backup og meta

Paano Maiwasan Ang Gestational Diabetes? Heto Ang Dapat Tandaan

Paano Maiwasan Ang Gestational Diabetes? Heto Ang Dapat Tandaan

Ano ang Gestational Diabetes?

Ang pagbubuntis ay dapat na panahon ng pagdiriwang. Ikaw ay nagdadala ng bagong buhay at iyon ang dahilan para mag celebrate. Kaya lang, ang pagbubuntis ay may kasamang maraming potensyal na komplikasyon. At ito ay dapat bantayan ng isang babae. Isa sa mga ito ang gestational diabetes. Alamin ang sa kondisyong ito at kung paano maiiwasan ang gestational diabetes sa pagbubuntis.

Ang Gestational Diabetes ay Karaniwang Nangyayari sa Pangalawa o Ikatlong Trimester

Ang gestational diabetes ay isang uri ng diabetes na nasuri sa panahon ng pagbubuntis ng isang babae. Karaniwan itong nangyayari sa ikalawa o ikatlong trimester. Apektado nito kung paano ginagamit ng mga cell ang glucose o asukal, at nagiging sanhi ng mataas na asukal sa dugo.

Kahit na isang seryosong kondisyon na nangangailangan ng medical guidance, ang gestational diabetes ay maaaring pamahalaan. Hindi ka dapat mag-alala ng sobra kung ma-diagnose ka na may ganitong kondisyon.

Kung susundin ang mga utos ng doktor, ikaw at ang iyong sanggol ay maaaring manatiling malusog, at kakayanin ang normal na pagbubuntis. 

Ngunit mahalagang matutunan mo kung paano maiwasan ang gestational diabetes sa pagbubuntis para masiguro ang kaligtasan mo at ng sanggol.

Ang isa pang good news ay para sa karamihan ng mga kababaihan. Ang blood sugar level ay karaniwang bumabalik sa normal pagkatapos ng panganganak. Maaaring kailangan mo lamang na i-monitor ng mabuti ang iyong blood sugar. Ito ay dahil mas madali kang kapitan ng Type 2 Diabetes.

Mga sanhi ng Gestational Diabetes

Isa sa mga sanhi ng gestational diabetes ay ang kakulangan ng insulin, na kailangan ng katawan sa panahon ng pagbubuntis. Kapag kulang sa insulin, hindi magagawa ng iyong katawan na gawing enerhiya ang glucose sa iyong katawan. Ito ang nagpapataas ng blood sugar, na nagiging sanhi ng gestational diabetes.

Ang isa pang dahilan kung bakit ang mga buntis ay madaling kapitan ng diabetes ay dahil sa insulin resistance. Sa panahon ng pagbubuntis, ang inunan ay gumagawa ng mga hormone na tumutulong sa paglaki ng sanggol. Gayunpaman, hinaharangan din ng mga hormone na ito ang galaw ng insulin. Kaya naman ang mga buntis ay nangangailangan ng 2 – 3 beses na dami ng insulin. 

Bukod dito, ang inunan ay naglalabas din ng mga hormone na nagdudulot ng pagdami ng sugar sa dugo. Kung ang katawan ay hindi makagawa ng sapat na insulin, magkakaroon ng pagtaas ng glucose sa dugo.

Upang maiwasan ang gestational diabetes sa pagbubuntis, tandaan ang mga sumusunod:

  • Pagpapanatili ng malusog na timbang
  • Pagkain ng labis na matatamis
  • Mga aktibidad na maaaring mag pataas ng presyon ng dugo

Bagama’t may ibang risk factors na hindi mo makokontrol, maaaring matagumpay na maiwasan o pamahalaan ang gestational diabetes para matiyak ang ligtas na pagbubuntis. Kumunsulta sa iyong doktor sa pinakamahusay na plano sa pamamahala. 

Maaari mong talakayin sa iyong doktor kung paano maiiwasan ang gestational diabetes sa pagbubuntis. Ang mga may mas mataas na posibilidad na magkaroon ng gestational diabetes ay ang mga sumusunod:

  • May miyembro ng pamilya na may diabetes
  • May body mass index na higit sa 30
  • Ay may lahing Asyano, Itim, African-Caribbean, o Middle Eastern
  • Nanganak ng isang malaking sanggol sa nakaraang pagbubuntis (ang sanggol ay tumitimbang ng higit sa 9 lbs) 
  • Nagkaroon ng gestational diabetes sa nakaraang pagbubuntis

Kapag may risk factors na mga ito,  tumataas ang tyansang magkaroon ng gestational diabetes sa pagbubuntis.

Sintomas ng Gestational Diabetes

Madalas na hindi pinapansin ng mga buntis ang mga sintomas ng gestational diabetes. Ang mga babaeng may gestational diabetes ay karaniwang walang mga sintomas. Maaari din nilang iugnay ang mga sintomas sa kanilang pagbubuntis. Nalalaman lamang ng karamihan sa kanila na may gestational diabetes sa panahon ng regular na screening. 

Ito ang dahilan kung bakit ang mga umaasam na ina ay palaging sinusuri para sa gestational diabetes. Karaniwang sinusuri ang mga ito kapag sila ay nasa ika-24 hanggang ika-28 linggo ng pagbubuntis. Ngunit kahit na ang isang babae ay nagpaplano lamang na magbuntis, ipinapayo na basahin niya kung paano maiwasan ang gestational diabetes sa pagbubuntis.

Mga Karaniwang Sintomas ng Gestational Diabetes

Kapag ang isang ina ay may gestational diabetes, maaaring madalas siyang magutom. Kaya siya ay kakain ng marami. Maaari rin siyang makaramdam ng kakaibang uhaw o tuyong bibig, at mas madalas umihi kaysa sa karaniwan. Maaari rin siyang makaranas ng pagduduwal, malabong paningin, paghilik, at pagkapagod.

Diagnosis

Kung ikaw ay higit sa 35 taong gulang sa oras ng pagbubuntis, sobra sa timbang, o may family history ng diabetes, maaaring piliin ng iyong doktor na mag-screen para sa gestational diabetes sa iyong unang pagbisita. Ito ay para siguruhin na ikaw at ang sanggol ay malusog. Isa rin ito sa mga paraan kung paano maiwasan ang gestational diabetes sa pagbubuntis. 

Kung nasa average risk ng gestational diabetes, malamang na magkakaroon ka ng screening test sa pagitan ng 24 at 28 na linggo ng pagbubuntis.

Routine screening para sa gestational diabetes

Mayroong iba’t ibang screening test depende sa iyong healthcare provider. Kabilang dito ang:   

  • Initial glucose challenge test

Sa test na ito, iinom ka ng syrupy glucose solution. Makalipas ang isang oras, magkakaroon ka ng pagsusuri sa dugo para masukat ang antas ng iyong asukal sa dugo. Ang blood sugar level na 190 milligrams kada deciliter (mg/dL), o 10.6 millimoles kada litro (mmol/L) ay nagpapahiwatig ng gestational diabetes.

  • Follow-up glucose tolerance testing

Ang test na ito ay katulad ng naunang test, pero dito ang matamis na solusyon ay magkakaroon ng mas maraming asukal. Susuriin ang iyong blood sugar bawat oras sa loob ng tatlong oras. Kung may dalawa sa blood sugar readings na mas mataas kaysa sa inaasahan, ikaw ay masusuri na may gestational diabetes.

Paano Maiwasan ang Gestational Diabetes sa Pagbubuntis

Mayroong iba’t ibang paraan ng paghandle ng gestational diabetes habang buntis. Isa sa mga mas mahalagang bagay ay ang sapat na nutrisyon para sa iyo at sa iyong sanggol. Maraming resources online ang nag-aalok ng best meals plans para sa mga ina na may gestational diabetes. 

Mga Pagbabago sa Pamumuhay para Iwasan ang Gestational Diabetes sa Pagbubuntis

Ang isa pang paraan kung paano maiwasan ang gestational diabetes ay ang regular na ehersisyo. Ito ay lubos na inirerekomenda dahil makakatulong na panatilihing kontrolado ang blood sugar. Pinapababa ng pag-eehersisyo ang iyong asukal sa dugo. Higit dito, makakatulong ito na mawala ang ilang karaniwang discomfort habang nagbubuntis. Sa pag-apruba ng iyong doktor, mag ehersisyo ng 30 minutong moderate exercise madalas sa buong linggo.  

Kung mayroon kang gestational diabetes, maaaring kailanganin mo ang pagmo-monitor ng iyong blood sugar. At kung kinakailangan, maaaring payuhan ng iyong doktor na magtake ng insulin. Kung ang kondisyon ay nasa mas mapanganib na bahagi, ang iyong doktor ay maaaring magreseta ng iba pang gamot para sa iyo at sa iyong sanggol.

Bagama’t karaniwang nawawala ang gestational diabetes pagkatapos manganak, kung minsan, maaari itong maging paulit-ulit o maging Type 2 Diabetes. Magpakonsulta sa iyong doktor para mamonitor ang iyong kalusugan. 

Ano ang mga Epekto ng Gestational Diabetes?

Kung na-diagnose ka na may gestational diabetes sa pagbubuntis, magkakaroon ng mga posibleng epekto sa sanggol at sa iyong pagbubuntis.

Ang iyong sanggol ay maaaring nasa mas mataas na panganib ng:

  • Labis na timbang ng kapanganakan. Maaaring lumaki ang sanggol kaysa sa normal. Maaaring mangahulugan na kailangan mong sumailalim sa induced labor o ipanganak ang iyong sanggol sa pamamagitan ng cesarean section.
  • Maagang (preterm) panganganak. Maaari ka ring magkaroon ng premature birth, na karaniwang nangyayari bago ang ika-37 linggo ng pagbubuntis. Ang mataas na blood sugar ay maaaring magpataas ng risk sa maagang panganganak. O maaaring magrekomenda ang mga doktor ng maagang panganganak dahil malaki ang sanggol.
  • Malubhang hirap sa paghinga. Ang mga sanggol na ipinanganak nang maaga sa mga ina na may gestational diabetes ay maaaring makaranas ng respiratory distress syndrome. 
  • Mababang blood sugar (hypoglycemia). Minsan ang mga sanggol ng mga ina na may gestational diabetes ay may mababang blood sugar (hypoglycemia) ilang sandali pagkatapos ng kapanganakan. Sa mga malalang kaso, maaari itong maging sanhi ng mga seizure sa sanggol. Ang maagap na feeding o isang intravenous glucose solution ay maaaring kailanganin para maibalik sa normal ang blood sugar level ng sanggol. 
  • Obesity at type 2 diabetes. Ang mga sanggol ng mga ina na may gestational diabetes ay may higher risk ng obesity at type 2 diabetes sa paglipas ng panahon. 
  • Stillbirth. Ang hindi ginagamot na gestational diabetes ay maaaring magresulta sa pagkamatay ng isang sanggol bago man o ilang sandali pagkatapos ng kapanganakan.

Maaari ding magkaroon ng polyhydramnios ang mga babaeng may gestational diabetes. Isa itong kondisyon na mayroong masyadong maraming amniotic fluid sa sinapupunan, o pre-eclampsia, isang kondisyon na tumataas ang blood pressure. Ito ay maaaring mauwi sa high blood pressure. Ang lahat ng ito ay hindi mabuti para sa iyong pagbubuntis.

Ang isa pang potensyal na komplikasyon ay jaundice sa mga sanggol. Ilang mga sanggol ang nagkakaroon ng low blood sugar o paninilaw ng balat pagkatapos ipanganak. Maaari itong mangailangan ng paggamot sa ospital.

Key Takeaways

Kung ikaw ay na-diagnose na may gestational diabetes, maaari mo pa ring i-enjoy ang pagbubuntis. Maaaring kailangan mo lang na maging mas maingat sa iyong kinakain at ginagawa.
Sundin ang mga pangkalahatang tuntunin at tip sa kung paano maiwasan ang gestational diabetes sa pagbubuntis. At laging kumunsulta sa iyong doktor. Sa pamamagitan ng pagsunod sa payo, maaaring magkaroon ng isang ligtas at normal na pagbubuntis.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Gestational Diabetes https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/gestational-diabetes/symptoms-causes/syc-20355339, Accessed 11 May 2020

Overview: Gestational Diabetes https://www.nhs.uk/conditions/gestational-diabetes/, Accessed 11 May 2020

Gestational Diabetes and Pregnancy https://www.cdc.gov/pregnancy/diabetes-gestational.html, Accessed 11 May 2020

Gestational Diabetes and a Healthy Baby? Yes https://www.diabetes.org/diabetes/gestational-diabetes, Accessed 11 May 2020

How Gestational Diabetes Can Impact Your Baby https://www.diabetes.org/diabetes/gestational-diabetes/how-will-this-impact-my-baby, Accessed 11 May 2020

Gestational Diabetes https://www.niddk.nih.gov/health-information/diabetes/overview/what-is-diabetes/gestational, Accessed 11 May 2020

Risk factors for gestational diabetes mellitus in a sample of pregnant women diagnosed with the disease https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4653418/, Accessed 11 May 2020

Gestational diabetes, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/gestational-diabetes/diagnosis-treatment/drc-20355345, Accessed 30 October 2020

Gestational diabetes, https://www.diabetesaustralia.com.au/about-diabetes/gestational-diabetes/, Accessed July 26, 2020

 

Kasalukuyang Version

04/11/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Safe Motherhood Week? Bakit Natin Ito Iginugunita?

Pagbabago ng Katawan Pagkatapos Manganak, Alamin Dito Kung Ano Ang mga Ito


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement