backup og meta

Paraan Ng Panganganak: Alin Nga Ba Ang Swak Para Sa Iyo?

Paraan Ng Panganganak: Alin Nga Ba Ang Swak Para Sa Iyo?

Ang panganganak ay maaaring medyo nakakatakot, lalo na kung ito ang iyong unang pagbubuntis. Mabuti na lang,  may iba’t ibang mga paraan ng panganganak na maaari mong piliin. Narito ang iba’t ibang paraan ng panganganak. Alamin din ang kanilang mga pros at cons, at kung ano ang maaari mong asahan sa panganganak.

Mga Uri ng Delivery

Maraming pagpipilian kung paano ka manganganak. Mahalagang kumunsulta muna sa iyong doktor kung ano ang pinakaangkop para sa iyong kondisyon.  Narito ang mga pinaka karaniwang uri ng posibleng delivery mo:

Vaginal Delivery

Ito ang pinakakaraniwan at tradisyonal na paraan ng panganganak. Ito ay normal na paraan ng katawan para itulak palabas ang sanggol sa pamamagitan ng vaginal opening sa tulong ng isang doktor, midwife, o nurse. 

Kahit na medyo diretso ang pamamaraang ito, may ilang mga kaso na kailangan ng interbensyon para mapadali ang panganganak. Ang isang halimbawa ay maaaring kailanganin magsagawa ng episiotomy. Ito ang paggawa ng hiwa sa vaginal opening (kabilang ang bahagi sa pagitan ng anus at ari, na kilala rin bilang perineum) upang lumabas ang ulo ng sanggol.

Maaaring ang pinaka karaniwang paraan ng panganganak ay vaginal delivery, ngunit ang ilang kababaihan ay may pangamba dito. Ito ay pwedeng dahil sa mababang threshold ng sakit o dahil sa mga takot batay sa karanasan ng iba. 

Cesarean Section

Ang cesarean section, o ang C-section, ay isa pang kilalang paraan ng panganganak. Dito, isinasagawa ang operasyon sa tiyan ng ina, sa lugar ng matris upang maipanganak ang sanggol.

Bagama’t maaari itong planuhin weeks ahead  para sa naka-iskedyul na c-section, posible ring maging abdominal delivery sa oras ng pagsubok ng labor. Maaaring ito ay dahil ang cervical dilatation ay hindi umuusad o ang ulo ng sanggol ay hindi bumababa. Habang nasa panganganak, maaari ding bumaba ang tibok ng puso ng sanggol. May mga dahilan kung bakit pinipili ng ilan ang isang c-section. Madalas ito ay ginagamit dahil sa mga kadahilanang medikal.

Ang mga babaeng na-cesarean na ay pinapayuhan na gawin din ito para sa mga susunod na panganganak. Ito ay kung ang naunang indikasyon para sa CS ay ganoon din (maliit na pelvis, malpresented baby, inunan na tumatakip sa birth canal atbp.). Karaniwang mas mahabang oras ang recovery ng mga nagkaroon ng c-section delivery kaysa sa vaginal delivery. May posibilidad din na ang peklat mula sa operasyon ay makikita lalo na kung ang ina ay madaling magkaroon ng keloid.

Assisted Home Birth

Ang isa pang paraan ng delivery ay ang assisted home birth. Ito ay karaniwang panganganak sa loob ng iyong sariling bahay. May midwife o tradisyonal na hilot na tumutulong sa iyo sa buong proseso. 

Ang isang halimbawa ay ang tinatawag na “water birth” o panganganak sa isang pool o tub na may maligamgam na tubig. Pinaniniwalaan ng ilan na ang water birth ay nakakarelaks sa ina at sanggol nang higit kumpara sa iba pang paraan ng panganganak.

Pinipili ng ilang mga ina ang delivery sa bahay dahil gusto nilang ipanganak ang kanilang sanggol sa lugar na komportable sila. Gayunpaman, ang close observation sa kalagayan ng sanggol at ina ay maaaring mahirap dahil sa kakulangan ng kagamitan. Bagama’t mas mura rin ito, hindi ipinapayo ang panganganak sa bahay para sa mga nanay na nagkaroon ng nakaraang c-section delivery, multiples na panganganak, o may kondisyon na maaaring kailangan ng mabilis na medical o surgical intervention.

Ano ang Aasahan Habang Nanganganak?

Kung ito ang iyong unang beses na manganak, maliwanag na maaari kang matakot sa kung ano ang mangyayari. Kaya para mas maihanda ka, narito ang ilang bagay na magagawa mo habang ipinapanganak mo ang iyong sanggol:

  • Sa oras ng vaginal delivery, maaaring ito ay masakit at stressful sa simula. Gayunpaman, kapag lumabas na ang sanggol sa vaginal opening, eventually ay makaramdam ka ng unti-unting kaginhawahan.
  • Kung sakaling magkaroon ng emergency, tulad ng walang progress sa delivery, pwedeng kailanganin ang pagsasagawa ng c-section para matagumpay na maipanganak ang sanggol.
  • Kung pipiliin mong manganak sa bahay, may posibilidad na mailipat ka sa ospital lalo na kung may mangyari na emergency na maaaring makasama sa iyo o sa buhay ng iyong sanggol.
  • Posibleng makaramdam ka ng panghihina dahil sa pagod lalo na pagkatapos ng vaginal delivery.

Key Takeaways

Ang panganganak ay hindi madaling gawin, anuman ang paraan ng panganganak na iyong pinagdaraanan. Palaging may panganib sa bawat uri at mayroon ding pagkakataon na makakaranas ka ng iba kahit na sa aktwal na oras ng panganganak, lalo na kung emergency. Ngunit tandaan lamang na ang lahat ng ito ay ginagawa para matagumpay mong maipanganak ang iyong sanggol.

Ang priyoridad ay ang buhay mo at ng iyong sanggol. Magkaroon ng regular na check-up. Palaging kumunsulta sa iyong doktor para malaman kung ano ang pinaka okay na paraan para sa iyo at sa iyong sanggol.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Stages of Labor and Birth, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/labor-and-delivery/in-depth/stages-of-labor/art-20046545 Accessed March 18, 2021

C-section, https://www.mayoclinic.org/tests-procedures/c-section/about/pac-20393655  Accessed March 18, 2021

The Birth, https://www.pregnancyparenting.org.au/birth/birth Accessed March 18, 2021

Home Birth: Knowing the pros and cons, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/labor-and-delivery/in-depth/home-birth/art-20046878 Accessed March 18, 2021

Different Childbirth Methods that You Should Know, https://parenting.firstcry.com/articles/different-childbirth-methods-you-must-know/ Accessed March 18, 2021

 

Kasalukuyang Version

08/21/2024

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Retained Placenta Fragment Matapos Manganak?

7 Potensyal na Komplikasyon ng Cesarean Delivery, Tuklasin Dito


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement