Ang karaniwang pagbubuntis ay tumatagal ng 37 hanggang 40 weeks. Premature na labor ang tawag kapag ito ay nangyari nang mas maaga kaysa sa 37 weeks.
Habang nasa sinapupunan, ang baby mo ay lumalaki hanggang sa handa na siyang ipanganak. Kapag nadiskubre ang preterm labor, hihinto sa kalagitnaan ang proseso ng paglaki nito at ang sanggol ay maaaring magkaroon ng mga issue matapos ipanganak. Premature babies ang tawag sa kanila. Ang premature na labor ay nangyayari kapag ang sanggol ay ipinanganak pagkatapos ng 20 linggo at bago ang 37 linggo. Ang mga regular na contraction ay maaari ding humantong sa pagbukas ng cervix at bumukas para sa sanggol.
Ito ay maaaring pangasiwaan ng mga doktor depende kung gaano na katagal ang iyong pagbubuntis. Dahil sa mga modernong siyentipikong pamamaraan, naging posible na i-delay ang premature na labor. Bagamat ito ay nakadepende sa kung nasaan ka, sa pasilidad ng ospital na makayanan ang premature labor, at kung ano ang kalagayan mo.
Mga Palatandaan at Sintomas ng Premature na Labor
Importanteng maunawaan ang pagkakaiba ng Braxton Hicks contractions at premature na labor. Nangyayari ang Braxton Hicks kapag ang muscles ng matris ay nagko-contract at nagre-relax. Ang mga ito ay karaniwang maaaring mapahinto sa paggalaw o pagbabago ng iyong posisyon.
Ang mga sumusunod ay ang mga palatandaan ng preterm labor na dapat mong bantayan at agad na makipag-ugnayan sa iyong doktor kung makaranas ng alinman sa mga ito:
- Mga contraction tuwing 10 minuto. Kung ang mga ito ay hindi titigil pagkatapos lumipat o baguhin ang iyong posisyon, maaaring ikaw ay nasa premature na labor.
- Patuloy na pananakit ng likod. Ito ay maaaring dahil ang sanggol ay itinulak ang kaniyang sarili pababa.
- Pressure sa iyong ibabang bahagi ng tiyan kasama ang parang period-cramps.
- Pagduduwal, pagsusuka, o pagtatae. Kung hindi ka makakain ng kahit ano o nawalan ng gana, makipag-ugnayan kaagad sa iyong doktor.
- Tumaas na pressure sa iyong ari at sa buong pelvic floor.
Ang ilan sa mga sintomas na ito ay karaniwan sa panahon ng pagbubuntis. Mas mainam na magpasuri sa iyong doktor kung nararanasan mo ang mga ito sa mga araw na humahantong sa iyong pagbubuntis.
Mga Sanhi at Panganib ng Premature na Labor
Kahit na hindi pa rin malinaw kung ano ang sanhi ng premature na labor, mayroong iba’t ibang risk factors na nagpapataas ng mga tyansa nito.
Ang mga sumusunod ay ang mga nagti-trigger na maaaring magpasimula ng maagang kapanganakan ng sanggol.
- Mas matanda o mas bata kaysa sa inirerekomendang edad ng pagbubuntis. Iyon ay mas mababa sa 17 taong gulang at higit sa 35 taong gulang.
- Hindi huminto sa droga o pag-inom ng alkohol sa kabila ng pagbubuntis.
- Walang pagitan ang dalawang pagbubuntis. Ang pinapayong span ay hindi bababa sa 18 buwan.
- Mayroong pregnancy-related o chronic conditions tulad ng heart issues, diabetes, hypertension, o problema sa pamumuo ng dugo.
- Mayroong history ng premature na labor sa iyong nakaraang pagbubuntis/pagbubuntis.
- Walang tamang pangangalaga sa panahon ng pagbubuntis tulad ng pagkain ng masustansyang pagkain, pag-eehersisyo, pag-inom ng supplement, at regular na pagbisita sa doktor.
- Ikaw ay sobra sa timbang o kulang sa timbang.
- Kambal o multiple babies ang ipinagbubuntis.
- Nabuntis sa tulong ng IVF.
- Nagkaroon ng recent traumatic experience tulad ng pagkamatay ng isang mahal sa buhay. Ang ganitong uri ng stress ay maaaring mag-trigger ng labor contractions.
- May trabahong pisikal na nakakapagod na nagpapahirap din sa iyong pag-iisip.
Samakatuwid, kinakailangan na ipaalam sa iyong doktor kung mayroon kang alinman sa mga nabanggit na background. Makakatulong ito sa iyong pagbubuntis at posibleng ma-rule out ang premature labor.
Suriin kung may mga contraction
Ilagay ang iyong daliri sa iyong ibabang tiyan. Kung naramdaman mong may paghigpit na parang bato at paglambot na parang unan, orasan ito. Kung ang pagkakaiba ng time duration ay 10 minuto maaaring ikaw ay naglalabor. Subukang tumayo at gumalaw. Baguhin ang posisyon at tingnan kung huminto ang contractions. Kung hindi, ikaw ay nasa premature na labor.
Paano Maiiwasan ang Premature na Labor?
- Maging conscious: Ngayon na buntis ka, maging higit na maingat sa iyong pagkilos. Kailangan mong manatili sa isang masustansyang diyeta at manatiling aktibo sa ehersisyo. Kung umiinom ka ng alak o nagti-take ng droga, huminto kaagad.
- Lagyan ng pagitan ang mga pagbubuntis: Gaya ng nabanggit kanina, ang inirerekomendang agwat sa pagitan ng mga pagbubuntis ay hindi bababa sa 18 buwan. Planuhin ang iyong susunod na pagbubuntis nang naaayon upang maiwasan ang premature na labor.
- Mga regular na pagbisita sa doktor: Susuriin ng iyong doktor kung paano umuunlad ang iyong pagbubuntis.
- Bantayan ang iyong timbang: Gaya ng nabanggit sa risk factors sa itaas, ang mga babaeng kulang sa timbang at sobra sa timbang ay may mas mataas na tyansa ng maagang panganganak. Kadalasan ang mga babae ay may posibilidad na tumaba, bumibigay sa ‘pregnancy cravings’ o kumakain ng mas kaunti dahil sa pagduduwal na dulot ng pagbubuntis. Tanungin ang doktor mo tungkol sa iyong timbang at bigat ng sanggol para sa healthy weight range.
- Manatiling hydrated: Mahalaga na palaging hydrated kapag buntis dahil ang mas kaunting water/fluid intake ay maaaring mauwi sa premature contractions.
- Suriin kung may impeksyon sa gilagid: Inilalantad ng pregnancy hormones ang mga babae sa mga periodontal infections. Nangangahulugan ito na ang bakterya na nasa sa mga impeksyon ay maaaring makapasok sa dugo ng ina at posibleng maging isang trigger para sa premature na labor. Samakatuwid, mainam na bumisita sa doktor.
- Huwag pigilin ang iyong pag-ihi: Ito ay maaaring magdulot ng mga impeksyon at magpamaga sa iyong pantog na nagiging mas sensitibo sa maagang panganganak. Kaya, laging umihi kapag kailangan!
- I-regulate ang mga underlying condition: Ang diabetes, hypertension, at mga sakit sa puso ay mga dahilan na malantad ka sa preterm labor. Samakatuwid, pamahalaan ang mga kondisyong ito habang ikaw ay buntis.
Key Takeaway
Bilang isang ina, ang katawan mo ay dapat handa sa pagdadala ng isang sanggol at dapat kang makapagbigay ng sapat na pagkain. Isaisip ang lahat ng mga punto sa itaas upang maiwasan ang anumang mga komplikasyon na humahantong sa premature na labor. Siguraduhing kumain ka ng maayos, mag-ehersisyo ayon sa takda ng doktor, at iwasan din ang alkohol at paninigarilyo para sa mas mahusay at mas ligtas na paglaki ng sanggol sa iyong sinapupunan. Matuto pa tungkol sa Panganganak at Mga Komplikasyon dito.
[embed-health-tool-bmi]