backup og meta

Pinakaepektibong Gamot Sa Impeksyon Sa Mata Ng Baby

Pinakaepektibong Gamot Sa Impeksyon Sa Mata Ng Baby

Habang lumalaki ang mga bata, mahalagang bantayan nang mabuti ang kanilang kalusugan at pagdebelop ng katawan. Pagdating sa kanilang mga mata, madaling mapansin ang hindi normal na discharge. Nakatutulong ito upang matukoy ang maraming mga klinikal na problema, tulad ng paghina ng pagdebelop ng paningin (kawalan ng kakayahan ng mga mata na magtuon nang mabuti sa mga bagay at/o sundan ang paggalaw) at impeksyon. Ano-anong uri ng gamot sa impeksyon sa mata para sa mga sanggol ang maaaring gamitin? Ligtas ba ang mga ito?

Sa artikulong ito, alamin kung ano ang dapat gawin kung sakaling nababahala ka na ang iyong anak ay magkaroon ng problema sa paningin o impeksyon sa mata, at kung kailan dapat humingi ng propesyunal na medikal na tulong.

Paano Maiiwasan Ang Impeksyon Sa Mata Ng Sanggol?

Ang lahat ng mga bagong silang na sanggol ay binibigyan ng antibiotic na eye drops o ointment sa delivery room. Ito ay dahil maaari silang magkaroon ng malubhang mga impeksyon sa mata mula sa pagkakalantad sa microorganisms habang dumaraan sa birth canal ng ina. Ang mga impeksyong ito ay dapat gamutin agad upang maiwasan ang malubhang injury sa mga mata ng sanggol.

May limitadong paningin ang mga sanggol. Subalit habang lumilipas ang araw, nadedebelop ang kanilang paningin at nagsisimulang makita ang mundo nang mas malinaw. Sa puntong ito, ang anumang pinsala sa mata ay maaaring makahadlang sa pagdebelop ng paningin. At kung hindi gamutin, maaari itong humantong sa mga problema sa mata. Kaya naman, dapat iwasan ng mga magulang na malantad ang kanilang mga bagong silang na sanggol at mga batang anak mula sa maraming alikabok, hanging may polusyon, vapors ng kemikal, at irritants na maaaring makaapekto sa paningin.

Paano Linisin Ang Mga Mata Ng Sanggol?

Sa mga unang buwan, maaaring iyong mapansin ang medyo madilaw na discharge na nanggagaling sa sulok ng mga mata ng iyong bagong silang na anak. Ito ay kadalasang may iniuugnay sa baradong tear ducts at itinuturing na hindi mapanganib.

Maaari mong linisin ang mga mata ng iyong anak dalawang beses sa isang araw.

  • Pagkagising, kung mas maraming naipong discharge
  • Matapos maligo, kung ang discharge ay malambot at mas madaling linisin

Ano ang gamot sa impeksyon sa mata? Matapos ibabad ang cotton ball sa maligamgam na pinakuluang tubig at mapigaan nang mabuti, dahan-dahang pahirin ang bahagi sa paligid ng bawat bata upang alisin ang anomang mucus. Ang inirerekomendang gamitin upang linisin ang sulok ng mga mata ng sanggol ay ang malinis na cotton swabs na ibinabad sa tubig. Iwasang paulit-ulit na hawakan ang mga mata ng sanggol gamit ang tissues, napkins, o basang tuwalya.

Kumonsulta sa doktor kung mapansin ang mga sumusunod:

Kung mapansin ang alinman sa mga sumusunod na sintomas o senyales, agad na kumonsulta sa doktor ng iyong anak:

  • Hindi magkatugma ang mga mata (duling, magkaiba ang direksyon, hindi makapagpokus nang magkasama)
  • May puti o grayish na puting kulay sa pupil ng mata
  • Mabilis na pagkurap ng mga mata mula kaliwa-kanan o taas-baba
  • Bahagyang hindi magkatugmang mga mata
  • Pagkaduling sa mga unang buwan ng buhay ng sanggol

Pagsusuri Sa Pagdebelop Ng Mata

Maaaring senyales ng iba pang kondisyon sa mata ang delay sa pagdebelop ng utak. Ang ibang problemang kaugnay sa mata ay maaaring humantong sa delays na debelopmental, problema sa pagkatuto, at posibleng pagkawala ng paningin kung hindi ipagagamot.

Gumamit ng mga laruang may maliliwanag na kulay upang akitin ang iyong anak kapag nagsisimula na itong maggapang. Nakatutulong ito sa visual stimulation at sa pagpapabuti ng koordinasyon ng kamay at mata. Mahalaga ito upang madebelop nang mabuti ang utak at mata ng sanggol.

Mga Senyales Ng Impeksyon Sa Mata Ng Sanggol

Kapag nagkaroon ng impeksyon sa mata ang iyong anak — isa sa mga pinakakaraniwan ay ang conjunctivitis — ang kaniyang mga mata ay magkakaroon ng pamumula at pamamaga. Dagdag pa, may dilaw o tila luntiang discharge na maaaring maging sanhi upang magdikit ang kanyang mga talukap. Tungkol sa impeksyon sa mata, lalo na sa mga sanggol, pangunahing tuntunin ang laging pagkonsulta sa doktor kapag napansin ang mga sintomas. Maaaring magreseta ang doktor ng gamot sa impeksyon sa mata tulad ng antibiotic eye drops o ointment kung matuklasang ang conjunctivitis ay sanhi ng bakterya.

Key Takeaways

Para sa kalusugan at kaligtasan ng iyong anak, at para sa patuloy na pagdebelop ng kanyang paningin, linisin ang mga mata nito dalawang beses sa isang araw gamit ang malambot, basa, at malinis na cotton ball, kasama ng cotton swab para sa sulok ng mga mata. Agad na kumonsulta sa doktor kung may mga senyales ng impeksyon sa mata ang iyong anak. Kabilang dito ang pamumula, pamamaga, at/o madikit na dilaw o luntiang discharge sa talukap ng mata. Ito ang pinakamainam na gamot sa impeksyon sa mata ng sanggol.

Matuto pa tungkol sa Pag-aalaga sa Balat ng Bata dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

How to Know If Your Child Needs Glasses, https://www.hopkinsmedicine.org/health/wellness-and-prevention/how-to-know-if-your-child-needs-glasses, Accessed September 25, 2022

EYE DISCHARGE, https://www.healthdirect.gov.au/eye-discharge/, Accessed September 25, 2022

Eye – Pus or Discharge, https://www.seattlechildrens.org/conditions/a-z/eye-pus-or-discharge/#, Accessed September 25, 20221

Pink eye: Conjunctivitis, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/pink-eye/symptoms-causes/syc-20376355#:~:text=Pink%20eye%20(conjunctivitis)%20is%20the,your%20eyelashes%20during%20the%20night, Accessed September 25, 2022

Is That Morning “Eye Gunk” Normal? https://healthcare.utah.edu/healthfeed/postings/2018/01/eye-gunk.php, Accessed September 25, 2022

Discharge from Eye, https://www.aao.org/eye-health/symptoms/discharge, Accessed September 25, 2022

Kasalukuyang Version

08/08/2024

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Danielle Vitan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Gamot sa Bungang Araw: Home Remedies na Maaaring Subukan

Paano Maiiwasan Ang Peklat? Tandaan Ang Mga Bagay Na Ito


Narebyung medikal ni

Danielle Vitan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement