backup og meta

Paano Maiiwasan Ang Tigdas, At Paano Ito Ginagamot?

Paano Maiiwasan Ang Tigdas, At Paano Ito Ginagamot?

Ano Ang Tigdas At Paano Ito Nakakahawa?

Ang tigdas o rubeola ay isang sakit na dulot ng isang virus na kabilang sa paramyxovirus. Matuto tungkol sa virus, kung gaano ito potensyal na maaaring maging banta sa buhay ng mga tao sa lahat ng edad dahil sa mga komplikasyon tulad ng pagtatae (dehydration) at pneumonia. Kasama din ang paggamot at kung paano maiiwasan ang tigdas.

Noong 2018, naitala ng World Health Organization (WHO) ang 140,000 na pagkamatay na may kaugnayan sa tigdas sa buong mundo.  Kahit na karamihan sa mga pagkamatay na ito ay nasa mga batang wala pang limang taong gulang, ang mga nasa hustong gulang ay maaari ding magkaroon ng sakit na ito. 

Ang bakuna para sa tigdas ay ginawa noong 1963. Bago iyon, ang pagsiklab ng tigdas ay naganap tuwing dalawa hanggang tatlong taon. Ang mga paglaganap ng tigdas ay nagdulot ng humigit-kumulang 2.3 milyong pagkamatay sa buong mundo. 

Bumaba ang mga bilang na ito mula noon, at sa ilang bahagi ng mundo, ang tigdas ay ganap nang naalis.

Kamakailan lamang, nagsimulang maganap muli ang paglaganap ng tigdas, dahil sa pagdami ng mga taong hindi nakatanggap ng bakuna laban sa sakit.

Paano Naililipat Ang Tigdas?

Ang virus na ito ay pangunahing nakakahawa sa respiratory system, immune system, at balat. Kapag ang isang tao ay nahawahan ng tigdas, ang virus ay maaaring mabuhay sa mucus na matatagpuan sa lalamunan o sa ilong. Nangangahulugan ito na ang isang taong nahawahan ay maaaring magkalat ng virus ng tigdas sa pamamagitan ng pag-ubo at pagbahing. Ang virus ay maaaring manatili sa hangin ng hanggang dalawang oras, kaya naman ito ay nakakahawa.

Sa katunayan, 90% sa mga tao na nalantad sa isang nahawaang tao ay mahahawa rin ng tigdas. Iyon ay kung siya ay hindi pa immune sa sakit. 

Ang isang taong may tigdas ay kadalasang nagkakaroon ng pantal ilang araw pagkatapos mahawa. Gayunpaman, siya ay maaari nang magkalat ng sakit apat na araw bago lumitaw ang pantal at hanggang apat na araw pagkatapos.

Senyales At Sintomas

Ang mga sintomas ng tigdas ay karaniwang lumilitaw mga 10 hanggang 14 na araw pagkatapos mong malantad sa virus.  Karaniwang hindi mo mararamdaman ang anumang sintomas sa mga araw na ito. 

Ang mga sintomas ng tigdas sa mga matatanda ay karaniwang hindi gaanong nag-iiba sa mga sintomas ng tigdas na lumilitaw sa mga bata.

Karaniwang mga unang sintomas ng tigdas ay ang “tatlong Cs”:

  • ubo
  • coryza (runny nose)
  • conjunctivitis (pamamaga ng lining ng eyelid)

Ngunit ang tigdas ay nagdudulot din ng iba pang mga palatandaan at sintomas. Pagkatapos ng incubation period, ang nahawaan ng tigdas ay maaaring magsimulang magpakita ng mga sumusunod na sintomas: 

  • Mataas na lagnat. Kadalasan ito ang unang senyales ng impeksyon sa tigdas at tumatagal ng humigit-kumulang apat hanggang pitong araw. 
  • Koplik Spot. Hindi lahat ng may tigdas ay magpapakita ng senyales na ito. Dalawa hanggang tatlong araw pagkatapos magsimulang magpakita ng mga sintomas, maaaring magsimulang lumitaw ang Koplik Spots. Ang mga Koplik Spots ay matambok at maasul na puting spot na makikita sa loob ng bibig, lalo na sa mga panloob na lining ng labi at pisngi. Karaniwang lumilitaw ang mga ito isang araw bago magsimulang lumabas ang pantal ng tigdas.
  • Measles rash. Ilang araw pagkatapos ng impeksyon sa tigdas, maaaring lumitaw ang isang pantal “tigdas”. Ang mga ito ay flat at pula, at karaniwang nagsisimula sa linya ng buhok at kumakalat sa katawan at paa.
  • Dry cough
  • Runny nose
  • Conjunctivitis (pamamaga ng lining ng eyelid)

Bagama’t may mga naniniwala na hindi  dapat paliguan ang bata habang may impeksyon sa tigdas, ang mainit na sponge bath ay maaaring makatulong. Maaaring mapabuti ang mga sintomas ng tigdas na nagdudulot ng discomfort.

Sa pamamagitan ng paliligo ang isang bata o adult na may tigdas ay nasisigurong malinis para maiwasan ang anumang karagdagang impeksyon.

Mahalagang makita ang mga maagang sintomas para ma-diagnose ng doktor at makapagbigay ng mga tip sa paggamot at kung paano maiiwasan ang  tigdas.

Risk Factors

Posibleng maging ganap na immune sa sakit. Ang isang taong nahawaan na ng tigdas ay mas mababa ang panganib na magkaroon ng kondisyon. Ito ay dahil natutunan na ng katawan na labanan ang virus na nagdudulot ng tigdas. Ang mga taong nakatanggap ng kumpletong pagbabakuna para sa tigdas ay mas mababa rin ang risk.

