Ang spotting na tanda ng pagbubuntis at isa sa mga sign ng implantation bleeding ay common knowledge sa maraming tao. Pero ano nga ba ang dahilan kung bakit nangyayari ang spotting ng buntis? Mayroon bang iba pang sintomas na dapat malaman ng mga moms-to-be?
Spotting bilang tanda ng pagbubuntis: Bakit ito nangyayari
Una, ano nga ba ang spotting? Ang spotting ay ang bahagyang pagdurugo mula sa vagina na nangyayari sa labas ng iyong normal na regla.
Ang dahilan kung bakit nangyayari ang spotting ng buntis ay dahil sa pagdurugo ng implantation. Kapag nangyari ang fertilization, ang fertilized na itlog ay naglalakbay sa pamamagitan ng fallopian tube kung saan ito dadaan, tutungo at “ma-i-implant” mismo sa matris.
Tumatagal ng halos isang linggo ang proseso, at kapag nangyari ito, maaaring mangyari ang implantation bleeding. Ito ay kadalasang nakikita sa spotting o light bleeding mula sa vagina.
Hindi lahat ng buntis ay nakakaranas ng spotting, ngunit ito ay isang karaniwang senyales na ikaw ay buntis.
Mahalagang tandaan na ang implantation bleeding ay hindi lamang ang dahilan ng spotting ng buntis. Ang ilang kababaihan ay nakakaranas ng tinatawag na “ovulation spotting” o spotting na nangyayari naman sa panahon ng kanilang obulasyon. Bukod pa rito, ang ilang mga paraan ng birth control ay maaari ding mag-trigger ng spotting sa pagitan ng menstrual cycle ng isang babae.
Ito ang dahilan kung bakit kapag naghahanap ka ng mga senyales ng implantation bleeding, mahalagang hindi lamang tumuon sa spotting. May iba pang signs na nagpapakita sa iyo kung baka buntis ka.
Ano ang mga senyales ng implantation bleeding?
Narito ang ilan sa iba pang mga palatandaan at sintomas ng implantation bleeding sa pag bubuntis:
Light cramps
Ang ilang mga kababaihan ay maaaring makaramdam ng bahagyang pag hilab sa puson sa simula ng kanilang pagbubuntis. Ang mga ito ay katulad ng mga cramps ng mga babae sa panahon ng kanilang regla, ngunit hindi ito kasing tindi o sakit gaya ng regular period cramps.
Gayunpaman, ang ilang kababaihan ay maaaring makaranas ng matinding cramp sa mga kaso ng ectopic pregnancy. Kung sa tingin mo ay buntis ka at nagkakaroon ka ng masakit na cramps, mabuting makipag-usap sa iyong doktor.
Sakit ng ulo
Ang isa pang senyales ng implantation bleeding ng pag bubuntis ay pananakit ng ulo. Ito ay madalas sa simula ng pagbubuntis at may kinalaman sa hormonal changes na nangyayari sa katawan ng babae.
Maaari ding mangyari ang pananakit ng ulo dahil sa pag dami ng dugo habang ang katawan ay naghahanda para sa pagbubuntis.
Morning sickness
Ang pagduduwal, lalo na sa umaga, ay isang kilalang sintomas ng pagbubuntis. Sa kabila ng pangalan nito, maaari ding maranasan ito ng mga buntis sa hapon o sa gabi.
Maaari itong mangyari nang maaga sa pagbubuntis, o kung minsan ay hindi ito nangyayari. Iba-iba talaga ito sa bawat babae.
May mga sitwasyon kung saan ang morning sickness ay maaaring maging labis, at ang isang buntis ay maaaring ganap na mawalan ng appetite at tutluyan hindi na makakain. Ito ay tinatawag na hyperemesis gravidarum. At ang mga babaeng nakakaranas nito ay dapat humingi ng payo sa kanilang doktor dahil kailangan nilang kumain at manatiling malusog sa panahon ng kanilang pagbubuntis.
Mood swings
Ang isa pang sintomas ng spotting ng buntis ay mood swings. Ang mga pagbabago sa mood ay nangyayari dahil sa hormonal changes na pinagdadaanan ng katawan ng isang babae upang ihanda siya para sa pagbubuntis. Ibig sabihin, ang ilang mga kababaihan ay maaaring makaramdam ng pagkamayamutin, pagkabalisa, o kahit na depresyon sa simula ng kanilang pagbubuntis.
Kadalasan, ito ay maaaring mawala sa paglipas ng araw. Gayunpaman, kung magpapatuloy ito nang masyadong mahaba, o kung lumalala ang pakiramdam ng pagkabalisa o depresyon, lalo na kung apektado na ang araw-araw na pamumuhay, maaaring magandang ideya na humingi ng propesyonal na tulong at makipag-usap sa isang doktor tungkol dito.
Missed Period
Bukod sa spotting bilang senyales ng pagbubuntis, ang isa pa ay ang missed period. Ito ang pinaka-natatanging tanda ng pagbubuntis dahil nangangahulugan ito na ang iyong katawan ay hihinto sa pag-ovulate at naghahanda na para sa pagbubuntis.
Ito ay mas madaling mapansin para sa mga kababaihan na may regular na mga cycle ng regla. Sa kabilang banda, ang hindi pagdating ng regla ay maaaring hindi best pregnancy sign kung ang menstrual cycle ay hindi regular.
Gayunpaman, ang ilang mga bagay tulad ng stress at hormonal imbalance ay maaari ding maging sanhi ng missed period.
Key Takeaways
Habang ang spotting ng buntis at iba pang sintomas ng early pregnancy ay maaaring magbigay ng clue kung buntis ka o hindi, ang mga ito ay hindi laging reliable. Kung talagang gusto mong makatiyak kung buntis ka o hindi, ang pinakamahusay sa umpisa ay ang mag pregnancy test.
Bukod pa rito, kung nakakaranas ka ng matinding pagdurugo o unusual pregnancy symptoms, huwag mag-atubiling makipag-usap sa iyong doktor.