Ano ang nipple stimulation? Ayon sa mga pag-aaral, ito ay isang pamamaraan upang mapabilis ang iyong panganganak. Ito nga ba ang sagot sa dilemma ng mga buntis na hindi makapaghintay kung kailan lalabas ang kanilang sanggol?
Ang paghihintay, lalo na sa mga huling linggo ng pagbubuntis, ay mukhang walang hangganan lalo na kung ikaw ay overdue na. Paano kung nakahanda na ang lahat pati na ang nursery ni baby, at ang iyong takdang petsa ay dumating ngunit di ka pa rin nanganganak?
Bagaman sinasabi ng iyong obstetrician na ang lahat ay mukhang maayos at hindi na kailangan makialam pa, handa ka nang magluwal ng sanggol. Mayroon ka bang anumang magagawa upang makatulong sa pagpapabilis ng panganganak mo?
Ano ang nipple stimulation at paano ito ginagawa?
Maaaring narinig mo na sa iyong mga kaibigan ang iba’t ibang paraan upang mapadali ang iyong labor. Ang isang paraan na kadalasang iminumungkahi ay ang nipple stimulation.Hindi tulad ng maraming mga home remedies na sinasabi nilang nagpapadali ng panganganak, ang nipple stimulation ay talagang may katibayan.
Kung ikaw ay buntis, lumipas ba ang iyong takdang petsa, at sabik ka ng makilala ang iyong sanggol, sulit na subukan ang nipple stimulation.
Papel ng Oxytocin sa mabilisang pagpapaanak
Kung pupunta ka sa ospital para sa induced labor, malamang na gagawin ito ng iyong doktor gamit ang isang synthetic hormone na tinatawag na Pitocin. Gumagana ang Pitocin sa pamamagitan ng pagsasabi sa iyong katawan na oras na upang simulan ang mga contraction at panganganak. Ang natural na bersyon ng hormone na ito ay tinatawag na oxytocin, at ito ang sagot sa kung ano ang nipple stimulation.
Ang pagmamanipula sa mga nipple ay nagpapalabas ng isang hormone na tinatawag na oxytocin. Love hormone ang tawag dito dahil ito ay may ilang mga epekto sa katawan lalo na sa sekswal na pagpupukaw. Ito ay inilalabas kapag ang isang ina ay nagpapasuso sa kanyang sanggol, at tumutulong sa bonding ng ina at anak.
Ang Oxytocin ay gumaganap din ng isang papel sa uterine contractions sa buong panganganak. Gumagana pa rin ang oxytocin pagkatapos ng panganganak. Pinapasigla nito ang patuloy na mga contractions na kinakailangan para sa matris upang bumalik sa normal na laki at hugis nito.
Paraan sa pag stimulate ng nipple
Ano ang nipple stimulation kung hindi isang paraan ng panghihikayat upang mapadali ang panganganak. Isa itong hindi medikal na interbensyon na nagbibigay sa mga kababaihan ng higit na kontrol sa proseso ng labor inducement.
Mayroong ilang mga paraan upang isagawa ito kapag naaprubahan ng iyong doktor ang ganitong paraan:
- Magagawa mo ito sa iyong sarili
- Maaaring ipagawa ito sa iyong kapareha o kaibigan
- Pwede kang gumamit ng breast pump
- Pagpapasuso sa mas matandang sanggol
Walang nakatakdang paraan o kung gaano katagal para sa kung ano ang nipple stimulation.
Sa manu-manong nipple stimulation, dahan-dahang igulong ang mga ito sa pagitan ng iyong mga daliri. Tumutok hindi lamang sa dulo ng iyong mga nipple kundi sa areola
Sa panahon ng pagpapasuso, minamasahe ng sanggol ang bahaging ito habang siya ay sumususo.
Siguraduhin ang kaligtasan ni baby
Isang mabisang paraan upang ma-induce ang labor ay sa pamamagitan ng nipple stimulation. Salamat sa oxytocin, ginagawa nitong mas mahaba at mas malakas ang mga contraction. Ang mga huling yugto ng pagbubuntis ay maaaring maging isang malaking pagsubok. Maaaring hindi ka komportable, pagod, at sabik na makilala ang iyong sanggol. Pero konting tyaga na lang at manganganak ka na rin..
Makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa kung anong mga aksyon ang maaaring ligtas na subukan mo. At tandaan na ang mga sanggol sa pangkalahatan ay mas malusog kapag umabot sila ng hindi bababa sa 39 na linggo ng pagbubuntis bago ipanganak
Karaniwang inihahanda ng katawan ang cervix o kwelyo ng matris para sa labor gamit ang pinakamabisa at komportableng paraan. Gayunpaman, kapag may alalahanin tungkol sa kalusugan ng ina o sanggol o ang pagbubuntis ay nagpapatuloy dalawang linggo pagkalipas ng takdang petsa, ang pag-induce ng panganganak ay maaaring maging pinakamagandang opsyon.