Ang panahon ng pagbubuntis ay mahalaga para sa isang babae. Ganoon na lamang ang pag-iingat ng isang buntis sa bawat kilos na gagawin. Madalas, maraming mga tanong ang isang babaeng unang beses pa lamang naranasan na mabuntis. Isa na rito ang pwede ba hilutin ang buntis sa likod?
Batay sa mga pag-aaral, ligtas na gawin ang paghihilot sa buntis. Ngunit mas mapabubuti ito kung may gabay mula sa eksperto. Sa katunayan, ang paghilot sa buntis at sa iba pang bahagi ng katawan ay nagbibigay ng maraming benepisyo.
Pwede Ba Hilutin Ang Buntis Sa Likod?
Ipinakita ng ilang mga pag-aaral na ang prenatal massage ay maaaring makatulong sa mga buntis. Ito ay nakatutulong na mabawasan ang pagkabalisa, depresyon, mapawi ang pananakit ng kalamnan at kasukasuan at mapabuti ang resulta ng panganganak.
Ilan pa sa benepisyo ng prenatal massage ay:
- Nababawasan ang pananakit ng likod at mga kasukasuan
- Isinasaayos ang proseso ng sirkulasyon sa katawan
- Nakatutulong sa edema o pamamaga ng paa
- Nababawasan ang pananakit ng ulo at mga kalamnan
- Tumutulong na mabawasan ang stress at pagkabalisa
- Pinapabuti ang pagtulog
Benepisyo Ng Hilot Sa Likod Ng Buntis
Sa panahon ng pagbubuntis, iba’t ibang pananakit ng katawan ang nararanasan ng isang buntis. Kaya naman madalas ay ninanais nilang magpahilot.
Ang sumusunod ay ilan sa mga benepisyo ng hilot sa likod ng buntis.
Pag-Regulate Ng Hormones
Ang pagbabago sa lebel ng hormone ay nagreresulta sa mas kaunting komplikasyon na nararanasan ng isang buntis. Dagdag pa rito, malaking pagbabago sa mga hormone na may kaugnayan sa stress at relaxation kapag ang buntis ay nakatatanggap ng hilot.
Ang serotonin at dopamine na nagpapagaan ng pakiramdam, nagsasa-ayos ng mood at nagpapanatili sa kalmadong katawan ng buntis ay tumataas. Sa kabilang banda, ang cortisol at norepinephrine naman na nagpapataas ng stress ay bumababa. Ito ay nangyayari batay sa pag-aaral kapag ang buntis ay dalawang-lingguhang nakararanas ng masahe sa loob ng limang linggo.
Pagbawas Sa Pamamaga
Ang pamamaga sa mga buntis ay kadalasang sanhi ng pagbawas ng sirkulasyon at pagtaas ng pwersa sa mga pangunahing daluyan ng dugo. Nakatutulong ang hilot upang mabawasan ang koleksyon ng mga joint fluid na nagdudulot ng pamamaga. Pinapabuti rin nito ang pag-alis ng dumi na dala ng lymph system sa katawan.
Pagtanggal Sa Pananakit Ng Nerves
Sa huling bahagi ng pagbububuntis, nakararanas ang kababaihan ng pananakit ng sciatic nerve habang ang matris ay nakapatong sa mga kalamnan ng pelvic floor at lower back. Nakatutulong na hilutin ang buntis upang mabawasan ang pananakit ng katawan.
Pinagaganda Ang Oxygenation Sa Katawan
Napabubuti ng paghihilot sa buntis ang daloy ng dugo at oxygen sa buong katawan. Isinasaayos nito ang muscular energy at pinapababa ang pagkapagod.
Iba Pang Benepisyo
Dagdag pa sa mga nabanggit na benepisyo ng hilot sa buntis ay ang sumusunod.
- Maayos na pagtulog
- Mabawasan ang stress
Mga Pag-Iingat Para Sa Hilot Sa Buntis
- Ang ligament stretch sa panahon ng hilot ay maaaring magdulot ng kakulangan sa ginhawa at panganib sa fetus at ina.
- Manatiling hydrated sa pamamagitan ng pag-inom ng hindi bababa sa 250 ml ng tubig pagkatapos ng hilot.
- Ang tiyan ay hindi dapat sasailalim sa anumang pisikal na pwersa.
- Humingi ng agarang medikal na atensyon kung may kakulangan sa ginhawa o ikaw ay nahihilo.
- Maging maalam sa wastong posisyon kapag hinihilot.
- Iwasang magpamasahe kung ikaw ay nagkaroon ng problema noon sa pagbubuntis o panganganak.
- Pumili ng propesyonal na manghihilot na may kaalaman sa wastong paghihilot ng buntis.
Kailan Dapat Itigil Ang Masahe
Bagamat maramig benepisyong naidudulot ang hilot sa buntis, mahalaga pa rin na bantayan ang iba pang nararanasan sa hilot. Agad na itigil o kumonsulta sa iyong doktor kapag nararanasan ang ilan sa sumusunod.
- Pagduduwal
- Pagsusuka
- Maaaring nararamdaman ang paglaglag ng sanggol
- Placenta abruption o biglang pagkatanggal ng inunan na makikita kapag biglang nanakit ang tiyan kasabay ang pagdurugo sa pwerta
- Preterm labor o nagssimulang magtigas ang tiyan na hindi pa kabuwanan
Matuto pa tungkol sa Pagiging Buntis dito.
[embed-health-tool-bmi]