Sa unang ika-7 hanggang ika-8 taon ng iyong anak, ang kanilang utak at mata ay nag-aaral pa lang na magkasamang gumawa. Sa puntong ito, ang sistemang biswal ay nagdedebelop pa lamang. At sa pagtukoy ng mga problemang biswal sa panahong ito ay makatutulong na mabawasan ang banta ng permamenteng problemang biswal sa pamamagitan ng pangwastong salamin sa mata (corrective eyewear). Ano-ano ang mga senyales na ang iyong anak ay maaaring nangangailangan ng salamin ng bata?
Paano Nakatutulong Ang Salamin Ng Bata?
Bago natin ipaliwanag ang karaniwang senyales na ang iyong anak ay maaaring nangangailangan ng salamin sa mata, alamin muna natin kung paano nakatutulong ang salamin ng bata.
Maaaring kailangan ito ng mga bata para:
- Pagpapabuti ng paningin
- Proteksyon kung mayroon silang malabong paningin sa isang mata
- Lazy eye o amblyopic eye (pinalalakas ng salamin ang paningin ng amblyopic eye)
- Duling (ang salamin sa mata ay tumutulong sa pagpapabuti ng alignment ng mga mata)
Senyales Na Ang Iyong Anak Ay Maaaring Nangangailangan Ng Salamin Ng Bata
Kung napapansin mong ang iyong anak ay madalas na ginagawa ang mga sumusunod, panahon na para dalhin sila sa doktor. Titignan ng physician ang kalusugan ng kanilang mga mata at kukumpirmahin kung nangangailangan sila ng salamin ng bata (corrective eyeglasses).
Squinting
Alam natin lahat kung paano tayo mag-squint kung hindi tayo makakita nang maayos. Ginagawa rin ito ng mga bata kung malabo ang kanilang paningin. Ipinaliwanag ng mga eksperto na ang squinting ay nagpapabuti ng pokus at linaw ng paningin, ngunit pansamantala lamang.
Ang squinting ay maaaring indikasyon ng refractive error, isang kondisyon na ang liwanag ay hindi makapokus sa retina dahil sa hugis ng mata. Kabilang sa refractive errors ang astigmatism, nearsightedness at farsightedness.
Napakalapit Na Pagtutok Sa Libro
Isa sa mga pinakamamasid na senyales na ang iyong anak ay maaaring nangangailangan ng salamin ay kung sobrang lapit sila sa TV kung nanonood at sobrang lapit na tutok sa libro o iskren ng gadget.
Maaaring ginagawa nila ito dahil hirap silang makabasa o makakita nang malinaw kung hindi malapit ang libro o iskren sa kanilang mga mata na karaniwanag senyales ng nearsightedness o myopia.
Pagyuko Ng Ulo
Kung napapatanong ka kung talaga bang nangangailangan ng salamin ng bata ang iyong anak, pansinin ang paggalaw ng kanilang ulo. Ang pagyuko upang makakita ay maaaring senyales ng problema sa paningin, tulad ng:
Ptosis o pagbaba ng talukap. Kondisyon ito na ang isa o parehong itaas na talukap ay mababas kumpara sa dapat. Maaaring mabawasan ng talukap ang paningin, at yumuyuko ang mga bata para makakita lampas sa talukap.
Strabismus. Ito ay kondisyon na ang mga mata ay hindi nakahanay nang tama. Yinuyuko ng mga bata ang kanilang ulo para ipantay ang kanilang mga mata at magamit ito pareho.
Double vision. Sa ilang kaso, ang mga bata ay nakararanas ng dobleng paningin o double vision kung tumitingin sila sa pababa o lumiliko sa particular na direksyon; ang pagyuko ay nakababawas ng dobleang paningin o double vision at nakatutulong sa kanila na makakita nang malinaw. Tandaan na ang double vision ay maaaring maging komplikasyon ng strabismus.
Pagtuturo Habang Nagbabasa
Kung inaatasan mo ang iyong anak na magbasa nang malakas, pansinin kung itinuturo nila ang mga salita habang nagbabasa.
Maaaring ginagawa nila ito dahil isang phenomena na nagmumukhang “magulo” ang mga letra o mga salita. At ito ay nagdudulot nang kahirapan sa pagkikilala. Ang “pagkamagulo” ay karaniwan sa amblyopia o lazy eye, na maaaring maging komplikasyon ng strabismus.
Tandaan na ang pagtuturo ay hindi palaging masamang senyales. Nakikita rin ito sa mga batang natututo magbasa. Sa dahilang ito, tingnan kung may iba pang senyales bukod sa pagtuturo habang nagbabasa.
Paglaktaw Sa Pagbabasa
Kung sila ay hindi nagtuturo, tingnan kung ang iyong anak ay nawawala o naglalaktaw sa pagbabasa. Maaaring ang mga ito ay senyales ng strabismus o astigmatism.
Pagtakip Ng Isang Mata
Isa sa mga senyales na ang iyong anak ay maaaring nangangailangan ng salamin ng bata ay kung sila ay madalas nagtatakip ng isang mata. Maaaring “isinasantabi” nila ang isang mata dahil sa malabong paningin, at ito ay nakakasagabal sa kanilang paningin. Tandaan na ang malabong paningin ng isang mata ay maaaring indikasyon ng lazy eye.
Mga Senyales Kaugnay Ng Eye Strain
Nagaganap ang eye strain kung matindi ang paggamit natin sa ating mga mata sa mahabang oras; maaaring madebelop ito ng mga bata kung sobra ang paggamit nila sa kanilang mga mata at humantong sa malabong paningin. Ilan sa mga pinaka-karaniwang sintomas ng eye strain ay sobrang pagkapagod ng mga mata o eye fatigue tulad ng mga sumusunod:
- Lagnat
- Pagkusot sa mga mata
- Pagkasensitibo sa liwanag
- Tuyot o nagtutubig na mata
Key Takeaways
Kung napansin mo ang mga senyales na ito sa iyong anak, magpatingin sa doktor sa mata. Maagap na pagtukoy sa kondisyon, mas maagap na pagwawasto sa sa pamamagitan ng salamin ng bata o iba pang pamamaraan.
Matuto ng higit pa ukol sa Pangangalaga sa Mata ng mga Bata rito.