backup og meta

Ano ang Perineal Tear, at Bakit ito Nangyayari sa mga Nanganganak?

Ano ang Perineal Tear, at Bakit ito Nangyayari sa mga Nanganganak?

Kinakailangan ng lakas ng katawan at stretch ang panganganak. Isa sa pinakamalaking isyu na kinahaharap ng maraming mga babae ang perineal tear. Alamin natin ano ang perineal tear, paano makaiiwas dito, at paano tutugunan.

Ano ang perineal tear habang nanganganak?

Ang perineum ay region sa pagitan ng iyong vagina  at anus. Habang nasa vaginal deliveries, karaniwan ang problema sa perineal tear na halos 95% ng mga nanay ay pinagdadaanan.

Ito ay sa kadahilanan na habang nanganganak, ang baby ay sinusubukan na matulak papalabas ng birth canal papuntang vaginal opening. Ang kadalasang posisyon ng baby ay nauuna ang ulo maliban na lamang kung suhi ang baby. Dahil ang ulo ng baby ay kasinlaki ng cantaloupe, ang pagtulak na ito ay nagreresulta sa pagkapilas ng perineum.

Bagaman na hindi laging kinakailangan na matahi, karamihan ng mga kaso ay kinakailangan ng dissolvable stitches upang matulungan na gumaling nang mabilis ang bahaging ito. Ang mga babaeng may banta ng perineal tear ay:

  1. Unang beses na maging nanay, dahil ang perineum ay matibay kung nasa unang pagbubuntis.
  2. Mga buntis na may labis na timbang na mga baby
  3. Mga babae na matagal ang pagla-labor
  4. Assisted na panganganak na may forceps at vacuum

Gaano katagal naghihilom ang perineal tears?

Ito ay tipikal na depende sa kung gaano kalalim ito. Kadalasan, kung ang perineal tear ay nasa unang degree, nasa 7-10 mga araw lang ito na may minimal guidance. Gayunpaman, humahaba ang panahon nito kung malala ang pagka-tear.

Kung ang tear ay nasa ikatlo at ikaapat na degree, maaaring umabot ito ng mga buwan bago bumalik ang nanay sa mga normal na gawain.

Ipinapayo na huminto sa pakikipagtalik kung ikaw ay may perineal tear. Kung nakipagtalik ka nang may tear, magiging sanhi ito ng  discomfort tulad ng dryness, pain, at hapdi sa pelvic floor.

Mga Uri ng Perineal Tears

Ang mahalagang aspekto na dapat tandaan ay ang perineal tear ay hindi permanenteng pinsala sa iyong katawan. Sa mga bihirang mga kaso humahantong ito sa mas mahabang isyu. Konsultahin ang iyong doktor upang maunawaan itong mabuti.

First-degree tear

Ang pinaka hindi malala na perineal tear ay hindi na kinakailangan ng tahi. Ito ay superficial tear dahil ito ay nasa perineal skin, na nasa vaginal opening at nasa tissue sa ilalim ng balat.

Ang first-degree tear ay gumagaling sa loob ng isang linggo o 10 mga araw at maaaring magresulta ng mahapding sensasyon habang umiihi. Bagaman kung naranasan mo ang tear na ito, maaari nang makabalik ang normal mong ari nang mas mabilis kaysa sa iba. Maaari ka makaranas ng sakit habang gumagawa ng mga regular na gawain tulad ng pakikipagtalik, bowel movements, paglalakad nang mabilis, at pag-ubo at pagbahing.

Second-degree tear

Ang second-degree tear ang pinaka karaniwan. Kabilang sa perineal tear ang balat at muscle ng bahagi sa pagitan ng ari at puwet. Minsan maaari itong maging malalim sa vagina, na naaapektuhan ang vaginal lining at malalim na tissues. Ang tear na ito ay magreresulta ng katulad ng discomfort sa first-degree perineal tear. Ang mga gawain na kabilang ang pressure sa ilalim ay maaaring mag-restrict ng iyong paggalaw dahil sa vaginal tear. Nangangailangan ang second-degree tear ng tahi at ang paggaling ay tatagal ng ilang mga linggo.

Third-degree tear

Ang degree na ito ng perineal tear ay lumalalim sa puki at nag e-extend sa muscle sa paligid ng anal sphincter. Dahil sa lala ng vaginal tear, kinakailangan ng anesthesia upang matahi at maayos ito. Kakailanganin na matahi ng surgeon ang apektadong layer ng tissue, isa-isa.

Ang panahon ng paggaling ng third-degree perineal tear ay mas mahaba kaysa sa first at second-degree vaginal tears. Maaari itong tumagal ng ilang mga buwan.

Kinakailangan ng dagdag na pangangalaga kung ikaw ay may tear na nasa degree na ito dahil ang iyong perineum ay vulnerable sa phase na ito. May labis na discomfort kung magsasagawa ng pang-araw-araw na gawain, at maaaring matagal bago makabalik ang normal na ari. Ang karaniwang komplikasyon ng third-degree perineal tear ay fecal incontinence, kung saan ang stool ay tumatagas nang hindi bolontaryo.

Fourth-degree tear

Ang third at fourth-degree na perineal tears ay nangyayari kung ang baby ay suhi o kung sumailalim sa assisted delivery. Ang fourth-degree vaginal tear ay nae-extend mula sa anal sphincter papuntang rectal mucous, na rectal lining. Dahil ang sugat ay masyadong malalim, kinakailangan ng labis na pangangalaga habang inooperahan. Kinakailangan ng mga doktor na ayusin ang maraming mga layers. Dahil dito, ang panahon sa paggaling ay nasa ilang mga buwan na may kasamang disadvantage sa pelvic floor dysfunction.

Ano ang nakatutulong sa perineal tear?

Matapos mong magkaroon ng perineal tear, mayroong ilang lunas sa bahay na maaaring magpabilis ng iyong recovery. Gayunpaman, konsultahin muna ang iyong doktor bago piliin ang mga sumusunod:

Ice packs

Ang paggamit ng ice packs sa perineal tear ay nakatutulong na mabawasan ang pamamaga at magbibigay ng ginhawa sa apektadong bahagi. Huwag maglagay ng direktang yelo sa balat, takpan ang cubes ng damit. Karagdagan, mayroong mga ready-made ice packs na maaaring ilagay sa iyong pants. Huwag lagyan ng ice ang iyong tear ng higit sa 20 minuto dahil humahantong ito sa pinsala sa nerve.

Pananatili ng kalinisan

Kailangan mong manatiling malinis at tuyo sa lahat ng pagkakataon. Ito ay nakakatulong na maiwasan ang infection at magsulong ng recovery. Huwag kuskusin ang iyong perineal tear habang pinapatuyo ang bahagi. Gumamit ng gasa o tuyong damit upang gawin ito.

Stool softeners

Mahalaga na manatili ang regular na bowel movements o hahantong ito sa constipation. Bagaman mukhang masisira ang mga tahi habang tumatae, hindi ito mangyayari. Kadalasan na nirereseta ng doktor ang stool softeners upang mapadali ang proseso. Maaari ka ring magdagdag ng sapat na fiber sa iyong diet.

Sitz bath

Maaaring isama ang sitz bath sa tub na may mainit na tubig. Makatutulong ito na guminhawa ang pelvic floor. Maaari ka ring maglagay ng mainit na water bag. Ang pag-upo sa sitz bath tatlong beses sa loob ng 20 minuto ay nakatutulong na maginhawaan.

Cushioning

May mga hugis na donut na cushion na maaaring makatulong upang makaupo nang komportable. Ito rin ay nakasisiguro na ang tear ay hindi makakaskas sa matigas o magaspang na surface.

Numbing

Kung sobrang hindi ka komportable, maaari mag reseta ang doktor ng gamot na makatutulong upang maging manhid ang perineal region. Maaaring ito ay spray at pads.

Pagpapalit ng pad

Kakailanganin na magsuot ka ng maxi pads pagkatapos manganak. Mahalaga na mapalitan ito kada apat hanggang anim na oras upang maiwasan ang infection.

Pahinga

Ang pinakamahalagang parte na dapat tandaan ay ang pahinga. Maaaring mahirap ito kasama ng bagong baby. Ngunit, ang oras ng pahinga ay pahinga upang gumaling ito. Mas malala ang tear, mas mahaba ang kailangan na oras ng paghilom.

Paano mo maiiwasan ang perineal tear?

Bagaman may mag sitwasyon na wala ka nang pagpipilian, narito ang ilang tips na posible mong maiwasan ang perineal tear:

  1. Kegel exercise: Ito ay nakapagpapalakas ng iyong pelvic floor para sa panganganak, lalo na kung ito ay una mong baby.
  2. Perineal massage: Simula sa 34 na linggo, makatutulong ang perineal massage upang lumaki ang birth canal sa pamamagitan ng pagpapalambot at pag-stretch ng perineum.
  3. Regular checkups: Makatutulong ang pagbisita sa iyong doktor habang buntis upang malaman kung may isyu.
  4. Mainit na perineal compress: Maaari mo itong magawa sa pamamagitan ng mainit na tubig sa bag o mainit na damit habang nasa ikalawang stage ng labor. Ito ay nakapagpapataas ng daloy ng dugo at nagpapalambot ng makapal na muscle.
  5. Paglalagay ng lubricant sa perineum: Habang nanganganak, kung ang iyong perineum ay lumambot sa pamamagitan ng oil, makatutulong ito sa pagtulak ng baby.

Kailan magpapakonsulta sa doktor?

Kung naranasan ang kahit na ano sa mga sumusunod na post-delivery, agad na kausapin ang doktor:

  1. Mabahong amoy mula sa ari
  2. Labis na sakit habang umiihi
  3. Leakage sa bowel
  4. Malaking blood clots
  5. Labis na sakit sa pelvic floor

Ang katawan ng nanay ay dumadaan sa maraming pagbabago, at kailangan ng tamang pag-aalaga upang bumalik sa normal matapos manganak. Ang perineal tear ay isa sa maraming mga problema na kinahaharap ng nanay habang nanganganak at kailangan ding matugunan.

Matuto pa tungkol sa Labor at Panganganak dito

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Vaginal and Perineal Tears During and After Childbirth/https://www.whattoexpect.com/first-year/perineal-tears/Accessed on 10/04/2020

Taking Care of Vaginal Tears After Delivery/https://www.healthline.com/health/pregnancy/treatment-vaginal-cervical-lacerations#prevention/Accessed on 10/04/2020

Vaginal tears in childbirth/https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/labor-and-delivery/multimedia/vaginal-tears/sls-20077129?s=2/Accessed on 10/04/2020

Types of Perineal Tears/https://www.parents.com/pregnancy/giving-birth/types-of-perineal-tears/Accessed on 10/04/2020

Vaginal Tearing During Childbirth: What You Need to Know/https://www.parents.com/pregnancy/giving-birth/vaginal/vaginal-tearing-during-childbirth-what-you-need-to-know/Accessed on 10/04/2020

Kasalukuyang Version

06/21/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Retained Placenta Fragment Matapos Manganak?

7 Potensyal na Komplikasyon ng Cesarean Delivery, Tuklasin Dito


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement