backup og meta

Bakuna sa Diphtheria, Alamin ang Tungkol sa Mga Bakuna ng Iyong Anak

Bakuna sa Diphtheria, Alamin ang Tungkol sa Mga Bakuna ng Iyong Anak

Kumpleto na ba ang bakuna ng anak mo? Ang mga pagbabakuna ay karaniwang ibinibigay sa mga bata kapag sila ay maliliit pa at nasa school age. Iba-iba rin ang uri ng pagbabakuna, depende sa edad ng bata. Mahalagang bigyang-pansin kung anong mga uri ng pagbabakuna ang dapat ibigay sa mga bata ayon sa kanilang edad. At ito ay dahil mayroong ilang mga pagbabakuna na ang mga pangalan ay pareho ang tunog, ngunit may iba’t ibang mga function. Halimbawa, mayroong bakuna sa diphtheria o Dt immunization (DTaP), at Td (Tdap) immunization. Ano ang pagkakaiba ng dalawa?

Ano ang Pagkakaiba sa pagitan ng Dt immunization at Td Immunization?

Bagama’t halos magkapareho ang pangalan ng dalawang uri ng bakunang ito, mag-ingat dahil magkaiba sila. 

Ang Dt immunization ay pagbabakuna na ibinibigay upang maiwasan ang ilang mga nakakahawang sakit, tulad ng diphtheria, tetanus, at pertussis (whooping cough). Dahil dito, tinatawag ng ilan itong bakuna sa diphtheria, tetanus at pertussis na DTaP shot.

Ang Td immunization ay follow-up immunization mula sa primary Dt immunization upang ang mga bata ay lalong maging immune sa tatlong nakakahawang sakit na ito. Maaaring narinig mo na rin itong pagbabakuna sa diphtheria, tetanus at pertussis na tinatawag na Tdap.

Ang dalawang bakunang ito ay may parehong function. Lalo na ang pagpigil sa paglitaw ng mga nakakahawang sakit na diphtheria, tetanus, at whooping cough (pertussis). Gayunpaman, ang pagkakaiba ay ang oras ng pangangasiwa at ang komposisyon ng dose.

Ang Td immunization ay supplementary immunization. Pinatataas nito ang immunity ng katawan laban sa tatlong uri ng nakakahawang mga sakit na nabanggit. Ito ang diphtheria, tetanus, at whooping cough. Bilang karagdagan, ang dose ng bakuna sa Td ay mas mababa kaysa sa bakuna sa diphtheria.

Sa paglipas ng panahon, maaaring bumaba ang immunity ng iyong katawan sa tatlong sakit na ito. Kaya naman inirerekomenda ng mga eksperto na ang lahat ay magpabakuna laban sa tetanus at diphtheria kada 10 taon. Habang tumatanggap ang mga bata ng serye ng mga pangunahing pagbabakuna sa Dt bago ang edad na pito, inirerekomenda ng mga doktor ang karagdagang pagbabakuna sa Td sa edad na 11 o bilang mga adult.

Kailan Dapat Tumanggap ng Bakuna sa Diphtheria ang mga Bata?  

Ang mga bata ay nakakakuha ng hindi bababa sa 5 primary Dt immunizations na may sumusunod na iskedyul:

Ang karagdagang bakuna sa Td ay ibinibigay pagkatapos ng panahong ito, kapag ang bata ay lampas na sa 7 taong gulang. Kadalasan, binibigay ng mga doktor ang booster shot na ito sa mga batang may edad na 11 taon. Pagkatapos, ibibigay ng mga doktor ang pagbabakuna na ito sa mga nasa hustong gulang sa pagitan ng edad na 19-64 taon. Inirerekomenda ng mga eksperto na ang lahat ay tumatanggap ng Td immunization booster shot tuwing 10 taon.

Mga Dapat Malaman ng mga Magulang Tungkol sa Bakuna sa Diphtheria 

Ang Center for Disease Control and Prevention (CDC) ay nagpapayo na ang mga bata na may sakit sa iskedyul ng pagbabakuna ay maghintay hanggang sila ay gumaling. Gayunpaman, kung ang iyong anak ay may trangkaso lamang, o sipon, ayos lang na mabakunahan kaagad.

Dagdag pa rito, ang ilang bata ay maaaring makaranas ng allergies sa bakunang ito. Kaya pinakamainam na takayin ito sa iyong pediatrician. Kung ang bata ay nasa mabuting kalusugan, dapat magpatuloy ang pagbabakuna dahil hindi lamang pinoprotektahan ng bakuna ang bata mula sa banta ng impeksyon, kundi pati na rin ang mga tao sa paligid mo.

Matuto nang higit pa tungkol sa Kalusugan ng Bata at Mga Bakuna dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Tdap (Tetanus, Diphtheria, Pertussis) VIS, https://www.cdc.gov/vaccines/hcp/vis/vis-statements/tdap.html, Accessed December 20, 2021

Diphtheria, Tetanus, and Pertussis Vaccines, https://www.cdc.gov/vaccinesafety/vaccines/dtap-tdap-vaccine.html, Accessed December 20, 2021

DTaP and Tdap Vaccines, http://www.webmd.com/children/vaccines/dtap-and-tdap-vaccines#1, Accessed December 20, 2021

Kasalukuyang Version

01/09/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Kumpletong Bakuna ng Bata: Heto ang Dapat Mong Malaman

Checklist Ng Mga Bakuna Sa Bata: Gabay Para Sa Mga Magulang


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement