Ang katotohanan ay, ang undernutrition ay nangyayari sa gutom, ngunit ang kakulangan sa micronutrient at labis na timbang ay maaaring mangyari kahit na sa mga bata na may access sa iba’t ibang uri ng pagkain.
Katulad ng nabanggit kanina, obesity at overweight, na anyo rin ng malnutrisyon, ay maaaring mangyari sa mga batang na labis ang kinakain o labis ang dami ng asukal at hindi mabuting uri ng taba na kinokonsumo. Kung paulit-ulit na kumakain ang mga bata ng parehong pagkain at walang variety, tumataas din ang panganib nilang magkaroon ng mga micronutrient deficiencies.
Halimbawa, ang mga bata na kumakain lamang ng kanin para sa carbohydrates, processed meat para sa protina, at ilang mga gulay, ay nagkakaroon ng kakulangan sa iba pang micronutrient-rich na pagkain tulad ng wholegrain cereal, berde at madahong gulay, at seafood.
Mito #3: Ito ay nakakaapekto lamang sa pisikal na kalusugan
Oo, malaki ang epekto ng malnutrisyon sa pisikal na kalusugan ng isang bata, ngunit ang impluwensya nito ay higit pa roon.
Ang mga malnourished na bata ay kadalasang may mga isyu sa pagganap sa akademiko at eskwela: maaari silang magkaroon ng mas mababang mga marka sa pagsusulit. Sa kabilang banda, maari rin silang magkaroon ng mas mataas na mga rate ng pagliban at matagal bago muling makapasok. Binibigyang-diin din ng mga eksperto na ang kakulangan sa ilang bitamina at mineral ay maaaring magresulta sa mas mababang IQ.
Mula sa mahinang pagganap sa akademiko at eskwela, ang mga isyu ay maaaring tumaas sa kawalan ng kakayahan na matuto at maka tungo sa susunod na mga antas. Kaugnay nito, nababawasan din ang pagiging produktibo sa kanilang pagtanda.
Mito #4: Ang mga lalaki ay nangangailangan ng higit pa. Mas kaunti naman sa mga babae.
Ayon sa World Food Program, isa sa mga pangkaraniwang mito tungkol sa malnutrisyon ay ang mga lalaki ang nangangailangan ng mas maraming calories habang ang mga babae ay mas kaunti naman. Marahil, ganito ang iniisip ng mga tao dahil ang mga lalaki ay kadalasang mas malaki sa pisikal na aspeto at mas aktibo kaysa sa mga babae.
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap