Ang pagtukoy at pagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan ng isang bata tulad ng pagkain, damit, at tirahan ay maaaring maging madali. Ngunit ang pagkilala at pagharap sa pag-unlad ng kaisipan ng bata at kabataan ay maaaring mas mahirap. Alam mo ang kahalagahan ng mental health ng bata. Gayunpaman, alam mo ba kung paano alagaan ang kalusugan ng isip ng iyong anak? Talakayin natin nang mas detalyado ang kritikal na isyung ito.
Mental Health Ng Bata
Sa panahon ngayon, naging isang kilalang isyu na ang mental health hindi lamang sa mga matatanda, maging sa mga bata at adolescents din.
Ipinapakita ng mga datos mula sa World Health Organization na 10-20% ng mga kabataan sa buong mundo ay may mga mental disorders, at marami sa mga ito ay hindi nagagamot.
Maraming mga salik na maaaring makaapekto sa mental health ng bata katulad ng mga sumusunod:
- Lumalagong pangangailangan upang maging malaya
- Mga peer relationships at pressure na umaayon sa mga target cliques
- Pagdiskubre ng sexual idenitity kumpara sa mga gender norms
- Umuusbong na pag-depende sa teknolohiya
- Kalidad ng mga kondisyon ng pamumuhay kabilang ang socio-economic status
- Pisikal, emosyonal, at mga kondisyon ng pag-uugali
Ang isang mentally healthy na bata ay patuloy na nagiging masaya, maayos na nakababagay, at nagiging matatag sa emosyonal na paraan habang siya ay lumalaki. Gayunpaman, bilang isang magulang, antabayanan ang ilan sa mga warning signs na ang iyong anak ay maaaring dumaranas ng ilang problema sa pag-iisip:
- Clinical o situational depression na nagpapakita bilang pangmatagalan na kalungkutan
- Social withdrawal, na humahantong sa pagliban at mga pagbabago sa academic performance ng bata
- Self-inflicted injuries
- Nagsasalita tungkol sa kagustuhang saktan ang kanilang sarili
- Nagsasalita tungkol sa pagpapakamatay o kamatayan
- Mga pagbabago sa pag-uugali, mood, o personalidad tulad ng biglaang matinding pagkamayamot
- Pag-uugali na nakapipinsala sa bata o sa iba
- Biglaang pagbabago sa mga eating habits o timbang ng bata
- Sleeping disorders
- Pagdalas ng pananakit ng ulo o tiyan
- Mabilis na magambala o nahihirapang mag-concentrate sa mga gawain
Paano Nakatutulong Ang Pag-Aalaga Sa Mental Health Ng Bata
Narito ang ilang sa mga basic nurturing techniques na maaari mong tuklasin kapag nakikitungo sa child and adolescent mental development.
Pagmamahal Mula Sa Mga Miyembro Ng Pamilya
Ang pagmamahal na ito ay dapat ibinibigay ng walang kondisyon. Ito ay maaaring mukhang isang hindi naaabot na layunin. Gayunpaman, karaniwan nasasangkot dito ang pag-ibig na hindi nakasalalay sa mga nagawa ng isang bata. Ito ay isang pag-ibig na nagmamalasakit ngunit makatotohanan.
Kumpiyansa At Pagpapahalaga Sa Sarili
Ang iyong anak ay magkakamali at daranas ng mga pagkabigo. Ito ay mga natural na pangyayari sa buhay ng sinumang tao. At kung paano ka tumugon sa mga kaganapang ito ay may epekto sa mental health ng bata. Ang mga positibong tugon ay karaniwang makatutulong sa iyong anak na magkaroon ng kumpiyansa at pagpapahalaga sa sarili. Isaalang-alang ang mga mungkahing ito:
- Sa halip na magpataw ng mga hindi kinakailangang parusa, hikayatin ang iyong anak na matuto mula sa pagkakamali. Hindi ito nangangahulugan na hindi mo na madidisiplina ang iyong anak.
Mayroong iba’t ibang mga paraan ng pagdidisiplina na maaari mong gawin, depende sa ugali ng iyong anak: Gantimpalaan ang mabuting pag-uugali kahit na sa pamamagitan ng pagpuri sa kanya; ituro ang natural o lohikal na mga kahihinatnan; o alisin ang mga pribilehiyo. Binibigyang-diin ng mga eksperto na isang mahalagang bahagi ng proseso ng pagdidisiplina ay ang pagpapaliwanag ng pangangailangan para dito. Kausapin ang iyong anak tungkol sa kung ano ang kailangang gawin, at pagsunod sa proseso.
- Sa halip na magpataw ng hindi makatotohanang mga layunin, tulungan ang iyong anak na magtakda ng mga makatotohanang layunin na isinasaalang-alang ang kanilang mga kakayahan at ambisyon. Bilang isang magulang, magkakaroon ka ng magandang ideya sa mga kakayahan at potensyal ng iyong anak upang maging isang mahusay na gabay para sa iyong anak.
- Sa halip na maging sarkastiko, hikayatin ang iyong anak na magsalita tungkol sa kanya o sa kanyang nararamdaman. Maaari mo ring ibahagi ang iyong sariling mga pagkakamali at pagkabigo at kung ano ang iyong ginawa upang malagpasan ang mga ito. Makatutulong ito upang maunawaan ng iyong anak na walang perpekto.
- Sa halip na tumuon sa negatibo, hikayatin ang iyong anak na unawain ang aralin o tukuyin ang pinakamahusay na paraan upang makabangon mula sa isang pagkabigo. Huwag isipin na ito a simple black and white o yes or no lamang. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga open-ended questions, maaari mong gabayan ang iyong anak na alamin ang mga kasagutan at matuto mula sa mga aralin.
- Sa halip na mga akusasyon, ikonsidera ang constructive criticism. Mahalaga ito kung ang iyong anak ay adolescent na, at malamang ay madali na siyang magalit o maging sensitibo sa negatibong feedback.
Paglalaro
Ang paglalaro ay may mahalagang papel sa mental health ng bata. Bigyan ang iyong anak ng maraming pagkakataon na pisikal at sosyal na makipag-ugnayan sa mga kaibigan at kaedad, lalo na sa pamamagitan ng mga aktibidad sa labas. Pumunta sa mga parke, mga kaganapan sa komunidad o mall, o kahit na mga aktibidad sa kapitbahayan. Sa mga espesyal na araw tulad ng tag-ulan o nationwide quarantine, maaari kang maging kalaro ng iyong anak.
Sa halip na manood ng telebisyon o maglaro ng mga video game, hikayatin ang iyong anak na maglaro ng mga pisikal na laro tulad ng tag o sayaw, upang maging curious sa pamamagitan ng mga exploration activities tulad ng paghahardin, o mag-analisa sa pamamagitan ng mga games tulad ng Monopoly o Jenga.
Huwag maliitin ang kahalagahan ng paglalaro para sa pisikal, mental, at panlipunang pag-unlad ng iyong anak. Ang paglalaro ay nag-aalok ng konteksto para sa iyong anak na magkaroon ng mga cognitive skills, physical abilities, language at literacy skills, emotional perseverance, at social skills. Dagdag pa rito, nakatutulong ito sa iyong anak na mabawasan ang stress at pagkabalisa. Ang pinaghalong simple at kumplikadong mga panuntunan ng paglalaro ay nagbibigay-daan sa iyong anak na maunawaan ang mga tuntunin ng lipunan.
Suporta Mula Sa Iba Pang Mga Tagapag-Alaga
May dahilan kung bakit itinuturing na pangalawang magulang ng bata ang mga guro. Ang iyong anak ay gumugugol ng mas maraming oras sa paaralan. Sa ganitong kapaligiran, ang mga guro ang tagapag-alaga ng iyong anak. Hindi ito nangangahulugan na kailangan mong ipaubaya ang lahat sa mga guro ng iyong anak.
Bagama’t sila ay sinanay na magturo, hindi lahat ng mga tagapagturo ay sinanay upang harapin ang mental health ng bata. Kung regular kang nakikipag-usap sa mga guro ng iyong anak, maaari kang magbigay ng isang mas komprehensibo, two-pronged system para sa mental wellbeing ng iyong anak.
Kaligtasan At Seguridad
Ang malaking mundo ay maaaring maging isang nakakatakot na lugar para sa iyong anak. Kung kaya, ang pagbibigay ng ligtas na tahanan ay maaaring makapagpapagaan sa takot ng iyong anak. Ang iyong tahanan ay maaaring maging isang lugar kung saan ang mga takot ay malayang matalakay nang walang pagpuna. Laging tandaan na ang takot ay maaaring tunay na totoo at mahalaga sa iyong anak. Kung kaya, ang pagtulong sa kanya na mag-navigate ng kanyang takot ay mahalaga para sa kalusugan ng isip.
Key Takeaway
Ang pangangalaga sa mental health ng bata ay maaaring buod dito: Maging mapagmahal, makapagpapatibay, at mapanatag sa halip na mag-alala, magbanta, o magkontrol. Piliin mong maging matatag ngunit mabait. Kung sa palagay mo ay nalulula ka, huwag matakot na kumunsulta sa pediatrician ng iyong anak o isang mental health professional na malapit sa iyo.
Alamin ang iba pa tungkol sa Kalusugan ng Bata dito.
[embed-health-tool-vaccination-tool]