backup og meta

Ano Ang Sandwich Generation At Bakit Sanhi Ito Ng Depresyon?

Ano Ang Sandwich Generation At Bakit Sanhi Ito Ng Depresyon?

Sa mundong ito, patuloy na nag-e-exists ang henerasyon na kinakailangan ng isang tao na harapin ang pagtaas ng demands ng pag-aalaga ng sariling mga magulang at anak. In fact, ang mga indibidwal na humaharap sa demand na ito ay kadalasang bahagi ng “sandwich generation”. Sa katunayan, malaki ang epekto sa isang indibidwal ng pagiging parte nila sa sandwich generation. Kung saan ang mga epektong ito ay maaaring makapinsala sa kanilang pangkabuuang kalusugan at kaisipan.

Para malaman ang epekto ng pagiging bahagi ng sandwich generation sa isang tao, patuloy na basahin ang article na ito.

Ano ang sandwich generation?

Ang sandwich generation ay henerasyon kung saan ang isang tao ay karaniwang nahahanap ang kanilang sarili sa pagitan ng mga responsibilidad sa pag-aalaga para sa kanilang tumatandang mga magulang, at ang mga pangangailangan ng kanilang sariling mga anak. Kung saan ang pagbabalanse sa demands ng dalawang henerasyon na ito ay pwedeng magdulot ng malaking pinsala sa emosyonal, at pisikal na aspeto, habang hinaharap at tinutugunan nila ang iba’t ibang obligasyon.

Kadalasan ang juggling act na ito ay nagiging sanhi bakit nao-overwhelm ang isang tao dahil sa bigat ng responsibilidad, at paghahanap ng pahinga sa gitna ng mga pangangailangan ng caregiving. Dahil dito, ang mga nasa sandwich generation ay kadalasang nagtitiis ng matinding pasanin, na nagdudulot sa kanila ng pagkapagod, at pagkabalisa.

Paano maaaring makaapekto ang pagiging bahagi ng isang tao sa sandwich generation?

Kagaya ng nabanggit ang “sandwich generation” ay tumutukoy sa mga indibidwal na natagpuan ang kanilang sarili na responsable sa pag-aalaga sa kanilang matatandang magulang at sa kanilang sariling mga anak nang sabay-sabay.

Ang pagiging bahagi nito ay mayroong ilang epekto sa mga tao na nasa henerasyon na ito. Narito ang mga sumusunod:

1. Pagtaas ng stress

Ang pagbabalanse sa mga pangangailangan ng pag-aalaga sa tumatandang magulang, pamamahala sa kanilang sariling households, at pagpapalaki ng mga anak ay maaaring napakahirap. Kaya’t ang patuloy na pagsasaayos ng mga responsibilidad, oras, financial stress, at emotional stress ay maaaring humantong sa pagkakaroon mo nang mataas na antas ng stress.

2. Financial stress

Sa totoo lang, ang pagbibigay ng pinansiyal na suporta para sa parehong mga magulang at mga anak ay maaaring maglagay ng malaking stress sa personal na pananalapi. Ang mga gastos na nauugnay sa healthcare, housing, education, at iba pang mga gastos ay maaaring mabilis na madagdagan, na humahantong sa financial stress at potential difficulties sa pagtupad sa sariling mga layunin sa pananalapi.

3. Emotional burden

Ang pagiging primary caregiver para sa mga matatandang magulang, at pagiging magulang ng sariling anak ay maaaring magdulot ng “emotional toll”. Ang pagsaksi sa paghina ng kalusugan ng mga magulang, pagharap sa kanilang mga medikal na pangangailangan, at pamamahala sa mga hamon ng pagpapalaki ng mga bata ay maaaring humantong sa mga damdamin ng pagkakasala o guilt, pagkabalisa, at kalungkutan.

4. Time constraint

Ang pagiging responsable sa multiple generations ay kadalasang nag-iiwan ng kaunting oras para sa pangangalaga sa sarili, mga personal na interes, o pagpapanatili ng mga koneksyon sa lipunan.

5. Career impact 

Ang pagbabalanse ng caregiving responsibilities at trabaho ay maaaring maging mahirap. Dahil ang pangangailangan sa pagta-time off sa trabaho para sa mga medical appointment, emergencies, o mga tungkulin sa pag-aalaga ay maaaring magresulta sa mga missed career opportunities, pagbawas ng oras ng trabaho, at career interruptions. Maaari itong makaapekto sa kasiyahan sa trabaho, finacial stability, at future career prospects.

6. Health consequences

Ang chronic stress na nauugnay sa sandwich generation ay maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa pisikal at mental na kalusugan ng isang tao. Dahil ang pagtaas ng stress level ay maaaring humantong sa mga problema sa pagtulog, pagkapagod, pagkabalisa, depresyon, at mas mataas na panganib na magkaroon ng malalang kondisyon sa kalusugan.

Paalala ng mga doktor

Ngayon na alam mo na kung ano ang sandwich generation, mahalagang tandaan mo rin na dapat humingi ng suporta, at mga mapagkukunan ang mga taong bahagi ng henerasyon na ito, upang makatulong na pamahalaan ang kanilang mga responsibilidad. Maaaring kasama dito ang paghingi mo ng tulong mula sa ibang mga miyembro ng pamilya, paghahanap ng community support services, at pagsasanay ng mga diskarte sa pangangalaga sa sarili upang unahin ang sariling kapakanan, sa kabila ng mga obligasyon sa buhay.

Sa pagbibigay ng tulong at pagmamahal sa magulang at mga anak, kinakailangan din na matutunan mo na pahalagahan ang sariling kalusugan, at kasiyahan. Kaya’t napakahalaga na humingi ng tulong sa iyong mga kaibigan, pamilya, at mga taong pinagkakatiwalaan, lalo sa mga panahon na nao-overwhelm ka sa bigay ng iyong mga pasanin.

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

The Sandwich Generation, https://www.pewresearch.org/social-trends/2013/01/30/the-sandwich-generation/#:~:text=1-,A%20Profile%20of%20the%20Sandwich%20Generation,are%20pulled%20in%20many%20directions. Accessed June 16, 2023

Caregiving and the Sandwich Generation, https://mhanational.org/caregiving-and-sandwich-generation Accessed June 16, 2023

Sandwich generation moms feeling the squeeze, https://www.apa.org/topics/families/sandwich-generation Accessed June 16, 2023

Sandwich generation” study shows challenges of caring for both kids and aging parents, https://medicine.umich.edu/dept/psychiatry/news/archive/202212/%E2%80%9Csandwich-generation%E2%80%9D-study-shows-challenges-caring-both-kids-aging-parents Accessed June 16, 2023

Sandwich Generation, https://www.homage.sg/resources/sandwich-generation/ Accessed June 16, 2023

Who Is the Sandwich Generation? https://www.publichealthpost.org/research/who-is-the-sandwich-generation/ Accessed June 16, 2023

Kasalukuyang Version

06/29/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Mga Hindi Dapat Gawin Sa Harap Ng Bata Bilang Magulang?

5 Sakit Na Maaari Makuha Ng Iyong Anak Kapag Naulanan Sila!


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement