Karaniwan para sa mga babae na makaranas ng pagbabago-bago ng mga mood at sensitibidad. Ang postpartum psychosis ay hindi karaniwan (0.2%), ngunit mayroong 50% panganib ng pangyayari sa susunod na pagbubuntis kung ito ay naranasan sa nakalipas na pagbubuntis. Sa maraming pagkakataon, ito lamang ay simpleng epekto ng panganganak. Para mapag-iba ito sa iba pang mga karamdaman, kailangan mong bantayan ang mga sintomas ng postpartum psychosis.
Ang Iba’t Ibang mga Sintomas ng Postpartum Psychosis
May tatlong postpartum psychiatric illness:
- Postpartum blues
- Postpartum depression
- Sa pinakamalalang anyo nito, postpartum psychosis
Bagaman ang naunang dalawa ay pangunahin nang karaniwan sa mga ina, ang ikatlo ay mas bihira. Nangyayari lamang ito sa 2 sa kada 1000 babaeng nanganganak.
Maaari mong madaling makita ang mga sintomas ng karamdamang ito dahil nakikita ito sa mas dramatikong aspekto, kung saan maaaring ma-trigger ang mga kababaihan matapos pa lamang ang 48 hanggang 72 oras matapos manganak. Para matukoy kaagad, narito ang ilang mga senyales at sintomas na maaari mong bantayan:
- Delusions o mga hindi karaniwang paniniwala
- Hallucinations (pagkakita o pagkarining ng mga bagay na wala naman talaga)
- Pagkaramdam ng sobrang pagka-irita
- Hyperactivity
- Mababang pangangailangan o kawalang-kakayahang matulog
- Paranoia at pagiging mapagduda
- Mabilisang mood swings
- Kahirapan sa pakikipag-usap kung minsan
Ang panganib ay tumataas para sa mga inang nakaranas ng mga problema sa mental na kalusugan, gaya ng bipolar disorder, schizophrenia, at mismong postpartum psychosis.
Ano-ano ang mga Sanhi ng Postpartum Psychosis?
Halimbawa na ikaw o isang miyembro ng iyong pamilya ay na-diagnose na may bipolar disorder o ang baryasyon nito. Sa ganitong lagay, kahit pa saglit mo lamang itong naranasan, maaari ka pa ring maging hantad sa pagkakaroon ng postpartum psychosis.
Gaya ng iba pang karamdamang postpartum, isa sa mga pinakadahilan at trigger ng postpartum psychosis ay ang hormonal imbalances at ito ay nagbabago pagkapanganak. Maari ding magkaroon ka nito kung:
- Nakaranas ka ng matitinding mood swings sa panahon ng iyong pagbubuntis.
- Huminto ka sa pag-inom ng psychiatric medication sa panahon ng pagbubuntis.
Ang eksaktong dahilan nito ay hindi pa nalalaman. Ang taas-babang lebel ng mga hormones ay ang maaaring nangungunang dahilan ngunit maaaring marami pang ibang salik gaya ng pangkapaligiran, bayolohikal, at genetic. Ito ang dahilan kung bakit mahalagang masubaybayan at maalagaan ang isang babae matapos manganak.
Panggagamot at Paghingi ng Tulong
Itinuturing na isang medical emergency ang postpartum psychosis dahil na rin sa panganib na dulot nito sa ina at sa kanyang anak. Kapag nagpakita na ang isang ina ng mga sintomas ng postpartum psychosis at mga kabanata nito, inirerekomendang dalhin agad sila sa mga emergency center at ospital. Ang pagsasaayos ng mood ng ina ang pangunahing layunin para maiwasan ang panganib na maaaring idulot nito sa kanya at sa kanyang anak.
Ang mga gamot para sa postpartum psychosis ay nakapagpapababa ng tendensiya ng depression at nakatutulong na maisaayos ang mood ng ina, na sa kabuoan ay nakapagpapababa ng psychosis. Ang mga antibiotics at mood stabilizers ay nakatutulong para maiwasan ang hallucinations at manic episodes, na makatutulong nang mainam.
Key Takeaways
Sa kabila ng tyansa ng postpartum psychosis na mangyari sa bawat pagbubuntis at panganganak, hindi ka nito dapat na hadlangan sa pagkakaroon ng anak. Isipin na lamang na isa itong bagay na dapat mong paghandaan, at isaalang-alang na maraming mga doktor ang handang tumulong at gumabay sa iyo sa kabuoan ng prosesong ito.
Ang postpartum psychosis ay hindi nangangahulugan na ito ay magiging depresyon o mismong psychosis. Gayunpaman, nangangahulugan itong kailangan mo pa ring maging malay sa mga sintomas ng postpartum psychosis para malaman kung anong klaseng tungkol ang maaari mong kailanganin.
Matuto ng higit pa ukol sa Pangangalaga sa Ina dito.
[embed-health-tool-ovulation]