Ang panganganak ay isang masayang pangyayari. Matapos ang tinatayang siyam na buwan, sa wakas ay maaari mo nang mahawakan ang iyong sanggol, makita ang kanilang pagkakahawig sa iyo (o sa iyong kapareha), at makipaglaro sa kanila. Ngunit, kagaya ng kung paanong isang masayang pangyayari ang panganganak, ito rin ay nakaka-stress sa pisikal at mental na aspekto. Kaya naman ang mga ina ay madalas na nag-aalala tungkol sa binat sa panganganak. Narito ang mga kailan mong malaman tungkol sa kung paano maiiwasan ang binat.
Ano Ang Binat Sa Panganganak?
Ang pinakamalapit na salin sa binat ay ang relapse.
Ito ay nangyayari kung ang iyong pagkakasakit ay “bumabalik” habang ikaw ay nasa kalagitnaan pa ng pagre-recover. Tandaan na sa mga karamihan ng mga kaso, ang karamdaman ay hindi bumabalik sa kung paano ito dati— ang binat ay indikasyon na ikaw ang nakare-recover nang maayos, ngunit may sagabal sa iyong pagre-recover at ngayon ay nakararanas kang muli ng mga sintomas. Mayroon pa ring panganib na ang simpleng binat ay maaaring magtuloy sa mga seryosong komplikasyon.
Ngayon, ang binat sa panganganak ay mayroong halos kaparehong konsepto, bagaman wala itong espesipikong salin sa ingles o terminong medikal. Ang panganganak, kung tutuusin, ay isang mabigat na kaganapan at isang pangunahing operasyon, lalo na kung nanganak ka sa pamamagitan ng C-section. Depende sa kung ano ang nagpahinto sa iyong pagre-recover, maaari kang makaranas ng iba’t ibang komplikasyon, gaya ng impeksyon, hemorrhoids, pagdurugo, at maging depresyon.
Paano Maiiwasan Ang Binat?
Binat Sa Panganganak: Pag-Iwas
Ang mga kasabihan kung paano maiiwasan ang binat sa panganganak ay marami; mula sa pag-iwas na gupitin ang iyong kuko at buhok hanggang sa pagpapaliban ng paliligo. Ngunit anong mga gawain ang kailangan mong isakatuparan para maiwasan ang relapse at mapadali ang iyong recovery?
Huwag Magmadali
Una sa listahan ng mga tips para maiwasan ang binat sa panganganak ay huwag magmadali.
Hindi gaya ng mga karaniwang karamdaman, gaya ng trangkaso, ang panganganak ay nangangailangan ng higit pa sa ilang araw na recovery. Sa katunayan, maraming mga ina ang nangangailangan ng 6 hanggang 8 linggo bago sila makaramdam ng ginhawa.
Pagkatapos manganak, iwasan ang mga mabibigat na ehersisyo at gawain. Huwag magbuhat ng mabibigat na mga bagay at iwasan ang pagpupuyat. Ito ang dahilan kung bakit kailangan mong planuhin ang iyong maternity leave.
Syempre pa, kakailanganin mong gumalaw nang dahan-dahan. Tanungin mo ang iyong doktor tungkol sa mga angkop na gawaing pisikal habang ikaw ay nagre-recover. Maaari nilang irekomenda ang paglalakad-lakad, paglabas-labas, ilang mga pelvic floor exercises, at abdominal stretches.
Maging Maingat Sa Paliligo
Sunod, maging maingat kapag naliligo.
May mga taong maaaring magsabi sa iyo na huwag kang maliligo o magbababad pagkatapos manganak sapagkat ito ay maaaring magdulot ng pagkabinat. Ngunit ang totoo ay, kakailanganin mong maligo kaagad.
Nakatutulong ang paliligo para mapanatiling malinis ang iyong katawan at sugat. Kausapin mo ang iyong doktor ukol dito. Kailangan mong isaalang-alang ang uri ng sugat na mayroon ka at mga tahi, glue, at staples na ginamit dito. Matuto ng higit pa ukol sa paliligo matapos manganak dito.
Kumain Ng Masusustansyang Pagkain
May mga taong maaaring magsabi sa iyo na iwasan ang isda at karne dahil ang mga ito ay malalansa. Ang totoo ay, ang lean meat, gaya ng baka, manok, matatabang isda, at itlog ay ilan sa mga iminumungkahing pagkukunan ng protina.
Syempre, ikaw ay nagpapadede, maaari mong naising iwasan ang ilang mga uri ng isda dahil sa mercury content ng mga ito.
Bukod sa mga masusustansyang pinagmumulan ng protina, kailangan mo rin ng carbohydrates, fiber, iron, at masusustansyang fats.
Pangalagaan Ang Iyong Mental Na Kalusugan
Sa huli, pangalagaaan ang iyong mental na kalusugan. Huwag mag-alinlangang humingi ng tulong kung iyong kailangan at subaybayan kung ano ang iyong nararamdaman araw-araw. Gayundin, maging maalam sa mga sintomas ng baby blues at postpartum depression (mood swings, pagkabahala, pagka-overwhelmed, at iba pa) para hindi labis na mag alala.
Huwag Maniwala Sa Mito
Dahil ang binat ay isang popular na konsepto sa kulturang Pilipino, maaari kang makarinig ng mga mito. Sa katunayan, ang mga mitong ito ay hindi kapaki-pakinabang, sa halip ay minsan, maaaring maging mapanganib pa nga.
Halimbawa, ang ilang mga tao ay nagpapayo para sa mga baguhang ina na huwag gupitin ang kanilang kuko matapos manganak. Walang siyentipikong ebidensya para dito.
Ang totoo, ang paggugupit sa iyong kuko ay makapagpapanatiling malinis sa iyong kamay— isang mahalagang bahagi ng pag-iwas sa impeksyon, lalo na kung iyong mahahawakan ang iyong sugat.
Kung ikaw ay may agam-agam ukol sa ilang mga tradisyon, pinakamainam na makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa mga ito.
Key Takeaways
Ang binat sa panganganak ay nangangahulugang kailangan mong danasing-uli ang ilan sa iyong mga sintomas o makaranas ng mga bagong sintomas sa gitna na iyong pagre-recover.
Magbantay nang maigi sa mga senyales na hindi ka nagre-recover nang tama. Halimbawa, subaybayan ang histura ng iyong sugat, ang dami ng iyong vaginal discharge, ang iyong timbang, at ang iyong nararamdamang pananakit ng katawan.
Ang pakikipagtulungan sa iyong doktor may kinalaman sa mga aspektong ito, gaya ng nutrisyon, ehersisyo, hygiene, at pangangalaga sa sugat, at mental na kalusugan ay makatutulong na maiwasan ang binat sa panganganak.
Matuto ng higit pa ukol sa Postpartum Disorder dito.
[embed-health-tool-ovulation]