Ang mga babaeng may gestational diabetes ay kailangan maging maingat sa kanilang pagpili ng mga pagkain upang masiguro na ang kanilang lebel ng blood glucose ay nanatiling nasa limit ng normal. Upang matulungan ka sa balanseng diet, narito ang ilan sa mga ideya na pagkain para sa gestational diabetes.
Pagkain Para sa Gestational Diabetes: Lahat ng Dapat mong Malaman
Gabay sa iyong Meal Planning
Bago ka naming bigyan ng ilang ideyang pagkain para sa gestational diabetes, talakayin muna natin ang vital meal planning na gabay na makatutulong sa iyo na makontrol ang blood sugar:
- Magkaroon ng kaunti, at palagiang meals. Hangga’t maaari, i-distribute ang iyong pagkain sa pagitan ng tatlong meals at tatlong snacks.
- Huwag magpapalipas ng meals dahil ito ay maaaring maging sanhi ng mababang lebel ng blood sugar (hypoglycemia)
- Siguraduhin na kumain ng variety ng pagkain. Magpokus sa non-starchy na mga gulay, mainam na fats, lean na protina, whole grains, at sariwang mga prutas. Maaari kang sumangguni sa gabay sa pagbili sa susunod na seksyon para sa mga halimbawa.
- Ilimita ang mga produktong matamis, tulad ng dried fruits, sweetened cereals, fruit juices, ice cream, flavored yogurt, at jams.
- Uminom ng maraming tubig.
- Huwag kumain ng carbs lamang. Ipares ang mayaman sa carbs na pagkain kasama ng protina at good na natural fats. Ang “pagpapares ng pagkain” ay nakapagpapahinto ng mabilis at maraming pagtaas ng glucose sa dugo.
At syempre, huwag kalimutan na alalahanin ang iyong dami ng kinakain. Upang magsagawa ng meal plate na nagsusulong ng malusog na lebel ng blood glucose, gumamit ng diabetes plate method. Sa pamamaraan na ito, gumamit ng regular na 9-inch na plato at:
- Lagyan ang ½ nito ng non-starchy na mga gulay.
- Hatiin pa ang isa pang kalahati sa dalawa.
- Lagyan ng ¼ ang isa pang kalahati ng whole grains o starchy na mga gulay.
- Lagyan ang isa pang ¼ ng lean proteins.
Maaari ka ring magdagdag ng maliit na serving ng sariwang prutas o healthy dairy, tulad ng 1% skim milk. Sa huli, huwag kalimutan na uminom ng isang baso ng tubig kada meal.
Gabay sa Pagbili ng Grocery
Maaari mong magawa ang iyong meal plan o menu ng pagkain para sa gestational diabetes sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa iyong doktor. Sa iyong meal plan, alalahanin na maaari mong isama ang mga sumusunod na pagkain:
Whole Grains
- Brown rice
- Whole wheat pasta
- Wholegrain bread at crackers
- Beans
- Whole grains tulad ng oats
Starchy na mga Gulay
- Carrots
- Mais
- Green peas
- Kalabasa
- Kamote
- Patatas
Non-Starchy na mga Gulay
- Pipino
- Green na salad tulad ng kale, spinach, at lettuce
- Kamatis
- Talong
- Celery
- Cauliflower
- Repolyo
- Broccoli
Good, Natural Fats
- Mani at seeds
- Avocado
- Olives
- Healthy oils tulad ng canola oil at olive oil
Mga Protina
- Itlog
- Isda (mag-ingat sa mga seafood na may mataas na mercury)
- Manok
- Sardinas
- Beans
- Tokwa
Sariwang mga Prutas
- Saging
- Ubas
- Strawberries, blueberries, o blackberries
- Papaya
- Pakwan
Meal at Snack Ideas na Pagkain para sa Gestational Diabetes
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga meal at snack na ideyang pagkain para sa gestational diabetes. Gayunpaman, bago ihanda at kainin ang mga ito, siguraduhin na magpatingin muna sa iyong doktor. Sa ganung paraan, makukuha mo ang eksaktong dami na akma para sa iyong target na lebel ng glucose.
Almusal
- Kumain ng slice ng whole-grain toast. Gayunpaman, huwag lang ito ang kainin; ipares ito sa good fat at pinagmumulan ng protina tulad ng itlog, nilutong karne, keso, o peanut butter.
- Gumawa ng omelets. Dagdagan ng mga keso, ham, o manok kasama ng herbs at spices tulad ng sibuyas, pepper, at paprika.
- Gumawa ng bacon sandwich. Maghanda ng dalawang slice ng whole-grain na tinapay mula sa 400g na loaf at palamanan ito ng healthy bacon o sausage.
Tanghalian
- Mixed salads. Isa sa mga pinaka mainam na pagkain para sa gestational diabetes ay ang paghahanda ng salads. Paghaluin ang iba’t ibang salad na dahon tulad ng celery, lettuce, at spinach at dagdagan ng lutong karne, hinating itlog, keso, tokwa o lutong isda.
- Gumawa ng baked potatoes. Pumili ng maliit na patatas na hindi mas malaki sa iyong kamao. Palamanan ito ng healthy sausage, ham, o bacon, at dagdagan ng mga keso. Maaari ka ring magpalaman ng tuna na may halong mayonnaise. Kainin ito na may serving ng salad.
- Maghanda ng mushroom soup o chicken soup na may dibdib ng manok. Ipares ito sa tinapay na may butter o healthy crackers para sa sawsawan.
Hapunan
- Maghanda ng serving ng skinless ng dibdib ng manok (nasa 113 gramo). Ipares ito sa maliit na baked potato, bawasan ang fat sour cream, at cup ng broccoli salad na may salad dressing. Maaari ka ring uminom ng 1 cup ng fat-free milk.
- Lutuin ang whole wheat pasta na may gulay o chicken sauce at ilang mga beans. Maging maingat sa paggamit ng nakapaketeng sauce, dahil maaaring maglaman sila ng mataas na dami ng sugar.
- Lutuin ang beef stew na may beans o lentils at kamote.
Snacks
- 1 cup ng sugar-free gelatin
- 3 sticks ng celery na may 1 kutsara ng peanut butter
- 1 matigas na nilagang itlog
- 1 cup ng hinating pipino na may 1 kutsarang ranch dressing
- 5 mga maliliit na carrots
- 15 gramo ng plain yogurt na may 1 cup ng raspberries
Mahalagang Tandaan
Ang meal planning para sa gestational diabetes ay maaaring mapanghamon, lalo na kung ito ay gagawin mo nang walang tulong ng iba. Kumonsulta sa iyong doktor upang maayos na magabayan sa mga pagkain na makatutulong na makamit ang iyong target na lebel ng blood glucose.
Sa pangkalahatan, para sa ideya ng meal at snacks para sa gestational diabetes, kailangan mong mag pokus sa variety ng pagkain na kasama ang whole grains, good proteins at fat sources, sariwang mga prutas, at maraming non-starchy na mga gulay.
Alamin ang higit pa tungkol sa Gestational Diabetes dito.