Ang mga kadahilanan ng panganib para sa tigdas ay:

  • Hindi bakunado. Ang mga maliliit na bata na walang bakuna laban sa tigdas ay pinaka-mabilis na mahawa. Nanganganib din ang mga buntis na hindi nabakunahan. Ang tigdas ay maaaring magdulot ng mga komplikasyon na maaaring makapinsala sa fetus.

Ngunit ang bakuna ng tigdas ay hindi nangangahulugan na ikaw ay ganap na immune sa virus. Ang ilang mga tao na may bakuna na ay maaari pa ring makakuha ng impeksyon, pero ang tyansa ay napakababa. 

  • Paglalakbay. Kung naglakbay ka kamakailan sa isang lugar kung saan talamak pa rin ang tigdas, ikaw ay nasa panganib na mahawa.
  • Pagkakaroon ng Vitamin A deficiency. Ang mga bata na kulang sa bitamina A ay mas madaling mahawa. At mas malamang na magkaroon ng malalang sintomas na nauugnay sa tigdas.

Paggamot At Pag-Iwas Sa Tigdas

Ang paggamot para sa tigdas ay kadalasan madali, dahil ang katawan ay kadalasang may kakayahang labanan ang impeksyon. Gayunpaman, mahalaga na gamutin ang mga sintomas para maiwasan ang karagdagang mga komplikasyon. Ang mga impeksyon sa tainga at mata ay kadalasang ginagamot ng antibiotic.

Paano naiiba ang paggamot at pag-iwas sa tigdas para sa mga matatanda at bata?

Ang paggamot ng tigdas sa mga sanggol o matatanda ay hindi gaanong nagkakaiba. Nagrerekomenda ang mga doktor na bigyan ang pasyente ng maraming fluids at siguraduhin ang sapat na pahinga. Ang mga batang na-diagnose na may tigdas ay pinaiinom ng dalawang dose ng Vitamin A para maka-recover sa panahon ng mga impeksyon sa tigdas.

Isa sa mga pinakamahusay na hakbang kung paano maiiwasan ang tigdas ay ang regular na pagbabakuna. Ang bakuna sa Measles, Mumps, and Rubella (MMR) ay isang mabisang paraan para maiwasan ang sakit. 

Bilang bahagi ng pangkalahatang paggamot at kung paano maiiwasan ang tigdas, inirerekomenda ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na ang mga bata ay magkaroon ng dalawang dose ng bakunang ito. Ang unang dose ay karaniwang ibinibigay kapag ang isang bata ay may edad na 12-15 buwan. Ang pangalawang dose naman ay kapag ang isang bata ay nasa pagitan ng 4-6 na taong gulang.

Iba pang mga paraan para maiwasan ang pagkakaroon ng sakit:

  • Pagsasanay ng wastong kalinisan sa paghinga.  Takpan ang iyong bibig o ilong sa tuwing gusto mong bumahing o umubo.
  • Regular na paghuhugas ng mga kamay. Maaari rin nitong pigilan ang pagkalat ng iba pang mga nakakahawang sakit.

Key Takeaways

Ang tigdas ay isang nakakahawang sakit na pangunahing nakakaapekto sa respiratory system. Ito rin ay  nagiging sanhi ng mga sintomas tulad ng lagnat at pantal. Sa kabutihang palad, may bakuna na kung paano maiiwasan ang  tigdas. 
Para sa dagdag na kaalaman kung paano mag-avail ng bakuna sa tigdas at makakuha ng impormasyon sa paggamot at kung paano maiiwasan ang tigdas, kumunsulta sa iyong doktor.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Bata dito.

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Measles, https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/measles, Accessed July 5, 2020

An Evolving Situation: Measles and the 21st Century Vaccination Crisis,  https://biomedicalodyssey.blogs.hopkinsmedicine.org/2019/05/an-evolving-situation-measles-and-the-21st-century-vaccination-crisis/, Accessed July 5, 2020

Measles virus: A pathogen, vaccine, and a vector, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4514292/, Accessed July 5, 2020

Transmission of Measles, https://www.cdc.gov/measles/transmission.html, Accessed July 5, 2020

Measles in Pregnancy: Frequently Asked Questions, https://www.pennmedicine.org/updates/blogs/womens-health/2019/may/measles-in-pregnancy-faqs, Accessed July 5, 2020

Measles – Signs and Symptoms, https://www.cdc.gov/measles/symptoms/signs-symptoms.html, Accessed July 5, 2020

Measles Vaccination, https://www.cdc.gov/vaccines/vpd/measles/index.html, Accessed July 5, 2020

Getting Measles After Vaccination: FAQ, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/measles/expert-answers/getting-measles-after-vaccination/faq-20125397, Accessed July 5, 2020

Vitamin A for Measles in Children, https://www.cochrane.org/CD001479/ARI_vitamin-a-for-measles-in-children, Accessed July 5, 2020

Koplik Spots, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK549793/, Accessed July 5, 2020

Measles: Signs and Symptoms, https://www.cdc.gov/measles/symptoms/signs-symptoms.html, Accessed July 5, 2020

Measles Vaccination, https://www.cdc.gov/vaccines/vpd/measles/index.html, Accessed July 5, 2020

Kasalukuyang Version

01/20/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Parents, Narito Ang Ilang Tips Ngayong Summer Na!

RSV o Respiratory Synctial Virus: Alamin Kung Ano Ang Sakit na Ito


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement