backup og meta

Ano ang frank breech baby, at paano ito nasosolusyonan?

Ano ang frank breech baby, at paano ito nasosolusyonan?

Kamakailan, nag-viral sa social media ang isang Tiktok video na nagpapakita ng isang frank breech baby. Ipinakita nito ang bagong panganak na sanggol na ang kanyang mga binti ay nasa ibabaw ng kanyang ulo. Ito ay isang napakabihirang posisyon para sa mga bagong silang na sanggol.  Paano eksaktong nangyayari ito, at ano ang frank breech baby position?

Ano ang Frank Breech Baby?

Ang frank breech position ay isa sa tatlong uri ng breech, o bottom-first na posisyon ng mga sanggol habang nasa sinapupunan. Karaniwan, ang mga sanggol ay nakaposisyon sa paraang ang kanilang mga ulo ay nakabaling patungo sa birth canal, upang sila ay maipanganak na una ang ulo. Ang mga breech babies, sa kabilang banda, ay iba ang posisyon.

Ang unang uri ay complete breech. Dito, ang sanggol ay mukhang nasa isang nakabaluktot na posisyon sa tuhod, na ang kanilang mga puwit at paa ay pinakamalapit sa birth canal. 

Ang pangalawang uri ay isang hindi kumpletong posisyon ng breech. Ito ay katulad ng kumpletong breech, gayunpaman, isa lamang sa mga binti ng sanggol ang nakabaluktot.

Ang pangatlo, at ang pag-uusapan natin, ang frank breech position. Ito ay kapag ang sanggol ay nakataas ang dalawang binti sa ibabaw ng kanilang ulo. Ito rin ang pinakakaraniwang uri ng breech position sa mga sanggol.  

Ang pinakamalaking concern sa posisyong ito ay maaari silang hindi makalabas sa oras ng kapanganakan. Ito ay maaaring humantong sa malubhang pinsala o kahit kamatayan.

Paano Malalaman ng mga Doktor? 

Ang pagsusuri sa frank breech position ay isang bagay na ginagawa ng mga doktor bago manganak ang ina. Nangyayari ito ilang linggo bago ang takdang petsa ng ina, at maaaring pisikal na suriin ito ng mga doktor sa pamamagitan ng paghawak sa tiyan ng ina. Pagkatapos ay sinubukan nilang hanapin ang ulo, likod, at pigi ng sanggol upang mabigyan sila ng ideya sa posisyon ng sanggol.

Kung normal ang posisyon ng sanggol, magpapatuloy ang panganganak bilang normal. Gayunpaman, kung sa palagay ng mga doktor ay maaaring isa itong frank breech baby o isa pang breech position, gagamitin nila ang ultrasound para i-double-check.

Ang mga doktor ay karaniwang gumagawa ng isang pamamaraang kilala na external cephalic version. Kabilang dito ang pag-ikot sa sanggol sa labas para mabago ang posisyon. Maaaring maging masakit ang procedure na ito sa ina. Kaya tatanungin ng mga doktor ang ina kung kayang tiisin ang sakit sa oras ng procedure. Kung ito ay masyadong masakit, ihihinto ng mga doktor ang procedure.

Gayunpaman, hindi lahat ng breech na sanggol ay maaaring gawan ng ganitong procedure. Sa halip, sa mga ganoong sitwasyon, ang mga doktor ay mag-fofocus na maipanganak ang sanggol nang ligtas hangga’t maaari. 

Paano Ginagawa ng mga Doktor ang Delivery sa Posisyong Ito?

Mayroong dalawang pangunahing paraan kung saan maaaring mai-deliver ng mga doktor ang isang frank breech baby. Ang isang paraan ay ang C-section. Ito ang pinakasimpleng paraan ng panganganak ng breech baby. At sa mga pahanong ito ang C-section ay isang ligtas at karaniwang medikal na pamamaraan. 

Ang iba pang paraan ay kilala bilang vaginal breech delivery. Ito ay medyo katulad ng isang regular na vaginal delivery.  Kung ihahambing sa C-section, ito ay may mababang risk para sa mga ina. Gayunpaman, dahil ito ay isang vaginal delivery, may mas mataas na risk para sa sanggol kumpara sa C-section delivery.  

May Mga Posibleng Komplikasyon ba Para sa Mga Sanggol na Frank Breech?

Ang panganganak ng frank breech baby ay maaaring mukhang nakakatakot sa una, lalo na dahil sa posisyon ng kanilang mga binti. Gayunpaman, bukod sa mga panganib na nauugnay sa isang breech birth, dapat na walang iba pang mga komplikasyon na kailangang ipag-alala ng mga magulang.

Sa kalaunan, matututunan ng mga frank breech babies na igalaw ang kanilang mga binti gaya ng normal. Hindi dapat magkaroon ng anumang long-term effects mula sa pagiging nasa breech na posisyon sa loob ng sinapupunan.  

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

  1. Breech – series—Types of breech presentation: MedlinePlus Medical Encyclopedia, https://medlineplus.gov/ency/presentations/100193_3.htm, Accessed September 27, 2021
  2. Breech Presentation – Breech Births, https://americanpregnancy.org/healthy-pregnancy/labor-and-birth/breech-presentation/, Accessed September 27, 2021
  3. Breech Position and Breech Birth | Michigan Medicine, https://www.uofmhealth.org/health-library/hw179937, Accessed September 27, 2021
  4. What happens if my baby is breech? | Tommy’s, https://www.tommys.org/pregnancy-information/giving-birth/labour-and-birth-faqs/what-happens-if-my-baby-breech, Accessed September 27, 2021
  5. If Your Baby Is Breech | ACOG, https://www.acog.org/womens-health/faqs/if-your-baby-is-breech#:~:text=In%20the%20last%20weeks%20of,come%20out%20first%20during%20birth., Accessed September 27, 2021

Kasalukuyang Version

06/21/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Retained Placenta Fragment Matapos Manganak?

7 Potensyal na Komplikasyon ng Cesarean Delivery, Tuklasin Dito


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement