backup og meta

Pangungulangot ng Bata, Paano ba Ito Pagbabawalan?

Pangungulangot ng Bata, Paano ba Ito Pagbabawalan?

Hindi ba’t mayroon tayong ilang mga nakagawian sa pagkabata, na sinubukang alisin ng ating mga magulang? Mula sa pagkagat ng mga kuko hanggang sa pangungulangot, mula sa pagsubo ng daliri hanggang sa pagpipilipit ng buhok. Mayroong mga kakaibang nakagawian ang bawat bata na nagbibigay sa kanila ng kasiyahan. At isa sa mga kilalang nakagawian ng mga bata ang pangungulangot. Magpatuloy sa pagbabasa upang malaman kung paano pangangasiwaan ang pangungulangot ng iyong anak.

Tulad ng ibang mga nakagawian, nagsisimula ang pangungulangot ng bata sa tuwing nakararanas ng pagkabagot o nagiging curious lang. Minsan, dahil kinakabahan ang bata. Di gaya sa pagsubo ng daliri, pagkagat ng kuko o pagpilipit ng buhok, ‘di gaanong halata ang kaba ang pangungulangot.

Dahil sa allergy kung kaya mas madalas ang pangungulangot ng mga bata. Ang lahat ng mga mucus at crusting sa ilong ang kumukuha ng kanilang pansin. Sa ibang pagkakataon, maaaring ang kapaligiran ang maging dahilan ng madalas na pangungulangot ng iyong anak. Maaaring ang init o air-conditioning system ang mga dahilan sa kapaligiran. Natutuyo nito ang daanan sa ilong ng bata, na nagbibigay sa kanila ng hindi magandang pakiramdam. Ito ang nagiging dahilan upang makagawian nila ang pangungulangot.

Hindi tulad ng pagkagat ng kuko, na maaaring manatili sa mga bata hanggang sa kanilang pagtanda, humihinto ang pangungulangot habang lumalaki ang iyong anak. Karaniwang kusang pinipigilan ng mga bata ang nakagawian nilang pangungulangot. Maaari ding dahil sa tindi ng panunukso ng kanilang mga kaibigan sa paaralan.

6 na Mabisang Paraan Upang Mapigilan Ang Pangungulangot ng Bata

Huwag pagalitan ang iyong anak kung nakagawian ang pangungulangot ng ilong

Bagaman hindi ka natutuwa sa tuwing nangungulangot ang iyong anak sa harap ng mga kamag-anak, kaibigan o iba, hindi dapat siya pagalitan o husgahan sa harap ng lahat. Hindi alam ng bata ang kanyang ginagawa kaya hindi makatutulong ang pagpilit sa bata na huminto sa pangungulangot ng ilong.

Minsan, maaaring kabaligtaran ang maging epekto ng pamimilit. Magsisimulang makita ng bata ang pangungulangot bilang isang biro upang panukso sa iyo. Habang mas pinipilit ang bata na huwag gawin, mas gagawin niya ito.

Ilang mga magulang ang gumagamit ng mga paraan tulad ng paglalagay ng elastic bandage sa palibot ng daliri ng bata, umaasang mailayo ng hindi magandang pakiramdam ang bata sa pangungulangot. Ngunit hindi ito ang bagay na dapat gawin. Para itong parusa sa bata. Sa halip, ituro sa bata na puwedeng makatulong sa kanya ang pagsinga kaysa ang pangungulangot.

pangungulangot ng bata

Subukang panatilihing may hawak ang kanyang mga kamay

Kapag alam mo na kung saan at kailan nangungulangot ang iyong anak, halimbawa sa tuwing nanonood ng telebisyon – subukang bigyan ang bata ng bagay na hahawakan upang manatiling abala ang kanilang kamay.

Hikayatin silang sumubok ng mga pisikal na gawain kung saan magagamit nila nang madalas ang kanilang mga kamay. Ang puzzle-solving, paglalaro ng lego, at mga craft ay ilan lamang sa maaari mong i-consider. Kapag nagsimulang matuwa ang bata, tiyak na mawawala na sa isip nila ang pangungulangot.

Bantayan ang iyong anak kung nakasanayan na nitong mangulangot

Kung sobra na ang pangungulangot ng bata o madalas nagiging nervous behaviour ito, humingi ng payo sa doktor. Maaaring nervous behaviour ang pagsubo ng daliri, pangungulangot ng ilong hanggang sa dumugo, pagkakaroon ng sleeping disorder, at iba pa.

Gamutin ang kanilang mga allergy (kung mayroon sila)

Mahirap para sa mga bata na labanan ang allergy, hindi katulad sa matatanda. Kaya naman bumabaling sila sa pangungulangot ng ilong. Ilan sa mga allergen na maaaring allergic ang mga bata at pati na rin mga matanda ay ang pollen, surot, balat ng hayop at amag. Alamin sa isang pediatrician ang posibleng lunas dito.

Pahabain ang pasensya at huwag sumuko

May nakagawian ang bawat bata na nananatili hanggang sa tiyak na edad. Hindi dapat mag-alala o mataranta sa bagay na ito. Pagpasok niya sa paaralan, unti-unting mahihinto ang pangungulangot ng bata. Malaking rason ng pagtigil at tuluyang pagkalimot sa pangungulangot ang panunukso mula sa mga kaklase. Ngunit tiyakin ding hindi mauuwi ang panunukso sa bullying.

Panatilihing hydrated ang mga bata

Hikayating uminom ng maraming tubig ang iyong anak kung nakatira sa mga tuyong lugar o kung nagiging sanhi ng pagkatuyo ng ilong ng bata ang mga air-conditioning o heater.  Nakatutulong ang paglalagay ng air-humidifier sa kanilang kwarto upang mabawasan ang kanilang pangungulangot.

Huwag masyadong i-stress ang iyong sarili sa nakagawiang pangungulangot ng iyong anak. Alamin ang mga pangunahing pag-iingat tulad ng pagpapanatiling maiksi ang kanilang mga kuko upang hindi nila labis na masaktan ang kanilang mga sarili.

Matuto pa tungkol sa cultivating healthy habits in children dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Take the Pick out of Nose Picking

https://www.chla.org/blog/rn-remedies/take-the-pick-out-nose-picking Accessed September 2, 2021

Rhinotillexomania: psychiatric disorder or habit?

https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/7852253/ Accessed September 2, 2021

What to do if my kid’s a nose picker

https://healthcare.utah.edu/the-scope/shows.php?shows=0_zk3yhlxe Accessed September 2, 2021

How can I help my child stop picking his nose?

https://abcquality.org/posts/2021/how-can-i-help-my-child-stop-picking-her-nose/ Accessed September 2, 2021

It’s OK for your child to pick his nose. Really. https://childrensmd.org/uncategorized/its-ok-for-your-child-to-pick-his-nose-really/

Accessed September 2, 2021

 

Kasalukuyang Version

12/02/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jezreel Esguerra, MD


Mga Kaugnay na Post

Paano Maiwasan ang Shaken Baby Syndrome

Alamin ang Komplikasyon ng Kawasaki Disease


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement