Ayon sa National Child Abuse and Neglect Data System (NCANDS), ang childhood emotional neglect ay ang uri ng maltreatment na kung saan ang bata ay hindi nakatanggap ng sapat o dapat na uri ng pag-aalaga mula sa caregiver, bagaman kaya nila itong ibigay.
Ano ang Emotional Neglect?
Mula sa manunulat at sikolohista na si Dr. Jonice Webb, ang emotional neglect ay kung ang mga magulang ay hindi tumugon sa emosyonal na pangangailangan ng bata.
Mayroong apat na basic na uri ang neglect, kabilang ang
- Physical neglect
- Medical neglect
- Educational neglect
- Emotional neglect
Kabilang sa mga uri nito, ang emotional neglect ay karaniwang kilala bilang invisible problem. Maaari itong resulta ng ibang salik tulad ng abalang mga magulang, estruktura ng pamilya, mental na isyu sa kalusugan, history ng mga magulang ng emotional neglect, o hindi akmang inaasahan sa mga bata.
Epekto ng Childhood Emotional Neglect
Ang childhood emotional neglect ay maaaring humantong sa maraming pisikal maging mental na isyu. Kung hindi nakaramdam angmga bata ng init, pagmamahal, at encouragement na kailangan nila sa pamilya, maaari silang makaranas ng poor self-image, substance abuse, at mapaminsalang pag-uugali. At maaari itong maging resulta ng malalang consequences tulad ng pagpapakamatay.
Ang mga batang lumaki na emotionally neglected, ay mas nakakaramdam ng struggles. Dahil sa hindi naibigay ang validation sa kanilang emosyon mula sa pagkabata, nahihirapan silang tanggapin at maunawaan ang kanilang sariling emosyon bilang matanda.
Ano ang mga Sintomas ng Childhood Emotional Neglect?
Ang childhood emotional neglect ay invisible na problema, na nagpapanatili ng hindi inaakalang pinsala sa isip ng bata at sa buhay. Kalaunan, mahirap na malaman kung ang bata ay nakararanas nito. Gayunpaman, ang batang neglected sa emosyonal ay maaaring magpakita ng mga senyales tulad ng:
- Mababang self-esteem
- Perfectionism
- Pakiramdam ng may kakulangan, ngunit hindi sigurado kung ano ito
- Sensitibo sa rejection
- Anxiety o depresyon
- Labis na takot o phobias
- Kawalan ng personal hygiene
- Hindi normal na ugali sa pagkain
- Kawalan ng kontrol sa sarili
- Hindi nais sumunod sa rules
- Bangungot
Paano Naaapektuhan ng Emotional Neglect ang mga Bata?
Ang mga batang lumaki na may childhood emotional neglect ay makakaramdam na hindi mahalaga o may kawalan sa ibang paraan. Kadalasan ay nahihirapan sila magkaroon ng bagong kaibigan. Mayroon silang problema sa wika at maaaring mas maagang umalis sa paaralan kaysa sa ibang mga bata. Gayundin, ang mga bata, kung nararamdamang naiiwan sa bahay, ay maaaring humingi ng atensyon at social interaction sa social networks. Maaari itong mapanganib dahil maaari silang ma-expose sa cyber-bullying.
Posibleng Rason para sa Childhood Emotional Neglect
Maraming mga rason para sa childhood emotional neglect upang mangyari. Basahin ang mga sumusunod:
Estruktura ng Pamilya
Kung ikaw ay single parent na may hectic at demanding na trabaho, maaaring mas kaunti ang oras na inilalaan sa iyong anak, dahil ikaw ay abala sa paggawa. Sa pagkonsidera ng ibang mga sitwasyon gaya ng malaking pamilya, sabihin na nating limang bata, mahirap ding magbigay ng sapat na oras at kumonekta sa bawat isa sa emosyonal na aspekto. Maaari itong humantong sa emotional neglect na hindi sinasadya ngunit dahil sa hindi maiiwasang sitwasyon.
Alcoholic na mga Magulang
Sa ganitong mga kaso, ang mga magulang ay wala sa estado upang maunawaan ang tungkol sa kanilang buhay, lalo na sa emosyonal na pangangailangan ng kanilang anak. Kung ang mga magulang ay nakadepende sa alak, droga, o paninigarilyo, nawawalan sila ng pang-unawa sa emosyonal at pisikal na pangangailangan ng anak, na humahantong sa emotional neglect.
Nakaranas din ang mga Magulang ng Emotional Neglect sa Kanilang Pagkabata
Kung ang mga magulang ay nakaranas ng emotional negligence sa kanilang pagkabata, mahirap para sa kanilang bigyang-diin ang emosyonal na pangangailangan ng mga bata. Maaaring hindi nila ma-establish at ma-nurture ang mabungang relasyon sa kanilang anak, na nagreresulta sa emotional neglect sa bata.
Hindi Makatwiran na Inaasahan mula sa mga Magulang
Kung nagsimula na ang mga magulang na may asahan sa pag-uugali ng kanilang anak sa tiyak na pagkakataon, hindi nila napagtatanto na nagagawa nila ang emotional neglect. Ang hindi pag-unawa sa personalidad ng bata, nature at kagustuhang emosyonal ay mararamdaman ng bata na siya ay emotionally neglected ng kanyang mga magulang.
Paano Susuportahan sa Emosyonal na Aspekto ang mga Bata?
Maraming mga magulang ang napapabayaan ang kanilang mga anak na hindi malay sa kanilang ginagawa at resulta nito. Upang protektahan ang iyong anak mula sa emotional neglect, kailangan mong:
- Makinig sa iyong mga anak. Ang paglalaan ng quality time at sapat na oras sa pakikipag-usap sa kanila at pagpapaalam na ikaw ay may pake ay nagpapalakas ng kanilang emosyon at self-confidence.
- Pag-usapan kasama ng iyong asawa. Pareho kayong dapat na talakayin ito at alamin paano mas mabuting alagaan ang anak at maaaring bumase sa bagong parenting style. Mag day-off sa trabaho at bumisita ng counselor o therapist upang manghingi ng payo. Subukan na maging kaibigan ng iyong anak upang ma-boost ang morale.
- Humingi ng tawad kung kinakailangan. Minsan, maaari kang makagawa o makapagsabi ng masasakit na salita sa iyong anak. Huwag lamang itong isawalang bahala. Kahit na ang maliliit na pagtatalo ay maaaring magresulta sa emotional neglect. Kung ikaw ay humingi ng tulong para sa iyong pagkakamali, ang iyong anak ay matututo na gawin din ito.
- Magkaroon ng realistic expectations. Panatilihin na makatwiran ang iyong mga inaasahan at iwasan ang pagbibigay ng sobrang pressure sa kanila. Magkaroon ng mas friendly at lovable na approach sa iyong anak.
- Gantimpalaan ang iyong mga anak. Purihin sila nang tapat sa mga pagkakataon na nagpapakita sila ng magandang pag-uugali o maliit na tagumpay.
Mahalagang Tandaan
Ang emotional neglect ay malaking bagay kung ang pag-uusapan ay pagiging magulang. Ang emotional neglect sa mga bata ay maaaring magbigay ng resulta na hirap kumonekta sa emosyonal na aspekto sa ibang mga tao habang lumalaki. Maaari din itong humantong sa social exclusion. Ibigay sa iyong anak ang akmang atensyon at emosyonal na pag-unawa na kailangan nila mula pa sa pagsilang.
Minsan, kailangan mo lamang ay maging nariyan para sa kanila at makinig!
Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Bata rito.