backup og meta

10 Karaniwang Labor Complications

10 Karaniwang Labor Complications

Pangkaraniwang alalahanin sa pagbubuntis ang mga komplikasyon sa labor. Minsan sa kabila ng pagsunod sa bawat nakasulat sa pregnancy book, maaaring mangyari pa rin ang ilang mga problema sa panganganak. Gayunpaman, kailangang maunawaan ng mga buntis na kahit na may mga komplikasyon, may mga solusyon ang agham. Mahalagang malaman na kung minsan ay hindi inaasahan ang mga komplikasyon sa labor at walang dapat sisihin kung nagawa mo na ang mga kinakailangang hakbang para sa iyong sanggol.

10 Karaniwang Komplikasyon sa Labor

Ang mga sumusunod ay ang 10 pinakakaraniwang komplikasyon sa labor na dapat mong malaman. Ito ay hindi upang magdulot ng takot kundi upang magbigay ng inspirasyon sa paghahanda.

Breech position

Nangyayari ito kapag ang posisyon ng sanggol ay nakabaligtad. Ibig sabihin ang puwit/ibaba ay lumalabas bago ang ulo.

Kung malaman ng iyong gynecologist ang breech position nang maaga, maaari niyang subukang baguhin nang manu-mano ang posisyon ng sanggol.

Gayunpaman, kung ito ay nalaman kapag malapit ka nang manganak, ang vaginal birth ay hindi maaari. Ito, gayunpaman, ay hindi isang hindi pangkaraniwang komplikasyon at walang malinaw na dahilan kung bakit ito nangyayari. Mahalagang tandaan na ang vaginal delivery at C-section ay maaaring maging peligroso pagdating sa suhi na mga sanggol.

Rapid labor

Isa sa mga dapat bantayang komplikasyon sa labor ay kung ito ay masyadong mabilis. Karaniwan, ang panganganak ay tumatagal sa pagitan ng 6 hanggang 18 oras, depende sa kalagayan ng ina. Kung ito ay mas maikli, ibig sabihin 3-5 oras, ito ay itinuturing na rapid labor.

Ito ay maaaring dahil sa laki ng sanggol, contractions ng matris, pagiging flexible ng birth canal, mabilis na pagtaas ng diameter ng cervix ng ina at dumaan ka na sa mabilis na panganganak sa iyong huling pagbubuntis. Ang isang pangunahing problema sa panahon ng rapid labor ay maaaring ang sanggol ay ipanganak sa hindi na-sterilize at hindi nalinis na kapaligiran.

Ang ina ay maaaring nasa panganib din dahil ang matinding contractions at pagmamadali ng panganganak ay maaaring maging sanhi ng pagkapunit sa ari o postpartum shock.

Fetal distress

Gaya ng tawag dito, ang fetal distress ay maaaring dahil sa hindi maganda ang lagay ng sanggol at mahina ang tibok ng puso, mga isyu sa paggalaw, hindi nagsimulang umiyak o huminga, o mababang antas ng amniotic fluid. Maaari itong mga dahilan, tulad ng hypertension ng pagbubuntis, anemia ng ina, at hindi sapat na oxygen levels.

Ang fetal distress ay nangyayari sa mga ina na nasa late labor. Halimbawa 41 hanggang 42 na linggo, ang Meconium Aspiration, kung saan ang dumi ng sanggol ay nilulunok/na-aspirate niya, ay maaaring mangyari. Ang ilang mga paraan upang labanan ito ay sa pamamagitan ng paglipat ng posisyon ng ina, pag-regulate ng oxygen levels ng ina, at pagtaas ng hydration. Hindi maaaring opsyon ang vaginal deliveries sa fetal distress at ang C-section ang tanging paraan para dito. Ang pinakamahalagang bagay na dapat gawin ay ang maghanda ng  life-saving equipment bago manganak.Ito ay magagamit ng Pediatrician at nurse sakaling magkaroon ng fetal distress.  

CPD o Cephalopelvic Disproportion

Nasa listahan ng komplikasyon sa labor ang CPD. Ito ay kapag ang ulo ng sanggol ay masyadong malaki para dumaan sa pelvis ng ina. Maaaring ito ay dahil sa iba’t ibang dahilan tulad ng kung ang ina ay nagkaroon ng gestational diabetes, o ang pelvis ng ina ay maliit para sa ulo ng sanggol, o kung ang sanggol ay nasa ibang posisyon kaysa karaniwan.

Isa sa mga remedyo para dito ay pag-iingat sa pagtaas ng timbang sa panahon ng pagbubuntis. Ang isa pa ay ang regular na pag-eehersisyo. Makakatulong ang prenatal yoga para sa ganitong pagbubuntis. C-section ang karaniwang ginagawa sa ganitong kaso.

Placenta previa

Ito ay isang kondisyon kung saan natatakpan ng inunan ang bukana ng cervix. Kilala rin ito na mababang inunan. Ito ay maaaring dahil sa iba’t ibang dahilan tulad ng kung ang ina ay higit sa edad na 35 kung ang ina ay may history ng tatlo o higit pang pagbubuntis, mga nakaraang C-section, at kung ang ina ay may fibroids. 

Gayunpaman, isa itong bihirang pangyayari ngunit dapat kaagad na alagaan o maaari itong humantong sa matinding blood loss.

Nuchal cord

Ibig sabihin nito na ang pusod ng sanggol ay nakapulupot sa leeg ng sanggol. Bagamat hindi ito laging mapanganib na sitwasyon, kung ang tibok ng puso ng sanggol ay hindi tumaas kasama ng mga contraction ng ina, maaaring kailanganin ang isang agarang panganganak.

Maaaring makaranas ng stress ang sanggol dahil dito. Ang vaginal delivery at C-section ay mga angkop na opsyon dito, ngunit ito ay ganap na nakadepende sa kung gaano ka-dilated ang ina o kung ang sanggol ay nasa reachable stage.

Mababang Timbang

Isa pa sa komplikasyon sa labor ang mababang timbang sa kapanganakan. Hypertension ang isa sa karaniwang dahilan ng low birth weight. Maaari rin itong mangyari kapag ang ina ay alcoholic, hindi wasto ang pagkain habang nagbubuntis, gumagamit ng droga, o naninigarilyo. Dahil ang sanggol ay napapakain ng kung ano ang kinakain ng ina, siya ay maaaring kulang sa timbang sa panahon ng panganganak.

Ang mga sanggol na low birth weight ay lantad sa maraming kondisyon sa pagtagal. Ito ay tulad ng respiratory problems, mga impeksyon sa puso, pagkabulag, at mga depekto sa pag-aaral.

Mahabang labor

Kung ang panganganak ay naantala nang lampas sa normal na 6-18 oras hanggang 20-22 oras, ito ay kilala bilang prolonged labor. Dahil ito sa iba’t ibang isyu na maaaring magdulot ng mga pagkaantala, tulad ng kung ang ulo ng sanggol ay masyadong malaki para sa pelvis, mabagal na dilation, multiple babies, at emosyonal na pag-trigger tulad ng takot sa panganganak.

Umbilical cord prolapse

Ang pusod ang paraan ng sanggol para makakuha ng kanyang oxygen, suplay ng nutrisyon, at suplay ng dugo. Minsan, lumalabas ang cord sa birth canal at makikita mo itong nakausli sa ari.

Nangangailangan ito ng agarang atensyon dahil ang supply ng sanggol ng oxygen at nutrients sa pamamagitan ng supply ng dugo ay nasa panganib na maputol. Susubukan ng doktor na ayusin ito sa lalong madaling panahon.

Malposition

Ang isa sa mga karaniwang komplikasyon sa labor ay malposition. Ito ay maaaring mangyari dahil sa breech positions, tulad ng kung ang puwitan o paa ng sanggol ay unang lumabas kaysa sa ulo, o kung ang sanggol ay nasa gilid ng matris sa halip na nasa vertical position.

Kasama rin sa malposition ang mga nabanggit na kundisyon. Ito ay tulad ng kung ang pusod ay bumabalot sa leeg ng sanggol, o lumabas mula sa birth canal, o na-compress. Upang matugunan ang malposition, C-section, forceps delivery, o maging ang manu-manong pagbabago sa posisyon ng doktor ay maaaring imungkahi.

Key Takeaways

Ang pagbubuntis ay itinuturing na napakaespesyal para sa isang babae. Habang naghahanda ang mga nanay para sa panganganak, kadalasan ay gusto nilang magbasa ng marami tungkol sa pagbubuntis sa pangkalahatan. Nakakatulong ito sa kanila na maunawaan ang kanilang katawan habang nagbubuntis.
Gayundin, nakakatulong ito sa ina na maintindihan kung ano ang dapat asahan sa panganganak. Bagamat ang pagbubuntis ay maaaring magkakaiba sa bawat ina, magandang malaman ang mga bagay sa pangkalahatan. Gayunpaman, hindi lamang ang mga masasayang bagay ang dapat na alamin. Kasama rin dito ang posibleng problema at kung paano hindi mag-panic sa sitwasyong iyon.
Dapat malaman ng bawat nanay ang tungkol sa mga komplikasyon sa labor. At subukang gawin ang kanyang magagawa upang maiwasan ang mga ito kung maaari. Kung hindi, huwag mag-alala, nandiyan ang iyong doktor upang pangalagaan ang mga ganitong sitwasyon na maaaring lumitaw sa anumang pagkakataon.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

4 common pregnancy complications

https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/staying-healthy-during-pregnancy/4-common-pregnancy-complications

Accessed September 7, 2021

Labor Complications

https://www.nichd.nih.gov/health/topics/labor-delivery/topicinfo/complications

Accessed September 7, 2021

Most Dangerous Birth Complications

https://www.birthinjuryhelpcenter.org/pregnancy-dangerous-complications.html

Accessed September 7, 2021

Labour Complications

https://www.pregnancybirthbaby.org.au/labour-complications

Accessed September 7, 2021

Childbirth complications

https://medlineplus.gov/childbirthproblems.html

Accessed September 7, 2021

Complications during labor and birth

mihp.utah.gov/during-pregnancy/complications-during-labor-and-birth

Accessed September 7, 2021

Kasalukuyang Version

12/02/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Ruben Macapinlac, MD, DPPS

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Retained Placenta Fragment Matapos Manganak?

7 Potensyal na Komplikasyon ng Cesarean Delivery, Tuklasin Dito


Narebyung medikal ni

Ruben Macapinlac, MD, DPPS

Pediatrics · Philippine Pediatric Society


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement