Ang nanay, kanyang kapareha o kahit na sinong kamag-anak ay kailangang dalhin ang papel na ito sa emergency room, na bukas 24/7. Ipapaalam ang presenya ng nanay sa kanyang obstetrician sa lalong madaling panahon.
Ang Apat na Stages ng Labor at Panganganak
Paano mo maoorasan ang iyong contractions kung nagsimula na ang true labor?
Ang kinakailangan mo lamang ay relo o orasan upang tignan kung anong oras mo inaasahan ang sanggol. Maaari ka ring gumamit ng timer.
Simulang magbilang mula sa simula ng true labor contraction papunta sa sunod. Tandaan lamang ang 4-1-2 rule, na nagsasabi sa iyo na:
- Ang contraction ay mararanasan kada apat na minuto
- Ang haba ng contraction ay isang minuto
- Ang pattern na ito ay umuulit sa loob ng dalawang oras
Sa puntong ito, ang active labor ay magsisimula. Ang iyong sanggol ay paparating na.
Kung nakararamdam ng contractions, imonitor ito nang masinsinan. Tandaan kung ano ang false labor at sumangguni sa iyong doktor. Kung ang tamang oras ay dumating na, kunin mo na ang iyong maternity bag, magtungo sa ospital, at maghanda na salubungin ang bagong silang na sanggol na may tiwala sa sarili.
Alamin ang higit pa tungkol sa labor at panganganak dito.
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap