backup og meta

Kambal Hindi Sabay Ipinanganak, Posible ba Ito? Alamin Dito!

Kambal hindi sabay ipinanganak. Ito ang nakakapagtakang mga headlines ng iba’t-ibang mga pahayagan kamakailan lamang. Ang paniniwala nga naman ng karamihan ay pareho talaga ang kaarawan ng kambal. Maaaring magkaiba ang kambal sa isa’t-isa sa ibang mga bagay ngunit tiyak na sabay silang pinanganak.

Ang depinisyon ng kambal ay dalawang bata na ginawa sa iisang pagbubuntis. Kadalasan ay sabay silang pinapanganak o kung hindi man ay ilang minuto o oras lamang ang pagitan. Ngunit maaari silang magkaroon ng iba’t ibang kaarawan.

Paano nangyari na ang kambal hindi sabay ipinanganak?

Ito ang kadalasang nangyayari kapag nagsimula ang labor at panganganak bago ang hatinggabi sa isang araw, at nagtatapos sa susunod na araw. Kung ang araw na iyon ay mangyayari sa katapusan ng buwan, o kahit na sa bisperas ng bagong taon, ang dalawang sanggol ay maaaring magkaroon ng iba’t-ibang kaarawan.

Ngunit maaari bang ipanganak ang kambal na may isang linggo o higit pa ang pagitan? Posible at iniuugnay nila ang pagkakaiba sa laki at hitsura ng ilang kambal, pati na rin ang magkaibang araw ng kapanganakan sa superfetation. Nangyayari ito kapag nagbunga at na-develop ang isang embryo habang mayroon ng fetus sa sinapupunan.

Superfetation, ang rason kung bakit ang kambal hindi sabay ipinanganak

Ang superfetation ay nangyayari kapag ang pangalawang egg cell ay na-fertilize habang mayroon nang naunang embryo sa uterine cavity. Gayunpaman, ang superfetation ay napakabihirang mangyari at hindi lalampas sa sampung kaso ang mayroon nito. Ayon sa nakaraang pananaliksik, pinaghihinalaang ang superfetation kapag mayroong pagkakaiba sa paglaki ng mga sanggol sa multiple pregnancy.

Ang mga sanggol na nabuo sa pamamagitan ng superfetation ay itinuturing na isang hindi pangkaraniwang uri ng twinning. Ang ibig sabihin nito, ito ay sitwasyon kung saan nabuntis ulit ang isang babae kahit buntis na siya. Pinaniniwalaan na ito ay isang napakabihirang kaganapan.

Superfetation vs tipikal na kambal

Ang superfetation ay naiiba sa pagbubuntis ng mga tipikal na kambal, kung saan maramihang egg cells ay inilabas sa isang solong pagkakataon. Ito ay maaaring mangyari nang natural o ma-stimulate ng mga gamot sa fertility. Kapag higit sa isang ovum ang nahinog at tumubo sa matris, ang resulta ay dizygotic o fraternal na kambal, triplets, o iba pang maramihan na panganganak.

Bagama’t ang dalawang fetus ay nabuo nang sabay-sabay sa superfetation, magkaiba ang mga ito sa maturity. Isa ito sa dahilang kung bakit may mga kambal hindi sabay ipinanganak. Maaaring pinaglihi nang ilang araw o kahit na ilang linggo ang pagitan. Ang superfetation ay sinusunod sa pagpaparami ng mga hayop, ngunit ito ay napakabihira sa mga tao. Iilang mga kaso lamang ang naitala sa medikal na literatura. Ito ay kadalasang napapansin sa isang regular na pagsusuri sa ultrasound.

Guinness World Record ng kambal di sabay ipinanganak

Ayon sa Guinness World Record, ang pinakamahabang agwat sa pagitan ng kapanganakan ng kambal ay 90 na araw. Ito ang kaso nina Molly at Benjamin West, fraternal na kambal na ipinanganak sa Baltimore, Maryland sa Estados Unidos noong unang araw ng Enero at ika-30 ng Marso 1996. Ang mga magulang nila ay sina Lesa at David West.

Ipinanganak si Molly noong bagong taon, nang nang wala sa panahon at kulang ng tatlong buwan. Ngunit pinigilan ng mga doktor ang mga contraction ni Lesa upang maipagbuntis pa niya si Benjamin sa tamang panahon.

Marami pang kaparehong kaso ngunit magkaiba ang agwat ng kapanganakan. Isa na rito ang kaso ng kambal ni Maria Jones-Elliott na sina Amy at Katie na ipinanganak ng may pagitan na 87 na araw. Tinawag niyang maliit na himala ang kanyang mga kambal.

Maraming kadahilanan kung bakit hindi magkasabay ang kapanganakan ng kambal. Minsan ang kambal na pagbubuntis ay hindi agad tinatapos. Ito ay upang mabigyan ang bawat sanggol ng pinakamagandang pagkakataon para mabuhay bago sila maipanganak. Kung ang isang sanggol ay kailangang maipanganak nang wala sa panahon, pinapaantala ng mga doktor ang labor upang bigyan ang isa pang sanggol ng mas maraming oras sa sinapupunan upang lumaki at umunlad. 

Ang twin pregnancy, mapa-sabay o malaki ang agwat ng pagkapanganak ay may panganib ng komplikasyon, kung kaya’t ang mga magulang na nagdadala ng twins ay dapat may masugid na prenatal check-ups at humingi ng medikal na advise para sa kahit anong concern.

[embed-health-tool-due-date]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://www.amba.org.au/families/resources/faq/do-multiples-or-twins-run-in-families

https://www.medicalnewstoday.com/articles/324455

https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/staying-healthy-during-pregnancy/twin-pregnancy-answers-from-maternal-fetal-medicine-specialist

https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/6700896/

Can twins have different birthdays?

https://www.sciencedirect.com/topics/medicine-and-dentistry/superfetation

Kasalukuyang Version

10/27/2022

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Jaiem Maranan, RN MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Anu-Ano ang mga Uri ng Pagkalaglag? Alamin Dito

Epekto ng Iodine Deficiency, Alamin!


Narebyung medikal ni

Jaiem Maranan, RN MD

General Practitioner


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement