backup og meta

Discharge Ng Buntis Sa Third Trimester: Dapat Ba Itong Ipag-alala?

Discharge Ng Buntis Sa Third Trimester: Dapat Ba Itong Ipag-alala?

Ang vaginal discharge ng buntis ay isang normal na pangyayari para sa kababaihan. Sa ikatlong trimester, ang vaginal discharge ng isang buntis ay higit na kapansin-pansin. Kaya, ang pagkakaroon ng kamalayan sa mga uri ng discharge bago manganak ay makakatulong na matukoy kung may pangangailangan bang tumawag ng isang doktor.

[embed-health-tool-ovulation]

Ano ang Vaginal Discharge?

Ang vaginal discharge ay isang fluid na ginagawa ng cervix gland para mapanatiling malinis, basa, at ligtas sa impeksyon ang ari. Masasabi na normal ang vaginal discharge kung ito ay naglalaman ng tubig, bakterya, mucus, at vaginal skin cells. Karaniwan itong malinaw o parang gatas, mayroon o walang subtle (ngunit hindi unpleasant) na amoy. Karamihan sa mga kababaihan ay may vaginal discharge,  pero ito ay mas madalas sa panahon ng pagbubuntis at pagkatapos ng sex.

Paalala rin na kapag bago ang iyong regla at umiinom ka ng birth control pills, tandaan na ang biglaang pagbabago nito sa amoy at hitsura ay maaaring maging dahilan ng iyong pag-aalala.

Vaginal discharge ng buntis

Kapag ang isang babae ay buntis, ang kanyang mga hormones ay nag-aadapt sa mga pagbabago ng kanyang katawan upang siya ay magkaroon ng isang ligtas at malusog na pagbubuntis. Ang pagtaas sa ilang hormones tulad ng estrogen ay nag-trigger sa katawan para pasiglahin ang paggawa ng vaginal discharge ng buntis.

Sa panahon ng pagbubuntis ang vaginal discharge ay sinisigurado nito na ang ari ay nananatiling malinis, basa at ligtas mula sa intrauterine infection ang sinapupunan.

Vaginal discharge ng buntis sa third trimester: Ito ba ay normal?

Oo, ang vaginal discharge ay normal sa ikatlong trimester dahil ang katawan ay gumagawa ng mas maraming vaginal fluid habang ang pagbubuntis ay papalapit sa labor at panganganak. Sa mga huling linggo ng pagbubuntis— ang discharge ay nagbabago din sa consistency habang ang mucus plug ay bumababa sa ari.

Ano ang mga types ng vaginal discharge ng buntis bago mag-labor?

Narito ang ilang uri ng discharge sa babae na maaaring mapansin sa ikatlong trimester o bago manganak:

Malinaw o milky white discharge

Ang isang malinaw o milky discharge na may mild na amoy ay nagpapahiwatig ng leukorrhea kung saan, itinuturing ito na malusog na vaginal discharge sa ikatlong trimester. Makikita na ang pagtaas ng leukorrhea ay normal lalo na habang umuunlad ang pagbubuntis. Gayunpaman, ang biglaang pagbabago sa dami, hitsura, o consistency ng discharge sa ari ay maaaring senyales ng isang impeksiyon.

Maputi, bukol-bukol o lumpy (tulad ng cottage cheese), at walang amoy na discharge

Masasabi na ang ganitong uri ng discharge ay nagpapahiwatig ng yeast infection. Ang mga buntis na kababaihan ay mas madaling kapitan ng yeast infection dahil ang hormonal changes ay maaaring makapagbago sa balanse ng pH ng kanilang vagina.

Dilaw o berdeng discharge

Ang dilaw o berdeng discharge ay kadalasang tanda ng mga sakit na nakukuha sa sex tulad ng chlamydia, trichomoniasis, at gonorrhea. Ang STD sa panahon ng pagbubuntis at bago manganak ay dapat matugunan kaagad dahil ang impeksyon ay nagdudulot ng panganib sa ina at sa sanggol, at kung ang kondisyon ay hindi ginagamot kaagad maaari itong humantong sa mga komplikasyon sa panahon, at pagkatapos ng panganganak.

Gray na discharge

Tandaan na ang kulay abo, matubig na discharge na mabaho at malansa ay karaniwang sintomas ng bacterial vaginosis. Dagdag pa rito, makikita mo kung ang isang buntis ay nakakuha ng bacterial vaginosis sa kanilang ilang buwan o linggo bago manganak. Huwag mo ring kakalimutan na ang kanyang panganib na magkaroon ng preterm labor at mababang timbang ng panganganak ay tumataas.

Brown discharge

Para sa mga buntis na kababaihan, sila ay mayroong mas sensitibong reproductive organ. Kaya naman ang sexual intercourse o pelvic exam habang buntis ay maaaring magdulot ng pangangati sa kanila at maaaring magresulta sa maitim o matingkad na brown discharge o light spotting.

Ang light spotting ay karaniwang hindi nakakaalarma, pero pwede rin itong maging tanda ng panganganak kung ang mucus plug ay nilabas mismo mula sa cervix. Kaya naman pinakamahusay na kumunsulta kaagad sa doktor para maiwasan ang anumang mga sorpresa.

Maputi-rosas o kulay-rosas na discharge

Tandaan na ang mapuputing-rosas o kulay-rosas na discharge (madugong palabas) sa mga huling linggo ng ikatlong trimester ay karaniwang senyales na ang isang buntis ay malapit nang manganak. Gayunpaman, ang isang kulay-rosas na discharge sa mga unang yugto ng pagbubuntis ay maaaring nakababahala dahil maaari itong maging tanda ng isang paparating na miscarriage o ectopic pregnancy.

Pulang discharge

Ang pula o madugong vaginal discharge sa ikatlong trimester na mabigat at may kasamang clots, pananakit ng tiyan, o cramping ay nagmumungkahi ng malubhang problema sa pagbubuntis, gaya ng preterm na kapanganakan.

Ayon sa isang pag-aaral noong 2018 ng World Health Organization, sinasabi na ang Pilipinas ay isa sa sampung bansa na may pinakamataas na bilang ng preterm births (348,900 sa isang taon), at makikita na ang preterm labor ay nangangailangan ng agarang medikal na atensyon para maiwasan ang mga komplikasyon.

Paano Pamahalaan ang Vaginal Discharge ng buntis sa Ikatlong Trimester?

Kung nahihirapan kang harapin ang paglabas ng vaginal sa mga huling yugto ng iyong pagbubuntis, narito ang maaari mong gawin:

  • Gumamit ng panty liner, sa halip na tampons upang masipsip ang excess vaginal secretion
  • Iwasan ang douching
  • Gumamit ng gentle at walang amoy na pambabae na produkto
  • Patuyuin nang maigi ang ari pagtapos maligo at pumunta sa banyo
  • Magsuot ng maginhawang panloob
  • Iwasang magsuot ng masikip na pantalon at damit na panloob
  • Kumain ng pagkaing mayaman sa probiotics para maiwasan ang yeast infection
  • Humingi ng agarang medikal na atensyon kapag ang iyong kondisyon ay naging unbearable.

[embed-health-tool-ovulation]

Kailan Dapat Magpatingin sa Iyong Doktor?

Kumunsulta sa’yong doktor kung nararanasan mo ang mga sumusunod:

  • Malakas na pagdurugo na mayroon o walang pananakit ng tiyan o cramping
  • Ang vaginal discharge ay foul o mayroong hindi kanais-nais na amoy
  • Mga biglaang pagbabago sa dami, consistency, at kulay ng vaginal discharge
  • Mapapansin na ang vaginal discharge ay may kasamang pangangati at burning pain sa vulva

Key Takeaways

Ang vaginal discharge ng buntis sa ikatlong trimester ay may mahalagang papel sa pagprotekta sa ina mula sa mga impeksyon sa vaginal o intrauterine. Gayunpaman, may ilang types ng vaginal discharge bago manganak ang nagpapahiwatig ng posibleng komplikasyon sa pagbubuntis.
Samakatuwid, dapat ipaalam  ng mga buntis sa kanilang mga doktor kung may mga biglaang pagbabago sa kanilang discharge lalo na kung ito ay may kasamang matinding pananakit ng tiyan at/o cramping.

Matuto pa tungkol sa Third Trimester dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Vaginal Discharge in Pregnancy https://www.nhs.uk/conditions/pregnancy-and-baby/vaginal-discharge-pregnant/ Accessed October 20, 2020

Vaginal Discharge in Pregnancy https://www2.hse.ie/conditions/child-health/vaginal-discharge-in-pregnancy.html Accessed October 20, 2020

Vaginal Discharge https://www.nhs.uk/conditions/vaginal-discharge/ Accessed October 20, 2020

Signs of Labor: Know What to Expect: https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/labor-and-delivery/in-depth/signs-of-labor/art-20046184 Accessed October 20, 2020

Preterm Birth https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/preterm-birth Accessed October 20, 2020Vaginal Dischargehttps://www.sutterhealth.org/health/teens/female/vaginal-discharge Accessed October 20, 2020

Kasalukuyang Version

07/24/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Pananakit Ng Puson Sa Third Trimester, Normal Lang Ba?

Ikatlong Trimester Ng Pagbubuntis: Gabay Para Sa Mga Ina


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement