Sa napakahabang panahon, ang mga magulang, guro, at mga researchers ay lubos na naka-focus sa intelligence quotient o IQ ng isang bata. Madalas na henyo ang turing sa mga indibidwal na mataas ang IQ. Sila ay ipinapalagay na mas may potensyal na maging mahusay kumpara sa iba. Pero, ang mataas na IQ lamang ay hindi garantiya sa tagumpay. Halimbawa, ang isang research na ginawa sa mga miyembro ng Mensa ay nagpakita ng koneksyon sa pagitan ng mas mataas na IQ at mas mataas na panganib ng mga psychological conditions. Dito pumapasok ang emotional quotient o EQ. Ano ang EQ?
Sa kasalukuyan, binibigyang pansin ang emotional quotient o EQ sa mga kampanyang nagsusulong para sa mental health. Ano ang EQ? Paano ilalarawan ang isang bata na may mataas na EQ?
Ano ang high-EQ na bata?
Ano ang EQ o emotional quotient? Ang EQ ay ang kakayahang umunawa at pamahalaan ang ating mga emosyon. Ito ay naipahahayag sa maraming iba’t ibang paraan, tulad ng pagiging mas empathetic sa iba.
High Emotional Quotient Quality #1 – Mas attentive
Ang mga batang may mas mataas na EQ ay mas sensitibo at mas empathetic. Bahagi ng empathy ang pagiging matulungin sa mga emosyonal na pahiwatig ng ibang tao o ang pakikinig sa kanila. Mapapansin ang isang matulunging bata na may empathy. Ito ay kapag ang isang tao sa kanilang paligid ay nalulungkot o nangangailangan ng tulong. Ang katangiang ito ay nagpapadali sa pakikipag-ugnayan at pagbuo ng malusog na relasyon.
High Emotional Quotient Quality #2 – Pinahusay na pagkaalerto
Ang isa pang katangian ng mga bata na may mas mataas na emotional quotients ay ang pagiging alerto. Kapag alerto ang isang tao, mas madali silang makakatugon sa mga pagbabago sa kanilang paligid.
Ang pagiging alerto ay nauugnay sa pagiging naaayon sa kung ano ang nangyayari sa paligid mo. At kung paano makakaapekto ang iyong mga aksyon sa iba, o pagkakaroon ng antas ng self-awareness.
Naiintindihan ng isang bata na may kamalayan sa sarili kung paano makakaapekto ang kanilang kalooban sa kanilang sarili at sa mga nakapaligid sa kanila. Ito ay humahantong sa mas mahusay na emosyonal na kontrol sa mga panlipunang sitwasyon.
High Emotional Quotient Quality #3 – Ano ang high-EQ na bata? Mas kalmadong disposisyon
Isang kahulugan ng EQ ay ang kakayahang umunawa, gumamit, at pamahalaan ang sariling emosyon. Ang pagkilala sa bad mood o negatibong emosyon nang maaga ay ang unang hakbang para makontrol ito. Ang mga batang may mababang EQ ay maaaring madaling ma-frustrate at mag-tantrums. Kung may kakayahang mapanatiling kalmado, mas madaling mag-isip nang malinaw at gumawa ng mga tamang desisyon. Gayunpaman, mahalagang tandaan na ang bawat bata ay may kakaibang disposisyon at ugali. Ang pakiramdam ng kalungkutan, pagkabigo, at galit ay bahagi ng normal na mga tugon, depende sa sitwasyon.
High Emotional Quotient Quality #4 – Pinalakas ang kumpiyansa
Marahil ang isa sa pinakamahalagang aspeto ng emotional intelligence ay ang mabuting pagpapahalaga sa sarili. Ano ang EQ? Ang mga bata na may malusog na pagpapahalaga sa sarili ay mas malamang na hindi mabiktima ng peer pressure at magkaroon ng higit na kumpiyansa. Kung may confidence sa sarili nilang kakayahan, ibig sabihin may kakayahang makipagsapalaran, tulad ng pagsali sa spelling bee o try-out para sa isang sports team. Ang mga may mas mababang EQ ay maaaring makaranas ng level of fear o pagkabalisa na pumipigil sa kanila sa sumubok ng mga bagong bagay.
High Emotional Quotient Quality #5 – Mas mahusay na konsentrasyon
Panghuli, ang mga batang may mataas na EQ ay mas naka-focus. Ito ay dahil ang matinding emosyon at impulsivity ay nakakaimpluwensya sa mga desisyon. Kapansin-pansin, ang mga batang mapusok ay nagpapakita ng mahinang regulasyon sa emosyon pagdating ng middle age nila. Ano ang EQ? Gaya ng inaasahan, ang malakas na emosyon ay nakakaimpluwensya sa decision making. Sa pangkalahatan, ang good mood ay nagreresulta sa mga positibong desisyon. Habang ang bad moods ay kabaligtaran ang epekto. Sa mahusay na nabuong emotional intelligence, nagagawa nating kontrolin ang ating mga emosyon sa halip na ang ating mga emosyon ang kumokontrol sa atin.
Pagpapalakas ng EQ para sa mas mahusay na pagpapahalaga sa sarili
Bilang mga magulang, maaaring iniisip mo kung paano mo mapapalakas ang emotional quotient at pagpapahalaga sa sarili ng iyong anak. Ang unang hakbang ay bigyan ang iyong anak ng wastong stimulation at nutrisyon ng brain-building ingredients tulad ng MFGM at DHA. Nakakatulong ito na maka hanap ng mga nutritional products na tumutulong sa pagsuporta sa parehong EQ at IQ development.
Matapos bigyang pansin ang mga pisikal at nutritional needs ng iyong anak, ang susunod na hakbang sa pagbuo ng EQ ay hayaan silang ipahayag ang kanilang damdamin. Sa halip na parusahan kaagad ang anak pagkatapos mag-tantrums, tulungan silang tukuyin at i-express ang kanilang mga nararamdaman. Ito ay para mas maunawaan at makontrol nila ang kanilang mga emosyon sa paglipas ng panahon. Gaya ng nabanggit, ang mahusay na EQ ay nakakatulong na mapabuti ang confidence. Kasama din ang social skills, at mental performance. Lahat ng ito ay maaaring makabuti sa pagpapahalaga sa sarili.
Panghuli, maging handa na maging isang mabuting huwaran. Kung ano ang EQ at ang development ng emotional intelligence ay hindi hihinto pagkatapos ng childhood. Tuluy-tuloy na proseso ang pag-aaral at pagpapanatili ng angkop na mga social skills at emotional control. Ang relasyon mo sa iyong anak ay mapapabuti rin kung maipahayag mo rin ang iyong mga damdamin sa malusog na paraan.