Ang prickly heat rash o miliaria ay isang uri ng butlig na nabubuo kapag ang pawis ay bumabara sa loob ng balat. Sa Pilipinas, karaniwang tinatawag na bungang araw.
[embed-health-tool-child-growth-chart]
Gamot sa Bungang Araw
Karamihan sa kaso ng bungang araw ay maaaring malunasan sa bahay. Kung sakali’y nagkaroon ng bungang araw ang anak mo, tandaan ang mga sumusunod:
Paliguan Sila ng Malamig na Tubig
Isa sa mga epektibong gamot sa bungang araw ay isang pagligo gamit ang malamig na tubig. Tandaan lang na dapat hindi sobrang lamig at tama lang ang temperatura ng tubig. Ito’y dahil ang bungang araw ay nangyayari kapag masyadong naiinitan ang mga bata. Siguraduhing feeling fresh sila upang ibsan ang rashes nila.
Kapag pinapaliguan ang iyong anak, pinakamainam na iwasan ang matapang na soaps o cleansers. Maliban dito, siguraduhing tuyuin sila nang lubusan pagkatapos maligo. Tandaan: ang mamasa-masang balat ay maaari ding maging irritated.
Importante ring tandaan na kahit na kumakalma ang bata sa paliligo, huwag masyadong madalas ang pagligo. Ito’y dahil maaari nitong tanggalin ang natural na skin moisture at gawin silang mas prone sa irritation. Kapag tag-init, ang pagligo na dalawang beses sa isang araw ay sapat na.
Iwasan ang Pagpapawis
Isa sa mga best remedies para sa prickly heat rash ay ang pag-iwas sa pagpapawis. Pero ang ma-achieve ito ay challenging dahil ang mga bata’y madalas na gustong maglaro.
Dahil dito, mag-isip ng mga iba pang indoor activities na hindi sila papawisan. Mga halimbawa nito’y pagbigay sa kanila ng librong maaaring basahin at art materials na maaari nilang gamitin sa drawing o painting. Puwede rin silang hayaang manood ng nakakaaliw at educational na TV shows; mag-ingat lamang na huwag lumagpas sa recommended screen time for kids.
Maaari mo ring gawin ang mga ito upang maiwasan ang pagpapawis:
- Hayaan silang manatili sa well-ventilated o air-conditioned na kuwarto. Iwasan ang sun exposure.
- Alisin ang excess na damit. Ang best choice ay damit na gawa sa cotton dahil light at breathable ito.
- Panatilihing presko ang kanilang sleeping area; alisin ang makakapal na kumot at kuchon.
Gumamit ng Cool at Damp na Tela
Kapag naging iritable ang iyong anak dahil sa masyadong makati na rash, dampian lamang ng cool, damp cloth ang kanilang balat. Matapos nito, pahanginan lamang ang area. Hindi na kailangang gumamit ng iba pang tuwalya upang i-dry ang balat.
Iwasang Maglagay ng mga Skincare Products
Kahit na nakaka-tempt na ituloy ang skincare routine ng iyong anak, hindi nirerekomenda ng mga eksperto ang lotions at creams sa mga batang may bungang araw. Ang mga produkto na ito ay maaaring magbara sa sweat ducts at magdulot ng irritation.
Pero maaari din namang gamitin pa rin ito kung i-recommend ng doktor ang particular na produkto bilang gamot sa bungang araw. Ang mga halimbawa nito ay calamine lotion at low-strength hydrocortisone cream.