backup og meta

Alamin Dito Kung Ano Ang Nangyayari Sa Gentle C-Section

Alamin Dito Kung Ano Ang Nangyayari Sa Gentle C-Section

Ang gentle or natural cesarean, o gentle c-section, ay nauuso ngayon dahil umano sa benefits nito kay mommy at baby.

Ito rin ay tinatawag na natural cesarean, at kumpara sa traditional na C-section, ay hindi ito parang major operation. Bagkus, mas natural ang pakiramdam ng mga nanay sa ganitong paraan ng panganganak.

Cesarean pa rin ang panganganak at kinakailangang sumailalim sa surgery. Ngunit ayon sa mga nanay na sumubok nito, mas satisfying raw ang pakiramdam. Bukod dito, naaalagaan rin agad ng ina ang kaniyang sanggol matapos manganak tulad ng sa natural birth.

Anong Pinagkaiba Ng Traditional Sa Gentle C-Section?

Kasama sa gentle C-section checklist ng mga magulang ay ang pag-alam kung mayroon bang ganitong procedure sa ospital na napili niyo. At siyempre, mahalagang magpakonsulta sa iyong doktor.

Ang gentle c-section ay:

1. Mas Nakikita Mo Ang Nangyayari

Ang kinaganda ng gentle c-section ay mas makikita mo ang iyong panganganak.

Maaari mong i-request sa mga nurse na ibaba ang kurtina para kitang-kita mo ang nangyayari. Agaran rin na papaliguan si baby habang isinasagawa ang surgery.

2. Mabagal Ang Delivery

Sa ganitong paraan ng panganganak ay mas mabagal ang paglabas ng iyong baby. Ang maganda rito ay hindi siya mabibigla, at magkakaroon ng oras na ma-drain ang fluid sa kaniyang lungs.

3. Mapapaaga Ang Skin-To-Skin Contact

Kumpara sa traditional na cesarean, mas maaga mong mararanasan ang skin-to-skin contact. Ibig sabihin, makakapagpadede ka agad kay baby. Maaari mo ring makasama ang iyong sanggol habang kayo ay ihinahatid sa delivery room. 

Gentle c-section checklist

4. Mas Kaunti Ang Ginagamit Na Equipment

Sa gentle C-section, hindi kinakailangan na gumamit ng mga strap. Ang IV line, blood pressure cuff at oximeter ay ilalagay sa iyong non-dominant hand kaya’t libre mong mahahawakan si baby. Ang mga electrocardiogram (EKG) leads (na nagmo-monitor sa tibok ng iyong puso) ay ilalagay sa likod o kaya sa iyong dibdib kaya’t mas makakagalaw ka rin.

5. Mas Kaunti Rin Ang Ginagamit Na Sedatives

Nagiging mas alerto ang mga mommy na sumasailalim sa gentle C-section. Ibig sabihin nito, hindi sila aantukin at agad nilang maaalagaan ang kanilang sanggol.

6. Wala Gaanong Distractions

Kaunti ang ilaw na ginagamit sa ganitong cesarean, at mas tahimik rin ito. Puwede ka pa nga pumili ng kung ano ang gusto mong background music! Siguraduhing idagdag sa iyong gentle c-section checklist ang napili mong music.

7. Mabilis Na Mapapaliguan Si Baby

Ang iyong sanggol ay agad na papaliguan matapos ang delivery. Ibig sabihin, magiging malinis siya agad at maaari mo na siyang alagaan.

Anu-Ano Ang Mga Benepisyo Ng Gentle C-Section?

Heto ang gentle c-section checklist ng mga benepisyo ng ganitong procedure:

  • Higit na nararamdaman na bahagi ka ng panganganak. Kadalasan sa C-section ay hindi ramdam ng mga nanay na bahagi sila ng birthing experience dahil sa anesthesia at mga sedative. Ngunit sa gentle C-section, mas magkakaroon sila ng experience ng panganganak.
  • Mas magandang bond sa newborn. Ang kinaganda ng ganitong procedure ay matapos mong manganak, maaari mo nang mahawakan at padedehin si baby.
  • Mas satisfying na birthing experience. Ayon sa mga nakaranas ng ganitong panganganak, mas satisfying raw ang pakiramdam.
  • Malusog na baby. Ayon sa pag-aaral, nakakatulong ang agarang skin-to-skin contact sa kalusugan ng bagong panganak. Bukod dito, makakapagsimula agad ng breastfeeding ang mga ina.
  • Mas masayang mga mommy. Malaki ang epekto ng iyong pakiramdam matapos manganak sa iyong mental health. Ibig sabihin, kung mas masaya ang birth experience, mas hindi ka makakaranas ng postpartum depression.

Paano Ba Humingi Ng Gentle C-Section?

Heto ang mga dapat mo pang idagdag sa iyong checklist:

  • Listahan ng mga ospital na mayroong gentle C-section
  • Kausapin ang iyong OB-GYN at ang magiging nurse upang maiplano ang mangyayaring procedure

Paano Ako Maghahanda Para Sa Gentle C-Section?

Heto ang mga bagay na dapat mong paghandaan bago sumailalim sa ganitong procedure:

  • Mag-research at pumili ng ospital na angkop sa iyong pangangailangan.
  • Kausapin ang iyong doktor at alamin kung paano ang magiging proseso ng panganganak.
  • Humingi ka ng spinal block o epidural. Hangga’t maaari, umiwas sa general anesthesia dahil nakakabawas ito sa experience.
  • Kausapin ang iyong anesthesiologist na huwag ka gaanong bigyan ng gamot upang mas alert ka habang nanganganak.

Key Takeaways

Bagama’t gentle C-section ang tawag rito, ito pa rin ay isang uri ng surgery. Ibig sabihin nito, mahalagang maghanda bago ang araw ng iyong panganganak. Sa paggawa ng gentle c-section checklist at pagkonsulta sa iyong OB-Gyne, mas magkakaroon ka ng ideya kung ano ang dapat mong i-expect sa ganitong procedure.

Matuto pa tungkol sa Labor at Panganganak dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

A Gentler C-Section, https://www.muhealth.org/our-stories/gentler-c-section, Accessed June 28, 2020

Gentle Cesarean Delivery, https://www.nursingcenter.com/journalarticle?Article_ID=3229842&Journal_ID=54008&Issue_ID=3229836, Accessed June 28, 2020

The Gentle Cesarean: More Like A Birth Than An Operation, https://www.npr.org/sections/health-shots/2015/03/09/390977656/the-gentle-cesarean-more-like-a-birth-than-an-operation, Accessed June 28, 2020

Tips for a “Gentle” Cesarean or “Family-Centered” Cesarean, https://www.lamaze.org/Giving-Birth-with-Confidence/GBWC-Post/tips-for-a-gentle-cesarean-or-family-centered-cesarean, Accessed June 28, 2020

Early Skin-To-Skin Contact for Mothers and Their Healthy Newborn Infants, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/22592691/, Accessed June 28, 2020

‘Gentle C-sections’: Bringing a traditional birth experience to the OR, https://utswmed.org/medblog/gentle-c-section/, Accessed June 28, 2020

The natural caesarean: a woman-centred technique, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2613254/, Accessed June 28, 2020

Kasalukuyang Version

03/20/2024

Isinulat ni Maridol Ranoa-Bismark

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paraan ng Panganganak: Anu-ano ang Pinaka-popular sa mga Ina?

Epidural Para Sa Buntis O Natural Na Panganganak? Alin Ang Mas Mainam?


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Maridol Ranoa-Bismark · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement