Ang pagsubo ng daliri at pacifier ay normal para sa mga sanggol. Ngunit gaano kadalas ang sobra? Ang pagsubo ng daliri at paggamit ng pacifier ay maaaring makasama sa paglaki at development ng iyong anak. Nasa ibaba, inilista namin ang panganib ng palaging nakasubo na daliri, maging ang tips paano matutulungan ang iyong anak upang ihinto ang ugaling ito.
Rason para sa Pagsubo ng Daliri at Paggamit ng Pacifier
Ito ay natural para sa iyong anak na naisin na palaging nakasubo ang daliri o gumamit ng pacifier. Ang mga baby ay isinilang na may malakas na reflex at instinct na sumubo. Ang ilang mga baby ay nagsimula nang isubo ang kanilang mga daliri sa loob ng tiyan pa lamang. Ito ay kailangan dahil sinasanay sila nitong kumain at magkaroon ng nutrisyon.
Karagdagan, ang pagsubo ng daliri ay may karagdagang epekto ng pagkakalma sa iyong anak. Mula sa 2-4 na taong gulang, kailangan na ayos lang na hayaan na isubo ng iyong anak ang kanilang daliri o bigyan sila ng pacifier.
Negatibong Epekto ng Pagsubo ng Daliri at Paggamit ng Pacifier
Kailangan na pigilan ang mga bata sa ugaling palaging nakasubo ang daliri at paggamit ng pacifier kung lumaki na sila. Gayunpaman, kung ito ay magpatuloy hanggang 4 na taon, maaaring magkaroon ng ilang komplikasyon.
Ang pinakamalaking isyu ay sa development ng ngipin. Ang pagsubo ng daliri at paggamit ng pacifier ay ayos lamang bago tumubo ang kanilang permanenteng ngipin. Kalaunan, ang patuloy na pagsubo ng daliri ay maaaring magdulot ng hindi pantay na ngipin. Maaaring seryosong makaapekto ang mga salik tulad ng dalas at intensity.
Karagdagan sa hindi perpektong ngipin, ang palaging paggamit ng pacifier ay maaaring magdulot sa iyong anak ng sobrang pagiging dependent sa mga ito. Maaaring maging problema ito sa mahabang panahon kung nais mo nang ihinto ang iyong anak. Maaaring umiyak nang umiyak ang iyong anak o magmaktol tuwing gabi.
Paano Itigil ang Pagsubo ng Daliri ng Iyong Anak
Karamihan ng mga bata ay mapaglalakihan na ang paggamit ng pacifier o pagsubo ng daliri. Gayunpaman, kung naisip mo na ang iyong anak ay matanda na at ang pag-uugali ay maaaring magdulot ng hindi mabuti, oras na para itigil.
Narito ang ilang tips kung paano matutulungan ang iyong anak upang itigil ang pag-uugaling ito:
Hanapin ang Sanhi o Trigger
Para sa mga bata, ang palaging nakasubo ang daliri ay kadalasang nagpapakalma para sa kanila. Subukan na tukuyin ano ang sanhi ng pakiramdam na stressed o pagkabahala. Humanap ng mga paraan upang i-comfort sila tungkol sa isyu maliban sa pagbibigay ng pacifier. Ang magagandang salita o mainit na yakap ay maaaring makatulong. Karagdagan, maaari kang magbigay sa kanila ng stuffed animal upang pisilin o bilang security blanket para yakapin bilang kapalit ng pacifiers.
Bigyan ng Marahan na Pag-push
Kung nakita mo ang iyong anak na sinusubo ang daliri o gumagamit ng pacifiers, subukan na marahan silang pahintuin. Kailangan mong maging maingat na huwag silang kutyain. Maaaring mas makasama ito kaysa mapabuti. Ang mabait na pagpapahinto sa bata ay sapat na.
Ang Susi ay Positive Reinforcement
Kung nakita mo ang iyong anak na sumusunod sa hindi pagsusubo ng daliri, i-reinforce ang pag-uugali sa pagbibigay ng maliliit na gantimpala. Tulad ng extra playtime o paboritong healthy snack ay mainam. Maaari mo ring subukan na bigyan sila ng maliliit na layunin na madali nilang mapagtatagumpayan. Maaaring simpleng hindi pagsubo ng daliri sa loob ng isang oras.
Magbigay ng gantimpala kung nasusunod nila ito. Kung napagtagumpayan, maaari nang magsimulang pahabain ang oras. Mula sa pag-iwas na isubo ang daliri sa isang oras, pwedeng itaas ang lebel na walang pagsubo ng daliri sa gabi. Sa kabilang banda, huwag silang pagalitan o parusahan kung hindi man nagawa.
Mahalagang Tandaan
Ang pagsubo ng daliri at paggamit ng pacifier ay kailangan sa mga lumalaking bata. Gayunpaman, sa kanilang paglaki, ang pagpapatuloy nito ay mas nakasasama kaysa nakabubuti. Laging bigyan ng atensyon ang iyong anak at ang kanilang pag-uugali.
Matuto pa ng ibang mga Isyu sa Kalusugan ng Bata rito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.