Ang malaria ay isa sa mga sakit na naipapasa ng lamok. Napakataas ng malaria morbidity at mortality. Bilang karagdagan sa conventional medical methods, ang mga taong may malaria ay mabilis ding gagaling kung sasamahan ng home remedies sa malaria. Ayon sa World Health Organization (WHO), ang mga bata, buntis, at mga turista ay madaling kapitan ng malaria. Nasa ibaba ang isang listahan ng mabisa, natural na mga gamot sa malaria para sa iyong mga anak.
Mga paraan upang suportahan ang paggamot sa malaria sa bahay
Ang paggamot sa malaria sa bahay ay hindi ganap na nagpapagaling sa isang pasyente. Ngunit ito ay bahagyang makadaragdag sa medical treatment nito.
Cinnamon
Ang cinnamon ay kahanga-hangang halamang gamot. Naglalaman ang mga ito ng maraming cinnamaldehyde, procyanidins, at catechins na may napakagandang anti-inflammatory, antioxidant at antibacterial properties. Samakatuwid, ang cinnamon ay isa sa mga pinakamahusay na kandidato upang tumulong sa paggamot sa mga sintomas ng malaria.
Paghaluin ang cinnamon powder na may maligamgam na tubig at gamitin ito 1-2 beses sa isang araw. Kung nahihirapan kang uminom, maaari kang magdagdag ng kaunting pulot upang mapahusay ang lasa.
Turmeric
Ang turmeric ay “super” spice na may kamangha-manghang antioxidant at antibacterial properties. Tumutulong ang turmeric na alisin ang mga lason na naipon sa katawan dahil sa impeksyon ng plasmodium. Nakakatulong din itong patayin ang malaria parasite. Ang malaria patients ay dapat uminom ng 1 baso ng turmeric milk bawat gabi para sa pinakamahusay na epekto.
Orange Juice
Kapag na-infect ng malaria, dapat kang uminom ng orange juice sa pagitan ng meals. Ang vitamin C sa orange juice ay nakakatulong na palakasin ang immunity at mabawasan ang lagnat. Para sa mga taong may malaria, pinakamahusay na uminom ng 2-3 baso ng fresh orange juice sa isang araw.
Luya
Nakakatulong ang luya na palakasin ang immune system at pabilisin ang recovery process mula sa impeksyon. Ang gingerol ay isang active ingredient sa luya na may anti-inflammatory at antibacterial properties. Kaya ang luya ay isa sa pinakamabisang natural na panggagamot para sa malawak na hanay ng mga karamdaman, kabilang ang malaria.
Kumuha ka ng isang maliit na tinadtad na ugat ng luya na hinaluan ng 1-2 tasa ng tubig. Pakuluan, palamigin at salain. Uminom nito araw-araw. Pwede kang magdagdag ng honey para mas madaling inumin.
Apple Cider Vinegar
Ang apple cider vinegar ay napaka-epektibo sa pagpapababa ng lagnat, ngunit kakaunti ang nakakaalam nito. Kakailanganin mong:
- 1/2 tasang apple cider vinegar
- 2-3 baso ng tubig malambot na tuwalya o cloth bag
Maghalo ng apple cider vinegar sa tubig, ilagay ito sa isang bag o malambot na tuwalya, at ilagay ito sa iyong noo upang mapababa ang temperatura ng katawan.
Grapefruit
Ang grapefruit ay may sangkap na tinatawag na quinine, na tumutulong upang patayin ang mga parasite at palakasin ang immune system. May maraming uri ng fiber ang grapefruit. Ito ay may vitamin A, C, at maraming carbohydrates. Ang mga pasyente ay maaaring uminom ng grapefruit juice ng direkta. Maaari ring pakuluan ito pagkatapos ay salain ang tubig.
Lemonade
Ang sariwang lemon ay lubhang kapakipakinabang na gamot sa malaria. Sinusuportahan nito ang healing process, pagpigil sa pagkalat ng impeksyon, at pagbabawas ng pagduduwal. Dagdag pa rito, nagbibigay din ito ng vitamin C upang makatulong na maibalik ang kalusugan ng pasyente nang mabilis.
Pigain ang sariwang lemon juice na may tubig at uminom ng dalawang beses sa isang araw. Gayunpaman, tandaan na dapat ka lamang uminom ng may kaunti o walang asukal.
Strawberry
Ang mga strawberry ay may antioxidants at iba’t ibang enzymes. Tumutulong ang mga ito na maalis ang parasites nang hindi naaapektuhan ang kalusugan ng pasyente. Ang nutrisyon sa mga strawberry ay tumutulong din sa mga pasyente na mabawi ang enerhiya at mabilis na makabawi.
Dapat subukan ng mga pasyente na magdagdag ng mga strawberry sa kanilang pang-araw-araw na pagkain. Tulad ng paggawa ng juice, pagkain ng direkta, at paggawa ng salads o cakes. Ang inirerekomendang halaga para sa lahat ay humigit-kumulang 8 strawberry bawat araw.
Maligamgam na tubig
Ang pag-inom ng maligamgam na tubig ay isang simpleng paraan, ngunit huwag itong maliitin. Tumutulong ito sa mga pasyente ng malaria ng bumuti ang pakiramdam. Kinokontrol nito ang pagdumi, at binabawasan ang pamamaga. Para sa gamot sa malaria, ang mga pasyente ng malaria ay dapat uminom ng 6-8 baso ng maligamgam na tubig sa isang araw para sa mabilis na recovery process.
Tradisyonal na medikal na paggamot sa malaria
Ginagamot ang malaria ng antiparasitic drugs. Aling gamot ang gagamitin at kung gaano ito katagal ay depende sa:
Anong uri ng malaria parasite ang dala ng pasyente?
- Kalubhaan ng mga sintomas
- Buntis o hindi?
Ang mga karaniwang gamot sa malaria ay kinabibilangan ng:
- Artemisinin ay unang ginamit sa paggamot ng malaria.
- Chloroquine ang piniling gamot para sa parasitic infections. Ngunit sa maraming bahagi ng mundo, ang parasite na nagdudulot ng malaria ay naging resistant sa chloroquine. Samakatuwid, ang gamot ay hindi na isang epektibong first-line na paggamot, ngunit ginagamit para sa pag-iwas o prophylaxis.
- Kumbinasyon ng atovaquone at proguanil.
- Pagsamahin ang quinine sulfate sa doxycycline. Tandaan na ang quinine ay hindi na ginagamit bilang first-line na paggamot.
- Primaquine phosphate, na ginagamit din laban sa relapse.
Mga paraan upang maiwasan ang malaria
- Pagbabakuna
- Magpatingin sa iyong doktor sa sandaling maghinala na mayroon kang mga sintomas ng malaria
- Uminom ng mga anti-malarial drugs bago maglakbay sa mga mapanganib na lugar
- Iwasan ang kagat ng lamok sa pamamagitan ng hindi pagkakaroon ng stagnant water sa paligid ng bahay
- Maglagay ng mosquito repellent cream
- Gumamit ng kulambo kapag natutulog
Matuto nang higit pa tungkol sa Mga Nakakahawang Sakit sa mga Bata dito.
[embed-health-tool-bmi]