Ang mga babae ay karaniwang nakakaranas ng pantal pagkatapos manganak. Mapapansin na hindi agad humuhupa ang epekto ng kanilang pagbubuntis. Itinuturing na karagdagang pisikal na sintomas ang pantal sa bagong panganak na ina. Ito ang mga reaksyon sa balat sa anyo ng makati na pantal o welts. Pwede itong maging kasing liit ng spots o kasing laki ng blotches. Narito ang kailangan mong malaman tungkol sa postpartum hives.
Pantal pagkatapos manganak: Ano ito?
Ang urticaria ay mga pantal (rashes) na iba-iba ang hitsura. Kadalasan, lumilitaw ang mga ito bilang red bumps at mga nakaumbok na balat. Ngunit pwede rin silang maging purplish. Madalas din silang makati, subalit ang tindi ng kati ay nag-iiba mula sa mild hanggang sa pinakamatindi. Maaaring magkaroon ng maliliit na pantal, habang ang iba naman ay pwedeng magkaroon ng pantal na itsurang mapa, kasing laki ng plato. Iba-iba rin ang hugis ng mga pantal, mula sa bilog, hugis-itlog, parang bulate, hanggang sa pagiging hindi regular ng hugis.
Pantal pagkatapos manganak: Bakit ito nangyayari?
Tandaan na ang mga postpartum hives ay maaaring mangyari dahil sa non-pregnancy-related na dahilan. Ibig sabihin, pwede itong mangyari pagkatapos manganak. Ang ilan sa mga kababaihan ay hindi nagkaroon nito habang nagbubuntis. Subalit, noong sila ay nakapanganak na — nagkaroon sila ng mga pantal.
Mga allergy
Kadalasan, ang mga pantal ay nagaganap dahil sa allergy. Ngunit, ang postpartum hives ay hindi nangangahulugan na ikaw ay allergic sa pagbubuntis (o sa’yong baby). Gayunpaman, pwedeng mangahulugan ito na lumala ang iyong mga umiiral na allergies. Ayon sa mga ulat, sinasabi na ang ilang mga babae ay malamang na magkaroon ng mas matinding allergic reaction sa panahon ng pagbubuntis.
Samakatuwid, kung mayroon kang postpartum urticaria, mag-ingat sa allergens. Marahil ay may binago ka sa’yong diyeta, gumamit ng bagong skincare product, o binago ang iyong detergent. Ang mga gamot, tulad ng antibiotics at pain reliever ay pwede ring mag-trigger ng urticaria. Magandang alamin at tukuyin ang allergens, para maalis ito sa’yong kapaligiran at maging ligtas.
Stress
Alam mo ba na ang stress ay pwedeng maging sanhi ng pantal ng isang tao? Dagdag pa rito, sa panahon ng pagbubuntis at panganganak, maaaring makaranas ng stress ang isang babae.
Kaya, kung mayroon kang postpartum hives kahit na hindi ka naman nakipag-ugnayan sa allergen, posibleng stress ang dahilan ng pantal. Dahil ang katawan ng mga babae sa panahon ng pagbubuntis at pagkatapos manganak ay nakakaranas ng iba’t ibang pagbabago sa kanilang katawan at maging ang paraan ng kanilang pamumuhay, ang mga ito ay pwedeng maging stressors.
Mga impeksyon
Kailangang magpahinga ng isang babae mula sa 9 na buwang pagbubuntis. Dahil ang kanilang katawan ay mas madaling maapektuhan ng mga impeksyon, tulad ng trangkaso. Higit pa rito, ang mga impeksiyon ay pwede ring lumabas mula sa’yong mga sugat sa panganganak.
Kung nagkaroon ka ng postpartum hives dahil sa mga impeksyon. Malaki ang posibilidad na mayroon ka ring iba pang mga sintomas. Halimbawa, pwede kang magkaroon ng lagnat. Ang mga partikular na impeksyon ay humahantong din sa mga partikular na sintomas. Halimbawa nito ay ang mahapding pakiramdam sa panahon ng pag-ihi para sa impeksyon sa ihi, makating lalamunan para sa strep throat, atbp.
Tandaan na ang paggamot sa impeksyon ay dapat na maging isang prioridad. Dahil maaari itong lumala at magdulot ng mga komplikasyon. Kung pinaghihinalaan mo ang isang impeksyon, kumunsulta kaagad sa’yong doktor.
Pantal pagkatapos manganak: Paano haharapin?
Ang tagal ng pananatili ng postpartum hives ay depende sa dahilan. Kung ito ay isang allergy, pwedeng tumagal ng ilang minuto, oras, o araw habang sinusubukan ng katawan na alisin ang allergen.
Para sa mga pantal na dahil sa stress, isaalang-alang ang pagpapahinga. Hindi nila maaalis kaagad ang urticaria, ngunit makakatulong sila. Gayundin, subukang huwag ma-stress sa’yong mga pantal.
Karamihan din sa mga mild na kaso ng pantal, ito ay kusang nawawala. Ngunit kung nag-aalala ka, maaari kang humingi sa iyong doktor ng antihistamine o anti-itch na gamot. Iwasan ang pag-inom ng ibuprofen dahil pwede rin itong magdulot ng mga pantal.
Panghuli, kung sa tingin mo ay may kaugnayan ito sa impeksyon. Humingi kaagad ng medikal na tulong. Kinakailangan din ang konsultasyon kung kumalat ang iyong mga pantal at patuloy na bumabalik, o hindi bumuti sa loob ng 2 araw.
Pansamantala, iwasang gumamit ng mainit na tubig kapag naliligo. Magsuot ng maluwag, at damit na makakahinga ka at iyong balat. Gumamit din ng mild detergent at hypoallergenic skincare products.
Key Takeaways
Ang ilang mga babae ay nakakaranas ng postpartum hives na tumutukoy sa mga pantal na lumilitaw pagkatapos ng panganganak. Iba-iba ang mga sanhi nito, mula sa allergic reactions, stress, at impeksiyon. Karamihan sa mga kaso ng pantal ay pansamantala lamang, ngunit huwag mag-atubiling kumunsulta sa iyong doktor kung nag-aalala ka tungkol dito.
Matuto pa tungkol sa Mothercare dito.