Ang Philippines Foundation for Vaccination (PFV) ay nagpalabas ng isang espesyal na webinar, “Bakuna Para sa Buntis: Mga Kasalukuyang Kasanayan, Mga Hamon, at Practices.” Isinagawa ang webinar noong Hunyo 9, 2021 — at sakop ng webinar, ang ligtas na bakuna para sa mga buntis. Maging ang mga bakuna na hindi nirerekomenda, para sa kanila. Nilalayon nitong magbigay ng mga mapagkukunan at impormasyon, hindi lamang sa mga healthcare professionals, kundi pati na rin sa simpleng mga tao.
Kasama sa mga tagapagsalita, ang ilang kilalang doktor na may mga espesyalisasyon sa larangan ng obstetrics, gynecology, at public health, gayundin ang mga pro-bakuna na ina.
Kung sakaling napalampas mo ito, o gusto mo ng recap. Tatalakayin ng artikulong ito ang highlights at mahahalagang takeaways mula sa webinar.
Ligtas ba ang mga bakuna para sa buntis?
Oo! Tulad ng nabanggit ng mga nagsasalita, ang pagbabakuna ay hindi lamang ligtas sa panahon ng pagbubuntis. Ang pagiging bakunado ay nakakabawas sa risk ng sakit sa ina. Ito rin ay nag-aalok ng mga benepisyo para sa mga bata sa sinapupunan.
Bukod pa rito, pansamantalang pinoprotektahan ng immunity ng ina ang kanyang anak pagkatapos ng kapanganakan. Mahalaga ito, sapagkat ang unang buwan ng sanggol ay kritikal para sa paglaki at pag-unlad.
Gayunpaman, mahalagang tandaan na hindi lahat ng bakuna ay pwedeng ibigay sa panahon ng pagbubuntis.
Ano ang mga inirerekomendang bakuna para sa buntis?
Si Dr. Desiree Valles-Pampolina ay binalangkas ang mga inirerekomendang bakuna sa mga buntis. Para sa karagdagang pag-iingat, karamihan sa mga OB-GYN ay mas gustong magbigay ng bakuna sa ikalawa at ikatlong trimester.
Kabilang sa highly recommended vaccines ang taunang bakuna sa trangkaso (flu). Maging ang kumbinasyong tetanus-diphtheria-pertussis na bakuna (Td/TDaP). Habang ang iba pang mga bakuna ay pwedeng ibigay, depende sa kasaysayan ng pagbabakuna ng ina at current risk factors.
Idinagdag ni Dr. Daphne Policarpo na ang mga buntis ay dapat lamang tumanggap ng mga inactivated na uri bakuna, hindi live vaccines. Ipinaliwanag din niya na ang dalawang highly recommended na bakuna (influenza at Td) ay makukuha nang libre sa health centers ng gobyerno.
Influenza vaccine
Ang bakuna laban sa trangkaso ay hindi lamang inirerekomenda para sa mga buntis, subalit ito ay para sa lahat–lalo sa mga nasa mataas na panganib ng exposure. Dahil may iba’t ibang laganap na strain ng trangkaso sa bawat panahon at taon, ang pag bigay sa bakunang ito ay nangangailangan ng taunang dose.
Bakuna para sa buntis: Td/TDap vaccines
Ang isa pang mahalagang bakuna para sa buntis ay ang tetanus-diphtheria vaccine (Td), at ang tetanus-diphtheria-pertussis vaccine (TDaP). Habang ang DTaP ay bahagi na ng National Immunization Program para sa mga bata, ang mga babae ay dapat makakuha ng dose ng TDaP tuwing siya ay nagbubuntis.
Dapat itong ibigay sa panahon ng ika-27 linggo ng pagbubuntis hanggang sa ika-36 na linggo. Gayunpaman, pwede pa ring matanggap ng mga ina ang dose bago ilabas mula sa ospital.
Ang bawat isa ay dapat makatanggap ng booster shot ng Td vaccine kada 10 taon.
Mga karagdagang bakuna para sa buntis
Hepatitis A at B
Para sa mga ina na may mataas na risk na exposure sa hepatitis A (HAV), o hepatitis B (HBV) na mga virus, sinasabi na nararapat silang magpabakuna.
Ang bakuna sa hepatitis A (HepA) ay isang inactivated na bakuna na ligtas para sa buntis. Kasama sa high-risk exposure ang paglalakbay sa mga bansa kung saan endemic ang nasabing virus, pagkakaroon ng malalang sakit sa atay, at pagiging healthcare worker. Ibinibigay ang bakuna sa 2 magkahiwalay na dose, na nasa 6 hanggang 18 buwan ang pagitan.
Habang ang bakuna sa hepatitis B (HepB) ay ibinibigay sa mga buntis kung hindi pa siya nabakunahan dati — o mababa ang bilang ng kanyang antibody (anti-HBs). Makukuha ang bakuna sa 3 dose — 1 hanggang 2 buwan pagitan para sa pangalawang dose at 4 hanggang 6 na buwan para sa ikatlong dose.
Rabies
Ang mga bakuna sa rabies ay hindi karaniwan. Gayunpaman, kung sakaling ang isang buntis ay nakagat ng aso, pusa, o iba pang mga nahawaang hayop. Ligtas siyang makakatanggap ng bakunang ito. Dapat ibigay ito sa lalong madaling panahon, dahil ang impeksyon ng rabies ay mabilis na kumalat at nag babanta sa buhay.
Bakuna para sa buntis: Ligtas ba ang COVID-19 vaccine para sa kanila?
May limitadong pang data sa ganap na kaligtasan ng bakunang ito sa unang trimester ng pagbubuntis. Gayunpaman, ang buntis ay pwede pa ring mabakunahan. Ang mga bakunang MRNA-type na COVID ay maaaring ialok sa buntis at nagpapasusong kababaihan. Maaari kang mag-avail ng bakuna kung ikaw ay bahagi ng kasalukuyang priority group (halimbawa A3, A4).
Tulad ng ibang mga bakuna, pinakamahusay na makuha ito pagkatapos ng unang trimester. Bukod pa rito, kung mag papabakuna laban sa COVID, maghintay ng hindi bababa sa 14 na araw bago at pagkatapos makakuha ng isa pang naunang ibang bakuna.
Bakuna para sa buntis: Mga dapat iwasan
Bukod sa mga bakunang inirekomenda sa itaas, huwag kalimutan ng mga buntis ang mga bakuna na dapat namang iwasan habang nagdadalang-tao. Karamihan sa mga bakunang ito ay live vaccines na pwedeng makapinsala sa lumalaking fetus, kaya naman ang mga ito ay contraindicated sa panahon ng pagbubuntis.
Narito ang isang listahan ng mga bakuna na dapat iwasan sa panahon ng pagbubuntis:
- Chickenpox (varicella zoster, VZV)*
- Pneumococcal (PCV, PPSV)
- Tigdas, beke, rubella (MMR)*
- Human papillomavirus (HPV)
- Polio (OPV*, IPV)
- Dengue*
- Yellow fever*
(*) = live na bakuna sa virus
Ligtas ba ang mga bakuna habang nagpapasuso?
Oo, karamihan sa mga bakuna ay ligtas para sa babaeng nagpapasuso. Dahil ipinanganak na ang sanggol, mas mababa ang risk na mapinsala, kaysa sa pagpapabakuna sa panahon ng pagbubuntis. Bilang karagdagan, maraming bakuna ang pwedeng makatulong sa nursing child. Sapagkat, ang antibodies sa loob ng gatas ng ina ay nagbibigay ng passive immunity sa sanggol.
Kapansin-pansin, ipinakita ng ilang pag-aaral na ang mga babaeng nakatanggap ng bakuna sa mRNA COVID-19 habang nagpapasuso ay nag-bigay ng kahit paanong kaligtasan sa virus sa kanilang mga anak.
Mag-double check sa’yong doktor bago magpabakuna o uminom ng mga gamot.
Question and Answer Portion
Maaari bang magdulot ng mga problema sa fertility ng kababaihan ang bakuna laban sa COVID (o anumang bakuna)?
Sagot: Kinover ni Dr. Rosalina Roque-Tan ang impormasyong ito sa kanyang presentasyon. Kung saan, walang katibayan ngayon ang nagsasabi na walang anumang bakuna ang pwedeng mag-prevent at makapinsala sa pagbubuntis, kabilang ang COVID-19 vaccine. Sa ngayon, ang pregnancy test ay hindi kinakailangan bago tumanggap ng bakuna.
Kung hindi nakumpleto ng isang buntis ang kanyang Td vaccine sa kanyang nakaraang pagbubuntis. Ano ang dapat niyang matanggap sa kanyang kasalukuyang pagbubuntis? Td o TDaP?
Sagot: Sa mga pribadong klinika at ospital, mas gusto ng mga doktor na magbigay ng TDaP, dahil nag-aalok ito ng mas maraming sakop. Makikita sa ilang mga kaso, ang Td ay pwedeng ibigay para sa unang dalawang dose sa series. Habang ang TDaP ay maaaring ibigay sa huling dose. Mapapansin din na ang mga pampublikong klinika, ospital, at ang ilang doktor ay nagbibigay ng tetanus toxoid (TT) vaccine sa dalawang dose, sa halip, lalo na kung ang mga supply ng iba pang mga bakuna ay limitado.
Bilang kahalili, kung isa o dalawang dose lamang ang nakumpleto sa unang pagbubuntis, ang natitirang mga dose ay pwedeng ipagpatuloy sa kasalukuyang pagbubuntis.
Maaari pa bang mabakunahan ang isang ina na gumaling mula sa impeksyon sa COVID-19?
Sagot: Oo, ito ay posible at inirerekomenda. Gayunpaman, batay sa kasalukuyang mga alituntunin, dapat siyang maghintay hanggang siya ay ganap na gumaling o maging asymptomatic. Ito ay karaniwang nasa loob ng 10 hanggang 14 na araw pagkatapos ng unang siyang na diagnose.
Makakatanggap ba ng mga bakuna sa COVID-19 ang mga buntis na may hypertension?
Sagot: Oo, ang mga babaeng may hypertension o preeclampsia (high blood pressure sa panahon ng pagbubuntis) ay tiyak na makikinabang. Sa pagtanggap ng bakuna sa COVID-19, ang hypertension ay isa sa comorbidities na pwedeng magpataas ng risk at kalubhaan ng impeksyon sa COVID.
Ano ang mangyayari kung ang isang babae ay mabakunahan, ngunit hindi niya alam na siya ay buntis?
Sagot: Hindi na kailangang mag-alala, dahil ang karamihan sa mga bakuna ay walang panganib sa panahon ng pagbubuntis, kahit sa unang tatlong buwan. Gayunpaman, mas gusto ng karamihan sa mga doktor na magbigay ng mga pwedeng bakuna, sa ikalawa o ikatlong trimester–bilang karagdagang pag-iingat. Pwedeng maghintay ang isang babae hanggang sa ikalawang trimester para matanggap ang mga susunod na dosis ng kanyang bakuna. Maaari rin siyang magpasyang maghintay hanggang pagkatapos ng panganganak.
Mayroon bang anumang pag-aaral tungkol sa masamang epekto sa mga sanggol, kapag ang isang ina ay nakatanggap ng bakuna?
Sagot: Kulang pa ang mga pag-aaral na ginawa tungkol sa mga ganap na epekto ng mga bakuna sa mga buntis at kanilang mga anak. Karamihan sa mga rekomendasyon ay ginawa batay sa teoretikal na kaalaman. Subalit sa ngayon, walang malalaking masamang epekto ang naiulat sa mga kasong ganito.
Maaari bang bakunahan ng HPV ang mga buntis?
Sagot: Hindi, ang bakunang ito ay kontraindikado sa parehong mga buntis at nagpapasuso. Kung ang isang babae ay nabuntis, bago pa makumpleto ang lahat ng mga dose, dapat siyang maghintay hanggang pagkatapos ng panganganak upang matanggap ang bakuna.
Bagama’t ang HPV vaccines ay hindi isang live vaccine, hindi ito mainam para sa mga buntis na kababaihan. Ito’y dahil ang bakuna ay pinakamahusay na gumagana, bago ang unang pakikipag-sex (coitarche). Samakatuwid, ang HPV vaccine ay hindi nagbibigay ng malaking proteksyon para sa mga buntis.
Kung ang isang babae ay may abortion o miscarriage, dapat pa ba niyang ipagpatuloy ang kanyang Td/TDaP vaccines?
Sagot: Kung gugustuhin niya, pwede naman. Ang pangunahing layunin ng pagtanggap ng Td/TDaP vaccine sa panahon ng pagbubuntis ay para mag-alok ng proteksyon, lalo sa mga bagong silang na sanggol, na hindi makakatanggap ng mga bakunang ganito hanggang 2 buwan ang edad. Kung pipiliin niyang hindi kumpletuhin ang lahat ng mga dose, wala rin namang pinsala.
Key Takeaways
Para sa karagdagang impormasyon sa mga bakuna, makipag-usap sa’yong doktor at bisitahin ang Philippine Foundation for Vaccination sa http://www.philvaccine.org/.
Matuto pa tungkol sa Iba Pang Mga Paksa sa Mothercare dito.