Ano ang birth asphyxia? Ang Asphyxia ay tumutukoy sa kakulangan ng sinusuplay na oxygen sa sanggol habang ipinapanganak, o pagkapanganak. Kung ang sanggol ay hindi nakatanggap ng sapat na oxygen habang at pagkapanganak, sila ay maaring magkaroon ng birth asphyxia. Tinatawag din itong neonatal asphyxia at perinatal asphyxia.
Ano-ano ang Sintomas ng Birth Asphyxia?
Ang sanggol na may ganitong kondisyon ay kakikitaan ng sumusunod na sintomas:
- Hindi humihinga o hirap sa paghinga
- Nangingitim at maputla
- Mabagal na pagtibok ng puso
- Mababang muscle tone o mahinang reflexes
- High blood acidity
- Naglalabas ng meconium sa amniotic fluid
- Nakararanas ng mga seizure
Ano ang mga Sanhi ng Birth Asphyxia?
Mga karaniwang sanhi ng neonatal asphyxia ay:
- Mababang level ng oxygen sa maternal blood dahil sa problema sa paghinga o sa puso, o hirap sa paghinga dahil sa epekto ng anestisya.
- Pagkaputol ng inunan, isang kondisyon na ang inunan ay napa hiwalay sa matres kumpara sa normal nitong timing ng pag hihiwalay
- Hindi sapat na pahinga ng matres sa panahon ng panganganak na pumipigil sa maayos na sirkulasyon ng oxygen sa inunan.
- High blood pressure, kasama ng hindi maayos na paggana ng inunan, o mga post-term na pagbubuntis na lumalagpas sa 42 na linggo
- Baradong daanan ng hangin ng sanggol
- Anemia sa sanggol, isang kondisyon na ang blood cells ay nahahadlangan sa pagpapadala ng sapat na oxygen
- Mahirap at/o matagal na pag-labor
- Problema sa umbilical cord
- Maternal o neonatal na impeksyon
- Maternal high o low birth pressure
- Low maternal blood pressure dahil sa compression ng umbilical cord
- Problema sa paghinga ng sanggol
- Neonatal anemia
- Mga sanhi ng pagkakaroon ng mababang level ng oxygen pagkapanganak sa sanggol
Ilang sanhi ng pagbaba ng oxygen lebel ng sanggol pagkapanganak ay:
- Mababang presyon ng kanyang dugo
- Sakit sa puso
- Malubhang anemya o mababang bilang ng blood cell, na nakaaapekto sa kakayahan ng dugo na magbigay ng sapat na oxygen
- Pagkabigla
- Mga problema sa paghinga na naglilimita sa ginagamit na oxygen
- Sakit sa baga
Paano Malalamang May Birth Asphyxia?
Ang iyong doktor ay magrerekomenda ng mga test kaugnay ng sumusunod upang matukoy ang pinagmulan ng birth asphyxia sa sanggol:
- Pagkakaroon ng malubhang level ng acid sa dugo – pH na mas mababa sa 7.00 – sa arterial blood ng umbilical cord karaniwang makikita ang kondisyong medikal na ito
- Ang Apgar score sa pagitan ng 0 at 3 para sa higit sa limang minuto ay maaaring nagpapahiwatig ng birth asphyxia. Sinusuri ng test na ito ang itsura, tibok ng puso, paghinga, reflexes, at muscle tone ng sanggol pagkapanganak
- Problemang neurological tulad ng poor muscle tone at seizures
- Mga medikal na kondisyon ng sanggol tulad ng sistema sa paghinga at pagtunaw
Paano Gamutin ang Birth Asphyxia?
Ang mga sanggol na mild lamang ang asphyxia ay kailangan lamang ng paunang alalay sa paghinga at pangangalaga. Kakailanganin naman ng sanggol na mas malubhang birth asphyxia ng makinaryang makatutulong sa paghinga, respiratory therapy, at paggagamot. Ang pagkaantala sa pagpapakain ay kailangan din para gumaling at gumana ang bituka.
Mga Advanced na Paggamot:
- High-frequency na pantulong sa paghinga na may banayad na buga ng hangin na ipinadadala sa baga ng sanggol upang maiwasan ang posibleng panganib dulot ng mga nakasanayang makina sa paghinga;
- Paglanghap ng nitric oxide upang gamutin ang respiratory failure at pulmonary hypertension. Direktang ibinibigay ang nitric oxide sa windpipe upang tumulong sa pagpapalawak ng mga daluyan ng dugo sa baga, na nagpapahintulot sa oxygenated blood na dumaloy sa buong katawan
- Nagsisimula ang hypothermia sa loob ng anim na oras pagkatapos ng kapanganakan upang mabawasan ang pinsala sa utak;
- Extracorporeal membrane oxygenation (ECMO) upang suportahan ang puso at baga ng sanggol, kung hindi ito maayos na nagpa-function.
Paano Nakaaapekto ang Birth Asphyxia sa Sanggol?
Apat sa 1,000 na kumpleto sa buwan na mga sanggol ay nakararanas ng perinatal asphyxia. Ang mga sanggol na ipinanganak na kulang sa buwan ay mas maaaring makaranas ng kondisyong ito. Ang magiging pinsalang dulot ng kondisyong medikal na ito ay nakadepende sa kung gaano kalubha at katagal ang kakulangan ng oxygen, at kung agarang makatatanggap ng ang sanggol ng wastong gamutan.
Sa loob ng ilang minuto ng asphyxia, ang kakulangan sa suplay ng dugo at oxygen ay magreresulta sa pagkasira ng cell. Pagkatapos ng panunumbalik ng suplay ng dugo at oxygen sa utak, ang reperfusion injury ay nangyayari dahil sa paglalabas ng lason mula sa mga nasirang cell.
Habang ang hindi gaanong malubhang asphyxia ay hindi nag-iiwan ng permanenteng pinsala, ang matagal ng asphyxia ay magreresulta sa pangmatagalang pinsala sa utak, puso, at iba pang mahahalagang bahagi ng katawan ng sanggol. Habang sa mga sanggol na kulang sa buwan, nagreresulta naman sa cerebral palsy, problema sa pag-de-develop, attention deficit hyperactivity disorder, problema sa paningin. Magreresulta naman sa organ failure o pagkamatay kapag malubha na ang asphyxia.
Kumonsulta sa doktor para sa iba pang katanungan.
Matuto pa tungkol sa panganganak at mga komplikasyon dito.