backup og meta

Sakit Pagkatapos Manganak: Anu-ano Ang Mga Impeksyon Na Maaaring Makuha?

Sakit Pagkatapos Manganak: Anu-ano Ang Mga Impeksyon Na Maaaring Makuha?

Ang postpartum infections ay kadalasang nangyayari pagkatapos ng vaginal at cesarean delivery, minsan kahit sa panahon ng pagpapasuso. Ito, kasama ang trauma na naranasan ng katawan ng isang babae sa panganganak, ay maaaring mag-ambag sa mga postpartum infections. Ano ang mga senyales ng sakit pagkatapos manganak? 

Anim na linggo pagkatapos ng panganganak ay ang karaniwang pagdurugo. Ganoon din kapag nangyari ang mga impeksyon. Ang mga ito ay nagpapataas ng takot sa panganganak ng mga kababaihan at nagdaragdag ng sa mga bagong ina. Magbasa pa para malaman kung paano makikita ang mga impeksyon ng maaga pagkatapos manganak, gayundin kung kailan hihingi ng tulong.  

Ang Pagkakaiba ng Normal at Abnormal Bleeding

Ang pagdurugo ay talagang isang napaka-normal na bahagi pagdating sa postpartum moments. Ito ay dahil ang matris ay dahan-dahang nire-reconstruct ang lining na nalaglag nito at ibinabalik sa kung ano ito bago ang pagkakaroon ng sanggol. Kapag ang bakterya ay nakikigulo dito at sa mga nakapaligid na lugar ng matris, maaaring mangyari ang impeksyon.

Ang mga sakit pagkatapos manganak ay karaniwang nailalarawan sa maraming bagay, ngunit kadalasan, mayroon itong tatlong pagkakakilanlan.

  1. Endometritis, kung saan ang lining ng matris ay nahawaan.
  2. Myometritis, kung saan ang muscle ng matris ay nahawaan.
  3. Parametritis, kung saan ang impeksyon ay nangyayari sa paligid ng matris.

Nangyayari ang abnormal bleeding kapag ang pagdurugo ay may kasamang mga namuong dugo na mas malaki kaysa sa isang itlog. Ito rin ay nagiging malakas at may mabahong amoy. Maaaring hindi ito mapansin sa simula, pero ang isang impeksyon ay makikilala kaagad.

Ano ang mga Senyales ng Impeksyon Pagkatapos Manganak? 

Maaaring tumagal ng higit sa ilang araw bago lumaki ang impeksyon. Minsan maaaring kapag nasa bahay ka na. Napakahalagang humingi ng tulong sa iyong partner sa pagmo-monitor ng mga bagay tulad ng iyong kalusugan at iba pa. Para malaman ng higit pa, narito ang mga palatandaan at sintomas ng sakit pagkatapos manganak:

  • Mataas na temperatura ng lagnat
  • Sakit sa ibabang bahagi ng tiyan o pelvic
  • Vaginal discharge na may mabahong amoy
  • Maputi o maputlang balat
  • Pagtaas ng heart rate

Bagama’t ang mga ito ay tila hindi napapansin sa simula, dapat lagi mong tiyaking suriin ang iyong sarili gaya ng ginagawa mo sa sanggol. Kung sa tingin mo ay may impeksyon ka, magpatingin kaagad sa iyong doktor dahil maaaring magkaroon ng malalang komplikasyon. 

Kailan Hihingi ng Tulong

Kung nararanasan mo na ang alinman sa mga nabanggit na palatandaan at sintomas, oras na para humingi ng tulong. Ang mga sakit pagkatapos manganak na hindi naagapan ay maaaring humantong sa paglala ng kondisyon. Isa sa mga pangunahing sanhi ng postpartum mortality ay infected uterus. Ito ay isa sa mga pinaka-mapanganib na kondisyon pagkatapos manganak. 

Ang mga doktor ay magrereseta ng gamot o magsasagawa ng operasyon para matugunan ang sanhi ng pagdurugo at kung saan nagsimula ang impeksyon.

Maaaring maiwasan ang mga impeksyon

Sa kabutihang palad, ang mga impeksyon ay maaaring iwasan. Ang postpartum patients ay sinusuri bago ma-discharge at tinuturuan din kung ano ang dapat bantayan. May ilang pasyente na sasailalim sa diagnostic test bago lumabas kung may higher risk sa impeksyon.

Ang dahilan ng sakit pagkatapos manganak ay ang paggamit ng hindi malinis na mga bagay o unhygienic practices. Dapat ka ring mag-focus sa recovery at huwag gumawa ng anumang bagay na maaaring maglagay sa iyo sa panganib. 

Ang mga palatandaan ng impeksyon pagkatapos manganak ay madaling mapansin. Hangga’t may early intervention, ang mga impeksyon ay maaaring maayos na magagamot.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Postpartum infections: A review for the non-OBGYN, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4934978/ Accessed March 15, 2021

Puerperal infections of the genital tract: a clinical review, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/24406036/ Accessed March 15, 2021

Postpartum infections, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK560804/ Accessed March 15, 2021

Prevalence of postpartum infections: a populationbased observational study, https://obgyn.onlinelibrary.wiley.com/doi/10.1111/aogs.12455 Accessed March 15, 2021

Labor and delivery, postpartum care, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/labor-and-delivery/in-depth/postpartum-care/art-20047233 Accessed March 15, 2021

Epidemiology of and Surveillance for Postpartum Infections, https://wwwnc.cdc.gov/eid/article/7/5/01-0511_article Accessed March 15, 2021

Kasalukuyang Version

06/07/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Food Supplement na Dapat Ikonsidera Matapos Manganak?

Postpartum Exercise: Kailan Ka Maaaring Mag-ehersisyo Pagkatapos Manganak?


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement