Pinatunayan ng social media na tayo, bilang isang pandaigdigang lipunan, ay naging mas may ugnayan kaysa dati. Naging mas malinaw din na ang pagiging laging “online” ay nakakaapekto sa ating pag-iisip. Maaari kang maging mas depressed at disconnected sa mahabang panahon. Mahalagang maunawaan ang mga epekto ng social media sa mental health.
Pagdating sa kapakanan ng pag-iisip, ang kabataan ay isa sa mga grupo sa maituturing na nasa pinaka mapanganib. Ang pinakapopular na social media apps ay Snapchat, Instagram, Facebook, YouTube, at Twitter. Pagdating sa mga aktibong gumagamit, ang 78% ay nasa 18-24 taong gulang na gumagamit ng Snapchat, 71% Ang gumagamit ng Instagram, at 68% na ang gumagamit ng Facebook. Gayundin, 94% ng mga edad na nasa 18-24 ay gumagamit ng YouTube, at 45% na gumagamit ng Twitter.
Ang Mga Epekto Ng Social Media Sa Mental Health
Nakatuon sa mga kagustuhan
Ang isa sa mga pinaka karaniwang epekto ng social media sa mental health ay ang pagnanais na makakuha ng “likes.” Ang patuloy na pagnanais na makakuha ng pagsang-ayon (approval) at balidasyon ( validation) sa ibang tao ay maaaring maging sanhi sa mga kabataan na bumuo ng mga desisyon na hindi nila karaniwang ginagawa. Kabilang dito ang mga pagbabago sa itsura, negatibong pag-uugali, at mapanganib na mga hamon ng social media.
Self-Esteem
Ang pagpapahalaga sa sarili ay isa rin sa mga epekto ng social media sa ating mental health. Ang paghahambing ng sarili sa ibang mga tao batay sa kanilang mga social media account ay nagiging dahilan din upang maiwasan ang pag-aalinlangan sa sarili. Ang mga larawang pinili at isinapubliko ay maaaring makapinsala sa self-esteem ng iyong anak. Gayundin, karaniwan para sa mga nagdadalaga ang humaharap sa cyberbullying sa social media. Ngunit hindi naman ibinubukod ang mga nagbibinata. Ang cyberbullying ay kaugnay ng depresyon at pagkabalisa (anxiety) at isang dahilan para sa maisipang magpatiwakal.
Pakikipag-ugnayan sa Tao
Ang isa pang epekto ng social media sa mental health ay ang mga pakikipag-ugnayan ng tao. Mahalaga sa atin bilang tao na makisalamuha at lumikha ng mga personal na relasyon. Mapanghamon itong gawin dahil sa pamamagitan lamang ng online magkakaroon ng interaksyon.
Mga Isyu sa Pagiging Pribado (Privacy)
Ang mga kabataan ay makakakuha ng libu-libong kontak sa pamamagitan ng social media. Mas maraming tao ang nasa friend list, mas marami rin mga tao ang maaaring makapagbahagi ng mga link sa kanilang mga video, mga larawan, at mga notification. Ang pagbabahagi ng halos lahat ng impormasyon online, ay maaaring magdulot ng panganib sa iyong mga anak. Kaya’t mahalagang turuan ang iyong mga anak na magbahagi lamang ng impormasyon sa mga taong pinagkakatiwalaan nila.
Ang social media ay maaaring maging kapaki-pakinabang sa pang-araw-araw na buhay. Maaari kang makipag-ugnayan sa iyong mga kaibigan at pamilya na malayo sa iyo at mag-post ng mga lumang larawan upang mapanatili ang mga alaala. Ngunit pagdating sa pagiging pribado, turuan ang iyong anak na maging maingat sa mga taong hindi nila kilala at pag-isipang mabuti ang mga ibabahagi online.
Less Face Time
Ang epektibong komunikasyon ay nangangailangan ng pagsasanay. Kapag ang mga kabataan ay mas higit na ginugugol ang kanilang oras sa interaksyon online, maaaring nahihirapan silang makipag-ugnayan sa personal. Ang kawalan ng regular na personal na pag-uusap (face-to-face), ay magreresulta sa mapanghamong pagbuo ng malalim na relasyon.
Kakulangan sa Tulog
Ang hindi pagkamit ng sapat na pagtulog ay isa rin sa mga epekto ng social media sa mental health. Ang kakulangan sa tulog ay maaaring humantong sa pagkayamot, pananakit ng ulo, at iba pang kaugnay na mga sintomas. Mahalaga na magkaroon ng sapat na tulog dahil ang sobrang gamit ng gadgets ay maaaring magresulta sa kahirapan na makatulog.
Lusog Isip (Mental Health)
Ang social media ay kadalasang humahantong sa mga problema sa lusog isip (mental health) tulad ng pagkabalisa (anxiety) o depresyon (depression) kapag madalas at padalos-dalos ang paggamit nito. Ayon sa isang 2018 poll, ⅓ ng generation Z ang iniulat na permanenteng umayaw sa social media. Nasa 40% ang naniwalang ang mga social media platform ang dahilan ng kanilang pagkabalisa, pagkalungkot, o pagkalumbay.
Kahit na hindi mo kailangang lumayo mula sa social media sa kabuuan, isang mahusay na ideya ang bawasan ang iyong oras sa paggamit nito. Baka sakaling gusto mong limitahan ang oras ng iyong pag-online sa isa o dalawang oras kada araw.
5 paraan na ang social media ay magkaroon ng pakinabang sa iyong buhay
Kung ang social media ay maaaring maging sanhi ng masamang epekto, ang mga platform na ito rin ay nag-aalok ng mga natatanging benepisyo.
Maging inspired upang yakapin ang malusog na pagbabago sa pamumuhay
Ang social media ay maaaring magbigay ng inspirasyon sa mga tao na mag-adopt ng malusog na pamumuhay. Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga karanasan sa online, ang mga tao ay mas hinihikayat na huminto sa paninigarilyo at magsimulang mag-ehersisyo. Madali mong mahanap ang iyong “grupo” o Online Social Support System sa pamamagitan ng maraming apps at platform. Pinatunayan na ang pagbabahagi ng mga layunin at ng maliliit na tagumpay ay tumutulong sa mga tao na manatiling motivated. Tinutulungan ka rin ng pagbabahagi ng iyong progreso sa online na manatiling nakapokus. Sa paggawa nito, dinadagdagan mo ang iyong pagkakataong magtagumpay.
Mabilis na humingi ng tulong at suporta online
Maraming mga support group ang umiiral sa social media, mula sa mga grupo ng mga magulang hanggang sa 24-oras na suicide prevention hotlines. Maraming mga primary support groups ang maaaring tumulong. Ang mga network na ito ay kadalasang nagbibigay ng mga pagkakataon na kumonekta sa mga tao at pagbabahagi ng mga karanasan sa isa’t isa. Karamihan sa mga grupong ito ay nakakonekta rin sa kanilang mga tagasubaybay sa pamamagitan ng SMS. Nagbibigay din sila ng pang-araw-araw na impormasyon, nagbibigay-daan sa iyong feedback, at nagbibigay ng tulong kung kailangan.
Matuto ng mga bagong digital na kasanayan
Habang hindi nila napapansin ang mga banta at panganib ng social media, maaaring maunawaan ng mga magulang ang positibong gamit ng teknolohiya. Ang Internet ay maaaring makatulong sa mga bata sa kanilang pag-aaral at makatulong na mapabuti ang kanilang mga gawi sa pag-aaral. Habang madaling balewalain ang nasayang na oras sa paggamit ng gadget, tandaang maaari din nitong turuan ang iyong mga anak ng mga kasanayang digital. Kabilang dito ang kung paano mag-research, maging mapamaraan, pagiging mapanuri sa impormasyong mababasa, atbp.
Palakasin ang mga relasyon
Ang social media ay makatutulong upang mapanatili ang mga relasyon, lalo na sa mga naninirahan sa malayong lugar. Maaaring pag-ugnayin ng social media ang mga matatanda at ang mga may kapansanan sa kanilang mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng mga online chats at mensahe.
Nakatutulong sa Medical Research Para sa Mental Health Professionals
Ang social media ay makatutulong sa mga therapist at psychiatrist. Ang mga propesyonal sa usapin ng mental health ay patuloy na gumagamit ng mga platform ng social media tulad ng Facebook,Tumblr, at Pinterest. Maaari silang mangalap dito ng mga mahahalagang data at impormasyon, ibahagi ito sa mga kasamahan, at mas mahusay na maunawaan ang pag-uugali ng mga tao.
Key Takeaways
Ang social media ay maaaring magkaroon ng mabuti o masamang epekto. Depende ito sa kung paano mo ito ginagamit. Samakatuwid, mahalaga na panatilihing bukas ang mga linya ng komunikasyon sa inyong mga tinedyer at hikayatin na balansehin ang tamang paggamit ng social media at ang totoong pakikipagkaibigan (real-life friendship). Madaling ikonsumo at maapektuhan ng mga nakikita natin sa social media. Dapat nating ipaalala sa mga bata na hindi ito repleksyon ng tunay na buhay. Ito lamang ay naglalaman ng mga larawan at mensahe na masusing pinili ng mga taong nag-post.
Maging modelo sa magandang pag-uugali ng mga anak at turuan silang na kumalas sa social media tuwing Sabado at Linggo. Kung kinakailangan, bantayan ang mga anak sa paggamit ng social media ngunit bigyan sila ng privacy at kalayaan, batay sa kanilang edad. Maaari mo ring limitahan ang kanilang pag-access sa ilang mga platform para na rin sa kanilang sariling proteksyon.
[embed-health-tool-vaccination-tool]