Dumaraan sa maraming pagbabago ng katawan pagkatapos manganak ang mga babae. Ilan sa mga pagbabagong ito ang pagbigat ng timbang, dalas ng pag-ihi, at pananakit ng likod. Bagaman marami ang pansamantala lamang sa mga pagbabagong ito, permanente din ang iilan. Pag-uusapan natin dito ang tungkol sa mga pagbabago ng katawan pagkatapos manganak ng kababaihan.
Mas Malaking Sukat ng Sapatos
Matapos isilang ang iyong anak, maghanda para sa mas malalaking sapatos. Ayon sa mga pag-aaral, 60 hanggang 70% ng kababaihan ang nagkakaroon ng mas mahabang paa at mas maikling arko ng talampakan. Ipinaliwanag ng mga mananaliksik na dahil ito sa nadagdag na timbang sa panahon ng pagbubuntis at pati na rin sa hormones.
Napapatag ng nadagdag na timbang ang talampakan, kaya nadaragdagan din ang haba ng mga paa. Dagdag pa rito, ang hormone na relaxin ang nagdudulot sa mga ligament ng katawan na mag-relax.
Sa katunayan, ginagawa nitong mas elastic ang katawan para makapaghanda sa panganganak. Gayunpaman, dahil maaaring makaapekto ang relaxin sa iba pang mga bahagi ng katawan, napapalaki din nito ang mga paa.
Breast Sagging
Hindi posibleng hindi mapag-usapan ang paglaki ng breast size pagkatapos ng panganganak. Dahil nagbabago talaga ang breast size pagkatapos manganak. Nangyayari ito lalo na para sa paghahanda sa pagpapasuso.
Ayon sa mga eksperto, napapalitan ang mga fat tissue sa suso ng isang ina ng functional tissues na tumutulong sa kanilang pagpapasuso. Sa simula, nagdudulot ito ng paglaki ng suso. Gayunpaman, umaabot din hanggang ligaments ng suso ang nadagdag na laki at timbang.
Ngayon, kapag huminto na ang babae sa pagpapasuso, lumiliit ang functional tissues ngunit hindi ito agad napapalitan ng taba. Dahil sa “deflated” functional tissues at mga nabatak na ligaments kaya maaaring magkaroon ng breast sagging o paglawlaw ng suso.
Karaniwang permanente ang sagging. Sinasabi ng mga doktor na sa sandaling bumaba ang suso, hindi na uli sila maaaring tumayo.
Stretch Marks
Ang pag-uusap tungkol sa pagbabago ng katawan pagkatapos manganak ng isang babae ang magdadala sa atin sa usapin tungkol sa stretch marks.
Maraming kababaihan na apektado ng stretch marks ang umaasa na mawawala rin ito balang araw. Ngunit sabi ng mga eksperto, mananatili na sa katawan ang mga pinkish o reddish mark na ito.
Ang mabuti dito, kukupas din sila pagdating ng panahon, karaniwan isa o dalawang taon. Kapag nabuntis naman muli ang babae, mas lilinaw ang mga mark tulad ng dati.
Pagkawala ng Ngipin
May nagsabi na ba sa iyo na mawawalan ka ng ngipin sa bawat anak na iyong ipapanganak? Sabi-sabi lang daw ito ayon sa ibang tao. Ngunit ipinakita ng mga bagong pag-aaral na maaaring may katotohanan ang kuwentong ito.
Sa isang pag-aaral na kinasasangkutan ng higit sa 2,000 na kababaihan na higit pa sa isang pagbubuntis ang napagdaanan, natuklasan ng mga mananaliksik na maaaring may koneksyon ang pagbubuntis at pagkawala ng ngipin.
Sinabi ni Dr. Russel na maaaring dahil sa mga sumusunod ang koneksyon sa pagkawala ng ngipin at pagbubuntis:
- Gingivitis. Madaling magkaroon ng gingivitis ang mga babaeng buntis. Tandaan na maaaring humantong sa pagkawala ng ngipin ang gingivitis.
- Mga alalahanin sa pera. Dahil sa mga anak na aalagaan, mas inuuna ng mga ina ang kanilang pangangailangan kaysa sa sariling oral health. Samakatuwid, maaari nilang ipagpaliban ang pagbisita sa dentista.
- Nababawasan ang oral care. Maaaring mas kaunti ang oras ng mga nanay na may mas maraming anak para bigyang pansin ang kanilang oral health.
Gayunpaman, kailangan pa ng mas maraming pag-aaral para makumpirma ang ugnayan sa pagitan ng pagkawala ng ngipin at panganganak.
Melasma – Ang maskara ng pagbubuntis
Sa usapin kung paano nangyayari ang pagbabago ng katawan pagkatapos manganak ng isang babae, dapat din nating pag-usapan ang tungkol sa melasma.
Madalas na nagkakaroon ng iregular, batik-batik na pekas ang mga babaeng nagbubuntis sa kanilang mga mukha. Nangyayari ang melasma o “maskara ng pagbubuntis” dahil sa hormonal changes at lumalala ito dahil sa pagbibilad sa araw.
Hindi nagdudulot ng anumang panganib sa kalusugan at hindi rin masakit ang maskara ng pagbubuntis. Gayunpaman, maaari itong magdulot ng emotional distress dahil sa nakikitang negatibong imahe ng katawan. Sinasabi ng mga doktor na permanente ang melasma maliban na lang kung kukuha ng treatment para dito.
Isang munting paalala: maraming topical treatment ang mayroon sa online na nagsasabing maaari nilang maalis ang melasma. Huwag magmadali sa pagbili ng mga ito.
Ang pakikipag-usap sa doktor ang pinakamahusay na paraan upang maalis ang maskara ng pagbubuntis. Papayuhan ka nila tungkol sa ligtas at epektibong paraan ng tamang treatment para sa iyo.
Pansamantala, iwasan ang hindi mabuting pagkakabilad sa araw. Huwag kalimutang mag-moisturize, at magkaroon ng magandang cleansing regimen para pangalagaan ang iyong balat.
Pagbabago sa Utak
Totoong nagbabago ang paraan ng pag-iisip ng isang ina pagtapos manganak. Ngunit hindi lang ito iyon. Talakayin natin kung paano binabago ng pagbubuntis ang utak sa pisyolohikal na aspekto.
Sa isang pag-aaral, sinuri ng mga mananaliksik ang MRI brain scan ng mga bagong ina. Kinuha nila ang mga scan bago nabuntis ang mga babae at pagkatapos nila manganak. Ipinapakita ng mga resulta na pagkatapos ng pagbubuntis, lumiit ang laki ng grey matter ng utak.
Bagaman iniisip mong masama ito, dahil madalas na nagpapahiwatig ng kabawasan ng kapasidad ang pagliit. Ngunit ayon sa mga sumulat ng pag-aaral, maaaring nakabubuti ang pagliit ng grey matter.
Sinabi nila na nangyayari rin ang pagliit nito sa utak ng mga teenager kapag nag-“prune” ang maraming hormone ng synapses – ang koneksyon sa pagitan ng mga brain cell. Nagdudulot ng mas magandang brain connectivity ang pruning na ito.
Gayunpaman, binigyang-diin din ng mga mananaliksik na hindi pa rin sila sigurado kung parehong resulta ng pruning na nangyayari sa mga teenager ang nangyayaring pagliit ng grey matter.
Isang bagay na kanilang natukoy ay ang bahaging pinakalumiit ang responsable sa social recognition, ang lugar na nagbibigay sa atin ng kakayahang malaman kung ano ang iniisip o nararamdaman ng iba.
Kapansin-pansin, kapag pinapakita sa mga ina ang larawan ng kanilang mga anak, lumiliwanag ang nasabing bahagi, ibig sabihin, na-a-activate ito.
Ayon sa mga mananaliksik, maaaring makatulong ang pinalakas na social cognition sa isang ina upang maalagaan ang kanyang bagong panganak na sanggol. Dahil mas magiging mahusay siya sa pag-alam ng dahilan sa likod ng mga pag-iyak at pagsasalita ng kanyang sanggol.
Sa ngayon, hindi masasabi ng mga may akda ng pag-aaral kung permanente o hindi ang mga pagbabago sa utak na ito. Ngunit ipinakita ng mga resulta na tumagal ito ng 2 taon pagkatapos manganak.
Key Takeaways
Nauunawaan ng mga ina na hahantong sa maraming ang pagbubuntis at panganganak – kapwa pisikal at mental. Nakasalalay sa maraming bagay ang mga pagbabago ng katawan pagkatapos manganak, tulad ng kung gaano karaming timbang ang nakuha nila habang dinadala ang kanilang anak.
Sa kabuuan ng mga pagbabagong ito, mahalaga pa rin ang patuloy na paggawa ng mga hakbang tungo sa pagkamit at pagpapanatili ng sariling kalusugan.
Key-takeaways
Matuto pa tungkol sa pagbubuntis dito.