pagpunta sa beach at pagkakaroon ng picnic at barbeque tuwing tag-init.

Sa Pilipinas na isang tropikal na bansa, mahirap umiwas sa mainit na panahon ng summer kaya ang pagpunta sa beach ang pinakasikat na aktibidad. Para sa mga Pilipino, ang summer adventure ay nangangahulugan ng sumusunod:

  • Mountain hiking
  • Surfing
  • Snorkeling
  • Biking

Ang summer ay malaking hamon para sa mga magulang. Una ay dahil sa bakasyon ito ng mga bata. Maliban sa paghahanda ng mga summer activities para sa buong pamilya, may iba pang mga dapat harapin ang mga magulang tuwing tag-araw.

Top 5 summer tips para sa magulang

Panatilihing hydrated ang iyong mga anak

Napakahalaga na panatilihing mataas ang mga liquid sa katawan ng buong pamilya lalo na kapag summer. Napakainit sa Pilipinas lalo na ngayon. Ang hydration ay makakatulong sa sumusunod:

  • Pagpapanatiling malusog ng mga kasukasuan, buto at ngipin
  • Tumutulong sa sirkulasyon ng dugo
  • Makakatulong sa mga bata na mapanatili ang malusog na timbang hanggang sa pagtanda
  • Pagpapabuti sa mood, memorya at atensyon sa mga bata
  • Matipid kung gagamitin ang tubig kaysa sa mga sports drink, soda at juice
  • Pagpapabuti sa kalidad ng pagtulog

Pagbibigay ng wastong proteksyon bago lumabas sa kainitan ng araw

Isang mahalagang summer tips para sa magulang ang paniniguro na may proteksyon ang mga bata bago lumabas ng bahay. Mahirap pigilan lumabas ng bahay ang mga anak lalo na ngayon summer at wala naman silang pasok. Napakaraming aktibidad na maaari nilang gawin sa labas ng bahay kasama ang pamilya o kaibigan. Ngunit dapat ay handa silang harapin ang init. Protektahan ang kanilang maselan na balat gamit ang sunscreen. Mas mabuti kung mayroon silang eyeglasses upang protektahan ang kanilang mga mata mula sa mapaminsalang UV-rays. 

Inirerekomenda ng mga eksperto na ang lahat ng bata ay dapat magsuot ng sunscreen na may SPF 30 o mas mataas. Anuman ang sunscreen na pipiliin mo, siguraduhing ito ay may malawak na spectrum. Ibig sabihin ay nagbibigay proteksyon laban sa parehong UVA at UVB rays. At kung nasa beach naman, gumamit ng sunscreen na water-resistant. Mag-apply ng sapat at muling maglagay habang nakababad sa araw.

Summer tips para sa magulang: Panatilihin ang malusog na diyeta na puno ng sariwang prutas at gulay

Ang tag-araw ay nagpapabagal sa proseso ng panunaw dahil sa mataas na temperatura. Iminungkahi na magprepara ng mga light food snacks para sa mga bata. Ang mga sariwang prutas at gulay ay naglalaman ng tubig na makakatulong sa hydration ng mga bata.

Maghanda ng mga prutas at gulay para sa meryenda tulad ng nilagang kamote o saging, singkamas at watermelon. Mag-alok ng balanse ng mga pagkaing masustansya. Bigyan ang iyong mga anak ng iba’t ibang pagkain at tiyaking nag-aalok ka ng balanseng diyeta na may mga prutas, gulay, butil, protina at dairy

Summer tips para sa magulang: Maging alerto sa mga usong sakit ngayong summer

Hinihimok ng Philippine Red Cross ang publiko na maging mas maingat ngayong summer season. Iwasan ang panganib na magkaroon ng mga sakit na maaaring mauwi sa malubhang problema sa kalusugan. Maging alerto laban sa mga karaniwang sakit tuwing summer tulad ng sore eyes. Ang pananakit ng mata ay maaaring sanhi ng maraming bagay, kabilang ang pangangati dahil sa labis na pagkuskos. Maaari din maging sanhi ang pampaganda ng iyong mata o ang matagal na pagsusuot ng contact lens.

Ang iba pang sakit na karaniwan sa tag-araw ay:

  • Pagtatae
  • Tigdas
  • Trangkaso
  • Hypertension 
  • Bulutong-tubig
  • Pagkalason sa pagkain
  • Heat stroke
  • Sunburn 
  • Prickly heat at pantal

Summer tips para sa magulang: Bigyan sila ng summer experience na hindi malilimutan

Karamihan ay gustong magpahinga sa bahay kapag summer. Subalit ang tag-araw ay isang oras para gumawa ng mas mahahalagang bagay. Bigyan ang pamilya ng makabuluhang mga karanasan tulad ng:

  • Paglalakbay
  • Summer camp
  • Pakikipagkaibigan
  • Arts and crafts
  • Pag-aaral ng isang wika
  • Summer job

Ang mga karanasang ito ay maaaring magbigay sa iyong mga anak ng unforgettable summer experience. Mahalaga ang mga hindi malilimutang sandali sa ating mga pamilya dahil minsan lang nagtitipon ang buong mag-anak. Maaalala nila ito kapag sila ay matanda na at may mga sariling pamilya.

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Summer parenting tips

https://www.pinerest.org/newsroom/articles/summer-parenting-tips-10/

Strategies for a successful summer break

https://childmind.org/article/strategies-for-a-successful-summer-break/

50 un summer activities for your kids

https://gokidpower.org/summer-activities-kids/#:~:text=Call%20up%20your%20friends%20and,sure%20to%20find%20some%20shade!

How to not waste your summer

https://lafayettetimes.org/3543/features/how-to-not-waste-your-summer/

6 Tips for setting up summer routine

https://riseandshine.childrensnational.org/six-tips-for-setting-up-a-summer-routine/#:~:text=Set%20up%20a%20daily%20schedule%20and%20follow%20it.&text=10%20a.m.%20%E2%80%93%20Get%20out%20of,pool%2C%20playtime%20%E2%80%93%20physical%20activity%20time

Americans’ favorite summer activities

https://www.nrpa.org/publications-research/park-pulse/Park-Pulse-Survey-Results-Summer-Outdoor-Activities/#:~:text=Americans’%20Favorite%20Summer%20Outdoor%20Activities,-June%2C%202016%3A%20As&text=A%20recent%20online%20survey%20conducted,over%20other%20common%20summer%20activities.

 

Kasalukuyang Version

06/23/2023

Isinulat ni Lovely Carillo

Sinuri ang mga impormasyon ni Lorraine Bunag, R.N.

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Ano ang mga Kahihinatnan ng Pagiging Pihikan Kumain sa Bata

RSV o Respiratory Synctial Virus: Alamin Kung Ano Ang Sakit na Ito


Sinuri ang mga impormasyon ni

Lorraine Bunag, R.N.


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement