backup og meta

Malnutrisyon: 6 Na Maling Paniniwala Tungkol Dito

Malnutrisyon: 6 Na Maling Paniniwala Tungkol Dito

Maaaring panggalingan ng kagalakan ng mga magulang ang makitang mabilog ang mga bata at sabik sa pagkain bawat oras. Ngunit, alam mo ba na kahit ang mga “chubby” na mga bata at ang mga may normal na timbang ay maaari ring maging malnourished? Narito ang ilan sa mga karaniwang mito tungkol sa malnutrisyon na pabubulaanan ng siyensya. 

Mito #1: Ito ay patungkol lang sa mababang BMI

Ang una at marahil ang pinakakaraniwang alamat tungkol sa malnutrisyon ay maaari lamang itong mangyari sa mga batang kulang sa timbang.

Gayunpaman, ito ang katotohanan: ang pagiging overweight at obese ay mga anyo rin ng malnutrisyon. Sinasabi ng mga eksperto na ang malnutrisyon ay nangyayari kapag ang dami ng nutrients at calories na natatanggap natin ay hindi tumutugma sa mga aktwal na pangangailangan ng ating katawan.

Ang mga bata na may labis na timbang ay madalas na kumonsumo ng mas maraming calories kaysa sa nasusunog nila. Katulad nito, ang mga maliliit na bata na may normal na body mass index (BMI) ay maaaring nakararanas ng micronutrient deficiencies; maaari silang magkaroon ng mga kondisyon tulad ng iron-deficiency anemia o night-blindness.

[embed-health-tool-bmi]

Ang bottom line ay: ang malnutrisyon ay maaaring mangyari sa mga bata anuman ang kanilang timbang.

Mito #2: Maaari lamang itong mangyari sa mga bata na nakararanas ng pangmatagalang gutom

Kaugnay sa naunang mito, maaari na nating iwaksi ang ideya na ang malnutrisyon ay maaari lamang mangyari sa mga bata na nakararanas ng gutom sa mahabang panahon.

Ang katotohanan ay, ang undernutrition ay nangyayari sa gutom, ngunit ang kakulangan sa micronutrient at labis na timbang ay maaaring mangyari kahit na sa mga bata na may access sa iba’t ibang uri ng pagkain.

Katulad ng nabanggit kanina,  obesity at overweight, na anyo rin ng malnutrisyon, ay maaaring mangyari sa mga batang na labis ang kinakain o labis ang dami ng asukal at hindi mabuting uri ng taba na kinokonsumo. Kung paulit-ulit na kumakain ang mga bata ng parehong pagkain at walang variety, tumataas din ang panganib nilang magkaroon ng mga micronutrient deficiencies.

Halimbawa, ang mga bata na kumakain lamang ng kanin para sa carbohydrates, processed meat para sa protina, at ilang mga gulay, ay nagkakaroon ng kakulangan sa iba pang micronutrient-rich na pagkain tulad ng wholegrain cereal, berde at madahong gulay, at seafood.

Mito #3: Ito ay nakakaapekto lamang sa pisikal na kalusugan

Oo, malaki ang epekto ng malnutrisyon sa pisikal na kalusugan ng isang bata, ngunit ang impluwensya nito ay higit pa roon.

Ang mga malnourished na bata ay kadalasang may mga isyu sa pagganap sa akademiko at eskwela: maaari silang magkaroon ng mas mababang mga marka sa pagsusulit. Sa kabilang banda, maari rin silang magkaroon ng mas mataas na mga rate ng pagliban at matagal bago muling makapasok. Binibigyang-diin din ng mga eksperto na ang kakulangan sa ilang bitamina at mineral ay maaaring magresulta sa mas mababang IQ.

Mula sa mahinang pagganap sa akademiko at eskwela, ang mga isyu ay maaaring tumaas sa kawalan ng kakayahan na matuto at maka tungo sa susunod na mga antas. Kaugnay nito, nababawasan din ang pagiging produktibo sa kanilang pagtanda.

Mito #4: Ang mga lalaki ay nangangailangan ng higit pa. Mas kaunti naman sa mga babae.

Ayon sa World Food Program, isa sa mga pangkaraniwang mito tungkol sa malnutrisyon ay ang mga lalaki ang nangangailangan ng mas maraming calories habang ang mga babae ay mas kaunti naman. Marahil, ganito ang iniisip ng mga tao dahil ang mga lalaki ay kadalasang mas malaki sa pisikal na aspeto at mas aktibo kaysa sa mga babae.

Totoo namang may kaunting pagkakaiba sa kinakailangang caloric intake sa pagitan ng mga kabataang lalaki at babae; gayunpaman, ang pagkakaibang iyon ay hindi nangangahulugang direkta itong naaangkop sa mga bata.

Sinasabi ng mga eksperto na ang mga batang may edad na 6 hanggang 12 ay nangangailangan ng 1,600 hanggang 2,200 calories araw-araw, depende sa kanilang antas ng pisikal na aktibidad.

Mito #5: Normal ang pagbawas ng timbang habang lumalaki ang mga bata

Isa pang karaniwang mito na naririnig ay ang paniniwalang normal  lang para sa mga bata na magbawas ng timbang habang sila ay lumalaki.

Itinatampok ng mga ulat na hindi normal para sa mga bata ang mabawasan ng timbang. Oo, mawawala ang matambok na hitsura nila noong sila ay mga sanggol, ngunit tandaan na sila ay lumalaki pa rin sa pamamagitan ng kanilang taas.

Dapat suriin ng doktor ang anumang hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang sa mga bata. Maaaring ito ay senyales na ang bata ay malnourished o nasa bingit ng pagiging malnourished.

[embed-health-tool-bmi]

Mito #6: Ito ay isang maliit na isyu lamang

Ang pang-anim at panghuli sa aming listahan ay ang paniniwalang ang malnutrisyon ay isang maliit na problema lamang. Sa katotohanan, ito ay isang pandaigdigang isyu na nakakaapekto sa bilyun-bilyong tao, hindi lamang sa mga bata.

Sa kalusugan ng bata, sinasabi ng mga ulat na ito ang nag-iisang pinakamalaking kontribyutor sa pagkamatay ng mga batang wala pang 5 taong gulang. Higit sa lahat, pinapataas nito ang kahinaan ng bata sa impeksyon habang binabawasan ang kanilang kakayahang gumaling mula sa pag kakasakit.

Key Takeaways

Ang pag-unawa sa mga mito tungkol sa malnutrisyon ay nag bibigay-daan sa mga tao na pamahalaan ito nang mas maayos upang mapangalagaan at mapalakas ang kalusugan ng mga bata.
Sa pangkalahatan, kailangang tandaan ng mga magulang na ang malnutrisyon ay maaaring mangyari sa mga bata anuman ang kanilang timbang, at ang mga epekto nito ay maaaring higit pa sa pisikal na kalusugan.
Bukod pa rito, makatutulong na tandaan na ang mga batang lalaki ay hindi naman nangangailangan ng mas maraming calories kaysa sa mga babae. At, hindi rin normal para sa mga bata na bumaba ang timbang habang sila ay lumalaki.

Alamin ang iba pa tungkol sa Malnutrisyon dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Learning About Calories
https://kidshealth.org/en/kids/calorie.html#:~:text=Kids%20come%20in%20all%20sizes,on%20how%20active%20they%20are.
Accessed February 9, 2021

Does an apple a day keep the doctor away?
https://www.wfp.org/stories/nutrition-myths-debunked
Accessed February 9, 2021

Have you fallen for the malnutrition myths?
https://www.bapen.org.uk/pdfs/malnutrition-awareness-week/malnutrition-myths.pdf
Accessed February 9, 2021

Unexplained Weight Loss in Children and Teens
https://www.health.harvard.edu/decision_guide/unexplained-weight-loss-in-children-and-teens
Accessed February 9, 2021

Impact of Malnutrition
https://motherchildnutrition.org/malnutrition/about-malnutrition/impact-of-malnutrition.html
Accessed February 9, 2021

Kasalukuyang Version

06/11/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Uri Ng Malnutrisyon, Anu-Ano Ang Mga Ito?

Ano ang Kwashiorkor, Paano Ito Nagagamot, at Paano Maiiwasan?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement