backup og meta

Natural Na Paraan Para Mag Labor: Heto Ang Mga Tips NA Dapat Tandaan

Natural Na Paraan Para Mag Labor: Heto Ang Mga Tips NA Dapat Tandaan

Sa pagtatapos ng iyong pregnancy journeyexpect the unexpected na pagpunta sa delivery room. Dahil maaaring masira ang iyong amniotic sac, nang walang mga palatandaan ng labor pain. Maaari kang ma-overdue, nang hindi pa nagsisimula ang mga contraction. Ang alam mo lang ay kailangan mong maglabor sa lalong madaling panahon. Ito ang ilang mga pagsasaalang-alang na dapat tingnan sa natural na paraan para mag labor.

Ano ang Induced Labor?

Mahigit sa 22% ng mga buntis ang nakaranas ng induced labor sa US. May kabuuang rate ito na dumoble mula noong 1990, sa 225 bawat 1,000 live childbirths noong 2006.

Para mapukaw ang panganganak, dapat pasiglahin ng obstetrician ang mga pag-urong ng matris, upang makagawa ng natural na paraan para maglabor. Ang induced labor ay sinasabing matagumpay kung mayroong kapansin-pansing pagbabago sa servikal.

Kung ikaw at ang iyong baby ay nasa mabuting kalusugan, ayos lang ang natural na paraan para maglabor. Subalit kinakailangan pa rin siyempre ng approval ng iyong doktor. Kaya paano gagawin ang natural na paraan para maglabor sa 40 linggo?

Ano ang mga Dahilan para Mag-Induce ng Labor?

Ang mga sumusunod na mga senaryo ay dahilan para sa inducing labor. Huwag subukang gawin ang natural induction of labor sa’yong sarili kung ikaw ay nagdurusa o nakararanas ng mga sumusunod. Dapat kang humingi ng medikal na atensyon at ma-admit sa ilalim ng pangangasiwa ng mga healthcare professionals at ng iyong doktor.

  • Post-term pregnancy. Iaadmit ka ng iyong doktor para sa induction of labor sa ilalim ng close supervision.
  • Premature rupture of membranes. Nasira ang iyong amniotic sac, ngunit hindi ka nakakaramdam ng contraction.
  • Chorioamnionitis. Nagdurusa ka sa impeksyon sa matris.
  • Limitadong paglaki ng fetus. Dahil sa kanyang gestational age, ang tinantyang timbang ng iyong baby ay 10% na mas mababa sa inaasahan.
  • Oligohydramnios. Ang iyong baby ay walang sapat na amniotic fluid para makagalaw.
  • Gestational diabetes. Nagkaroon ka ng diabetes habang buntis.
  • Mataas na presyon ng dugo. Nagkakaroon ka ng mga komplikasyon dahil sa mataas na presyon ng dugo. At nakakita ng mga sign of damage sa ibang mga organ bago at sa panahon ng pagbubuntis.
  • Placental abruption. Napansin ng doktor ang bahagyang o kumpletong pagbabalat ng iyong inunan mula sa wall ng iyong matris bago ka manganak.
  • Iba pang mga medikal na isyu. Mayroon kang mga problema sa bato o labis na katabaan.

Mga Natural na Paraan Para Mag-Labor

Kung mayroon kang prenatal course para sa buong tagal ng iyong pagbubuntis. Ang mga sumusunod ay maaaring gawin para simulan ang iyong panganganak. Tandaang kunin ang go signal ng iyong doktor o health professional bago subukan ang mga ito.

Paglalakad

Gumagana ang gravity kapag lumalakad ka at sinu-sway ang mga balakang. Ang baby ay gumagalaw pababa sa pelvis. At maaari nitong itulak ang iyong cervix sa paglalabor, o maaari nitong mapabilis ang panganganak kung nagsimula kang makaramdam ng mga contraction.

Tandaan, huwag i-stress ang iyong sarili sa pamamagitan ng paglalakad sa mga humps o matataas na lugar. Magsuot ng komportableng sapatos na hindi nakakapagod sa iyong mga paa at binti.

Bilang karagdagan, huwag mag-overwalk at pagurin ang iyong sarili bago ang malaking araw. Kakailanganin mo ang lahat ng lakas para sa mismong araw ng panganganak.

Mag-ehersisyo

Paano gawin ang natural na paraan para maglabor sa 40 linggo? Subukan ang mga sumusunod na simpleng exercises:

  • Deep squatting para sa limang minuto
  • Pag-upo sa isang yoga ball at paikutin ang iyong pelvis
  • Paglalakad
  • Pag-akyat ng hagdan
  • Ang pag-upo nang tuwid habang sinu-sway ang iyong mga binti. Maaari itong makatulong na masira ang iyong amniotic sac at mag-trigger ng panganganak
  • Ang pakikipag-sex. Ang sperm cells ay nagdadala ng prostaglandins o mga hormone na tumutulong sa pagpapanipis at pagbubukas ng cervix, para gawing handa sa panganganak. Iwasan ang pakikipag-sex kung nasira ang iyong amniotic sac. Pipigilan nito ang masamang bakterya na maabot ang iyong birth canal.

Gayunpaman, mahalagang paalala: Ipinapakita ng pag-aaral na ang pakikipag-sex sa huli sa panahon ng pagbubuntis ay maaaring magresulta sa mga overdue na baby.

Evening primrose oil

Inirerekomenda ito ng ilang midwife para makatulong na mapanipis ang cervix. Mapalaki ito, at mapabilis ang panganganak. Maaari kang uminom ng dalawang 500 mg ng evening primrose oil sa sandaling maabot mo ang ika-38 linggo ng pagbubuntis. Ang mga kapsula na ito ay makukuha sa mga lokal na botika.

Pinakamabuting magtanong muna sa’yong doktor. Ang mga babaeng may placenta previa, isang komplikasyon sa pagbubuntis. Kung saan ang inunan ay bahagyang o ganap na natatakpan ang cervix, ay hindi dapat gumamit ng natural na paraan para maglabor.

Acupuncture

Ang pagpasok ng mga manipis na karayom ​​sa mga pressure point sa’yong katawan ay maaaring magpagalaw ng matris. Maaari nitong pakilusin ang iyong baby. Nakatutulong din ang acupuncture sa pagpapagaan ng stress sa natural na paraan.

Gayunpaman, ang natural na paraan para maglabor ay mabibigo kung ang sanggol ay hindi pa handa na umalis sa sinapupunan. Pinakamabuting kumunsulta sa’yong doktor.

Acupressure

Ang lumang paraan ng pag-uudyok sa labor ay nangangailangan ng presyon sa mga bahagi ng katawan para isulong ang aktibidad ng matris. Sinabi ni Dr. Debra Betts, may-akda ng “The Essential Guide to Acupuncture in Pregnancy & Childbirth” na maaaring gamitin ang acupressure para gawing mas handa ang cervical opening para sa panganganak. Ang acupressure ay tumutulong sa pagpapasigla ng mga contraction at paghikayat sa pagluwang ng cervix.

Maaari mo ring hilingin sa’yong kapareha o kaibigan na gawin ang acupressure. Muli, kumunsulta muna sa’yong doktor, kapag tinitingnan kung paano ang natural na paraan para maglabor sa 40 linggo o sa loob ng takdang panahon na iyon.

Masahe sa utong

Ipinapakita ng mga pag-aaral na ang nipple massage ay maaaring magpapataas ng dami ng hormone oxytocin sa’yong katawan at mapabilis ang panganganak. Ito’y lalong nakatutulong para sa overdue birth at progresibong panganganak.

Gamit ang circular motions, imasahe ang iyong mga utong at areola gamit ang iyong hinlalaki at hintuturo. Maaari itong makagawa ng kemikal na magpapa-contract sa matris. Ngunit maaaring tumagal ng ilang sandali bago magsimula ang mga contraction.

Maaari mong hilingin sa’yong kapareha na gawin ito kung nakakaramdam ka ng pagod.

Kumain ng labor-inducing food

Sa ika-39 na linggo ng pagbubuntis, magandang isama ang mga masusustansyang pagkain na ito na maaaring makatulong sa natural na paraan para maglabor.

  • Talong
  • Balsamic vinegar
  • Pinya
  • Black licorice
  • Basil
  • Oregano

Paano kung ang mga Natural na Paraan Para Maglabor ay Nabigo?

Kung sa kabila ng pagsunod sa mga tip kung paano mag-induce ng natural na panganganak, ay hindi ka pa rin nanganganak. Kumunsulta sa’yong doktor. Maaaring subukan ng iyong doktor na gawin ang panganganak medically o mag-order ng c-section.

Kapag nagsimula nang dumating ang mga contraction na iyon, nalalapit na ang paglabas ni baby. At papunta ka na sa susunod na yugto ng pagiging ina.

Matuto pa tungkol sa Panganganak dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Labor induction, https://www.mayoclinic.org/tests-procedures/labor-induction/about/pac-20385141, Accessed May 10, 2020

Truth or Tale: 8 ways to maybe move labor along naturally, https://health.clevelandclinic.org/truth-or-tale-8-ways-to-maybe-move-labor-along-naturally/, Accessed May 10, 2020

Inducing labor, https://americanpregnancy.org/labor-and-birth/inducing-labor/, Accessed May 10, 2020

Induction of labor, https://www.acog.org/clinical/clinical-guidance/practice-bulletin/articles/2009/08/induction-of-labor, Accessed May 10, 2020

Inducing labor with Acupuncture: Crucial considerations, https://www.researchgate.net/publication/228804647_Inducing_Labour_with_Acupuncture-Crucial_Considerations, Accessed May 10, 2020

 

 

 

Kasalukuyang Version

07/31/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Retained Placenta Fragment Matapos Manganak?

7 Potensyal na Komplikasyon ng Cesarean Delivery, Tuklasin Dito


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement