backup og meta

Ano ang Autism? Heto ang Lahat na Dapat mong Malaman

Ano ang Autism? Heto ang Lahat na Dapat mong Malaman

Ang development disorder ay maaaring makaapekto sa abilidad ng isang tao na kumilos, mag-isip, magsalita, o umunawa ng mga bagay sa kanilang paligid. Hindi ito tulad ng ibang kondisyon. Hindi tulad ng simpleng sipon o bali ng buto, ang developmental disabilities ay kadalasan na progresibo at pang matagalan. Kung ang tinutukoy natin ay kondisyon sa developmental, ang mga ito ay halos nakikita na sa pagkapanganak. Isang halimbawa ay ang developmental disability na autism, kilala rin sa tawag na Autism Spectrum Disorder (ASD). Pero ano ang autism mismo?

Ipinakita ng pag-aaral ng World Health Organization na 1 sa 160 na mga bata sa buong mundo ay may autism. Noong mga nakaraang taon ay nagpakita rin ng pagtaas ng bilang ng dami ng indibidwal na pinapanganak na may autism.

Ano ang Autism Spectrum Disorder?

Ang ASD ay isang developmental disorder na pangunahing nakaapekto sa pakikipag-ugnayan at interaksyon ng isang tao. Ang Autism Spectrum Disorder ay hindi pareho ng Intellectual Disability. Bagaman may ilang indibidwal na may ASD na maaaring may problema sa kanilang kognitibong abilidad, ang ilan sa kanila ay wala nito. Ang iba ay may sobrang taas na IQs!

“Spectrum” ang susing salita sa kondisyon na ito. Ang ibig sabihin nito na ang sintomas ng autism ay maaaring iba-iba sa iba’t ibang tao. Ang taong may autism ay maaaring may ibang sintomas sa iba pa, tulad rin ng kung paanong ang spectrum ay maraming kulay.

Karaniwang magsisimulang makita ang sintomas ng taong may autism sa edad na pumapasok sa eskwela, sa pagkakataon na inaasahan ng mga magulang at guro na ang mga bata ay mas makipag-interact. Ang mga taong may autism ay humaharap sa maraming mga hamon sa kanilang pagtanda, ngunit ang mga interbensyon sa pagkabata ay maaaring magbigay sa kanila ng kinakailangan nilang kakayahan sa pagtanda.

Senyales at Sintomas

Ngayong may ideya na tayo kung ano ang autism, ating alamin ang senyales at sintomas nito.

Kailan Makikita ang mga Senyales at Sintomas ng Autism?

Ang mga developmental milestones ay kakayahan o aktibidad na kailangan na gawin ng isang bata sa tiyak na edad. Nakatutulong ang mga milestones na ito upang matukoy ng mga magulang kung ang kanilang anak ay nakararanas ng problema sa paglaki tulad ng autism.

Lahat ng mga magulang ay dapat na bantayan ang developmental milestone lalo na habang nasa toddlerhood, dahil ang sintomas ng autism ay nagsisimulang makita sa edad na 2-3 na taong gulang. Ang maagang pag-manage ng autism ay kinakailangan upang mabawasan ang disability na makita pa sa mga susunod na taon.

Ang mga sintomas ng autism ay maaaring iba-iba sa mayroon nito at maaaring mild hanggang malala. Ilang mga sintomas ng autism ay maaaring magsimulang makita sa early childhood, habang ang ibang mga sintomas ay makikita kalaunan sa buhay ng bata.

Ano ang mga Senyales?

Sa ibang mga kaso, ang mga bata na may autism ay maaaring hindi magpakita ng sintomas hanggang makatuntong sa edad ng pagpasok sa eskwela. Mula rito, madali nang makikita ng mga magulang o caregivers ang mga behavioral patterns o mannerism na sanhi ng autism. Ang ilang mga senyales na dapat bantayan ay ang mga sumusunod:

  • Hindi nagre-respond ang bata sa pagtawag ng kanyang pangalan
  • Hirap o hindi kayang magsagawa ng eye contact
  • Nahihirapan ang bata na magsimula o manatili sa pakikipag interaksyon
  • Hindi maayos na nakapagsasalita ang bata o humihinto sa pakikipag-usap
  • “Echolalia,” ito ay kung inulit ng bata ang isang salita o mga pangungusap na narinig nila mula sa kanilang caregivers, kahit na ang mga salita na ito ay wala sa lugar

Mahalaga na tandaan na hindi lahat ng may autism ay magpapakita ng mga sintomas na nasabi sa itaas, kaya’t mahalaga na konsultahin ang doktor ng anak tungkol sa developmental disabilities bago magsagawa ng konklusyon.

Causes at Risk Factors

Ngayong may ideya na tayo kung ano ang autism, ating alamin ang mga causes at risk factors nito.

Sino ang Maaaring Magkaroon ng Autism Spectrum Disorder?

Sa terminong “Autism Spectrum Disorder” kabilang dito ang ibang kaugnay na kondisyon sa ilalim ng terminong ito.

Kahit na malawak ang pag-aaral na isinasagawa rito, ang mga eksperto at medikal na propesyonal ay hindi pa rin sigurado sa eksaktong sanhi ng Autism Spectrum Disorder. Gayunpaman, ang genetics at environmental na sanhi ay malaki ang gampanin sa pagkakaroon ng autism.

Ang ilang mga banta na kaugnay ng pagtaas na magkaroon ng Autism Spectrum Disorder ay ang mga sumusunod:

  1. Ang bata sa pamilya ay may ASD, ang mga kapatid nito ay may mataas na tsansa na magkaroon.
  2. Kung ang sanggol ay pinanganak na premature o pinanganak na underweight
  3. Ang bata ay may matandang mga magulang
  4. Kung ang bata ay may kasalukuyang medikal na kondisyon tulad ng Rett syndrome o fragile X syndrome

Diagnosis at Lunas

Bukod sa kaalaman kung ano ang autism, ang sanhi, at sintomas nito, ating alamin kung ano ang nagagawa tungkol dito.

Ang Autism Spectrum Disorder ay hindi mapipigilan dahil ang pangunahing dahilan nito ay genetics. Gayunpaman, ang mga komplikasyon mula sa kondisyon na ito tulad ng hirap sa eskwelahan o isolation, ay maaaring iwasan sa pagsasagawa ng lunas at propesyonal na tulong sa lalong madaling panahon.

Maaaring makita ng mga doktor ang Autism Spectrum Disorder sa bata sa maagang edad na dalawang taong gulang. Kadalasan, ang pediatrician ng iyong anak ay imo-monitor ang pagbabago sa timbang, taas, at iba pang mahahalagang development habang nasa unang taon. Ang kahit na anong anomalies sa check-ups ng iyong doktor kasama ng first-hand na obserbasyon ay magbibigay ng ideya kung ang iyong anak ba ay kailangan ng dagdag na test upang makumpira ang Autism Spectrum Disorder.

Kabilang sa maraming malalim na pagsusuri ang comprehensive assessment na kakayahang kognitibo ng isang bata, motor skills, pang-araw-araw na gawain, at iba pa.

Kabilang sa pagpipiliang Lunas para sa Autism Spectrum Disorder ang:

  1. Gamutan. Bagaman walang gamot para sa Autism Spectrum Disorder, maaaring magreseta ang doktor ng mga gamot para sa mga bata na nakararanas ng hyperactivity o extreme behavioral problems.
  • Therapies.  Sa kabutihang palad, maraming mga therapies ang available para sa lunas ng Autism Spectrum Disorder-related symptoms. Ang batang may autism na nahihirapan sa kanyang motor skills ay maaaring kumuha ng communication therapy. Habang ang bata na nahihirapan na matuto ay maaaring kumuha ng education therapy. At may specially structured na program na makatutulong. Ang mga miyembro ng pamilya ay maaari ding makinabang mula sa family therapies. Sila ay mas maging receptive at mas tanggapin ang pangangailan ng miyembro ng pamilya na may autism.

Key Takeaways

Ang Autism Spectrum Disorder (ASD) ay isang developmental disorder na nakaapekto sa pag-iisip ng isang tao. Ito rin ay nakaaapekto sa ugali, nararamdaman, o pakikipag-ugnayan sa iba. Sa kabila ng chronic condition na ito, ang maagang interbensyon ay makapipigil sa malalang epekto sa kalidad ng buhay.
Ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa kung ano ang autism ay nakatutulong rin upang maalis ang mga maling paniniwala dito.

Matuto pa tungkol sa Behavioral at Developmental Disorders dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Autism Spectrum Disorders, https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/autism-spectrum-disorders, Accessed Jan 21, 2020

Autism Spectrum Disorder, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/autism-spectrum-disorder/symptoms-causes/syc-20352928, Accessed Jan 21, 2020

Developmental Milestones, https://www.mottchildren.org/posts/your-child/developmental-milestones, Accessed Jan 21, 2020

Autism, https://www.cdc.gov/ncbddd/autism/signs.html, Accessed Jan 21, 2020

Autism Spectrum Disorders, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/autism-spectrum-disorder/symptoms-causes/syc-20352928, Accessed Jan 21, 2020

3 Things You Should Know About Echolalia, http://www.hanen.org/Helpful-Info/Articles/3-Things-You-Should-Know-About-Echolalia.aspx, Accessed Jan 21, 2020

Autism Spectrum Disorders, https://www.nimh.nih.gov/health/topics/autism-spectrum-disorders-asd/index.shtml, Accessed Jan 21, 2020

Kasalukuyang Version

06/01/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Mga Dapat Malaman Tungkol Sa Eating Disorder Ng Bata

Pagpupuri ng Bata: Mayroon Bang Tama o Maling Paraan Ba Nito?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement