Isa sa pinakamahirap na bagay na kailangang harapin ng isang magulang ay ang pagdadalamhati sa pagkawala ng kanilang hindi pa isinisilang na anak. Ang mga pagkalaglag ng mga sanggol sa sinapupunan ay nakakaapekto sa maraming mag-asawa sa buong mundo, kaya mahalagang makahanap ng tamang suporta. At kaya narito ang gabay sa mga dapat gawin kung nakunan upang gawing mas madali ang pagtanggap nito.
Ano Ang Pagkakunan (Miscarriage)?
Ang miscarriage ay isang insidente na nagmamarka ng pagtatapos ng pagbubuntis, kung saan ang fetus sa sinapupunan ng ina ay hindi umabot sa hustong gulang upang maisilang. Nangyayari ito sa loob ng unang 20 linggo ng pagbubuntis.
Ipinakita ng isang pag-aaral na humigit-kumulang 10 hanggang 20 porsiyento ng mga kilalang pagbubuntis ay nagtatapos sa pagkakunan. Sa kasamaang palad, ang katotohanan ay ang aktwal na bilang ay malamang na mas mataas kaysa sa kung ano ang nakatala. Sa maraming kaso, masyadong maaga ang mga miscarriage para malaman ng isang babae na buntis siya.
Ano Ang Mga Sintomas Ng Pagkakunan?
Ang mga palatandaan ng pagkakunan ay maaaring kabilang ang:
- Pagdurugo nang marami; karaniwang nagsisimula sa magaan at pagkatapos ay umuusad sa isang mabigat na pagdurugo
- Sakit sa ibabang likod
- Matinding cramp o pananakit ng tiyan
- Fluid o tissue na dumadaan mula sa iyong ari
- Ang pangkalahatang kahinaan sa katawan
- Mataas na lagnat kasama ng lahat ng mga paghihirap sa itaas
Tandaan na ang pagdurugo sa unang trimester ay hindi nangangahulugang ito ay isang pagkakunan. Laging ipinapayong kumonsulta sa iyong doktor kung nagsimula kang makaranas ng alinman sa mga palatandaan at sintomas sa itaas.
Ano Ang Nagiging Sanhi Ng Pagkakunan?
Ang pagkakunan/pagkalaglag ay kadalasang nangyayari dahil sa:
- Mga abnormal na gene o chromosome
- Mga kondisyon sa kalusugan ng ina (ang umaasang ina ay dumaranas ng ilang partikular na sakit sa kalusugan tulad ng hindi nakokontrol na diabetes, mga impeksyon, mga problema sa hormonal, mga problema sa matris o cervix, o sakit sa thyroid.)
- Hindi wastong pagtatanim ng itlog sa lining ng matris
Karamihan sa mga pagkakunan ay pinaniniwalaang nangyayari dahil sa chromosomal abnormality — na nangangahulugan na may mali sa mga chromosome ng sanggol.
Ang mga chromosome na ito ay sanhi ng mga pagkakamali sa cell division o paghahati-hati ng mga selyula kapag nasa embryonal stage pa lamang. Pinipigilan nito ang isang sanggol mula sa normal na paglaki at pag-unlad nito. Ang mga ito ay hindi nauugnay sa mga genetic na problema ng ina.
Ano Ang Mga Panganib Na Nagpapataas Ng Mga Pagkakataon Ng Pagkakunan?
Ang iba’t ibang mga kadahilanan ay maaaring magpataas ng panganib ng isang babae na dumaan sa pagkakunan. Ang panganib ay mas mataas sa mga kababaihan na:
- Mahigit sa 35 taong gulang
- Nagkaroon ng dalawa o higit pang magkasunod na pagkakunan
- Paninigarilyo, pag-inom ng alak, at paggamit ng droga sa panahon ng pagbubuntis
- Kulang sa timbang o sobra sa timbang
- Nagkaroon ng ilang invasive prenatal genetic na pagsusuri, tulad ng chorionic villus sampling, at amniocentesis
Paano Mag-Diagnose Ng Pagkakunan?
Maraming mga pagsubok na isasagawa upang matukoy ang pagkakunan.
Ang mga doktor ay karaniwang nagsasagawa ng pelvic exam upang masuri kung ang iyong cervix ay nagsimulang lumaki. Kapag huminto ito sa pagdurugo, maaari mong ipagpatuloy ang iyong mga nakagawiang gawain.
Kung ang cervix ay dilat, maaari kang magkaroon ng incompetent cervix. Sa ganoong sitwasyon, kailangang magsagawa ng pamamaraan upang isara ang cervix – na kilala bilang cerclage, kung naaangkop pa rin ang pagbubuntis.
Ang isang pagsusuri sa ultrasound ay karaniwang ginagawa kung mayroong alinmang mga sintomas ng pagkakunan. Nakakatulong ito sa pagtukoy kung ang pagbubuntis ay buo at kung mayroong anumang tibok ng puso ng sanggol.
Ang mga pagsusuri sa dugo ay isinasagawa upang matukoy ang antas ng hormone ng pagbubuntis — HCG sa iyong dugo upang suriin ang pag-unlad ng pagkakunan, suriin ang posibilidad ng anemia, at uri ng iyong dugo.
Kung naipasa mo ang fetal tissue mula sa iyong ari, dapat mong dalhin ito sa ospital para sa pagsusuri sa pamamagitan ng mga tissue test.
Kung sumailalim ka sa 2 o higit pang mga miscarriage sa nakaraan, ikaw at ang iyong partner ay kailangang sumailalim sa mga chromosomal test.
Uri Ng Miscarriage
Pagkatapos makumpleto ang mga test na ito, maaaring sumailalim ang iyong kondisyon sa isa sa mga kategoryang ito:
- Threatened miscarriage. Nangyayari ito kapag ikaw ay dumudugo ngunit ang iyong cervix ay hindi pa nagsisimulang magbukas. Kapag ikaw ay dumudugo, may cramping at ang iyong cervix ay bumukas na, ang pagkakunan ay hindi maiiwasan.
- Missed miscarriage naman kapag ang fetus ay patay na ngunit ang placental at embryonic tissues ay nananatili sa matris.
- Complete miscarriage naman kapag ang embryo ay ganap na nawalan ng laman sa matris
- Incomplete miscarriage. Ito ay ang pananatiling hindi kumpleto ng pagkakunan kapag naipasa mo na ang fetus ngunit may ilang bahagi pa ring natitira sa iyong matris.
- Septic miscarriage. Ito ay nangyayari kung ang iyong matris ay nagkakaroon ng impeksiyon
Ano Ang Dapat Gawin Kung Nakunan? Paano Ang Paggamot Para Sa Ina?
Ano ang dapat gawin kung nakunan? Batay sa kung anong kondisyon ang iyong kinakaharap, maaaring bigyan ka ng mga doktor ng kaukulang paggamot. Kasama sa mga available na opsyon ang:
Kung ikaw ay na-diagnose na walang impeksyon, ang iyong doktor ay magpapayo sa iyo na hayaan ang pagkakunan sa natural na pag-unlad. Kung ang pagpapatalsik ay hindi nangyari nang mag-isa, kakailanganin ang mga medikal o surgical na paggamot. Ang paggamot na ito ay karaniwang tinutukoy bilang ang inaasahang diskarte sa pamamahala.
Kapag gusto mong mangyari ang proseso ng pagpapaalis nang mas mabilis, maaari kang uminom ng mga gamot. Maaaring irekomenda ng iyong doktor na ipasok ang gamot sa vaginally dahil sa pagiging epektibo at mas maliit na pagkakataon ng mga side effect. Karamihan sa mga kababaihan ay maaaring ganap na maipasa ang fetus sa loob ng 24 na oras ng medikal na paggamot.
Kung ikaw ay may pagkakunan kasama ng matinding pagdurugo o isang impeksyon, ang surgical treatment ay ang pinakamahusay na pagpipilian. Palalawakin ng iyong doktor ang iyong cervix at aalisin ang tissue mula sa iyong matris.
Ang pamamaraang ito ay tinatawag na dilation & curettage, o mas kilala bilang raspa.
Key Takeaways
Ito ay isang emosyonal na mahirap na panahon. Ang parehong mga magulang ay nangangailangan din ng maraming emosyonal na suporta maliban sa medikal na paggamot. Ang emosyonal na pagpapagaling ay magtatagal, ngunit sa kaunting pagmamahal, pangangalaga, at atensyon ay makakatulong ito sa mag-asawa na mas mabilis na makayanan at hindi mawalan ng pag-asa para sa pagbuo ng kanilang magiging pamilya.
Matuto pa tungkol sa Pag-Aalaga Pagkatapos Manganak dito.
[embed-health-tool-bmr]