Walang scientific basis ang paglilihi. Pero nangyayari ito sa marami. At maraming mga salik na maaaring nakaaapekto sa paglilihi ng buntis. Ang paglilihi o cravings ay maaaring nangyayari dahil sa hormones, tulad ng matalas na pang-amoy at panlasa, at ang kakulangan sa nutrisyon. Kadalasan nangyayari ang paglilihi sa ikalawang trimester, bagaman maaari itong mangyari kahit anong buwan habang buntis. Ano ang mga sintomas ng paglilihi ng buntis?
Senyales ng Paglilihi ng Buntis: Pregnancy Cravings
Patuloy pa rin ang pananaliksik upang mas maunawaan ang paglilihi sa pagbubuntis.
Gayunpaman, isa sa mga senyales ng paglilihi ng buntis ay ang makaranas ng panlasa na metallic sa bibig kung naglilihi.
Isa sa mga sintomas ng paglilihi ay ang mas matalas na pang-amoy. Dahil dito, maraming mga buntis na babae ay hindi na kayang kainin ang mga pagkain na nae-enjoy noon. Gayunpaman, habang nagbubuntis, maaari ka ring magkaroon ng paglilihi para sa ibang pagkain at hindi pagkain.
Sanhi ng Paglilihi ng Buntis
Ayon sa mga eksperto, ang kakulangan sa sustansya at bitamina ay isa sa mga pupuwedeng sanhi ng sintomas ng paglilihi ng buntis.
Posible na maglihi ang katawan dahil sa pagtaas ng kahingian ng nutrisyon dahil sa pagbubuntis. Ang mga kinakailangan na nutrisyon ng mga buntis ay ang mga sumusunod:
- Iron
- Calcium
- Vitamin D
Tinignan din ng pag-aaral ang impluwensya sa sikolohikal pagdating sa paglilihi, tulad ng kagustuhan sa ice cream dahil ito ay kilalang comfort food.
Ang pagnanais ng isang buntis sa tiyak na pagkain ay impluwensya ng kombinasyon ng mga salik na ito.
Upang manatili ang lebel ng enerhiya at masiguro na nakatatanggap ka at ang iyong sanggol ng nutrisyon na kinakailangan, inirerekomenda na ang buntis ay kumain ng iba’t iba at balanseng diet. Ito ay isa sa mga paraan upang ma-manage ang sintomas ng paglilihi ng buntis.
Karaniwang Pinaglilihian ng Buntis
- Mga pagkaing mayaman sa carbohydrates, tulad ng pretzels at cereal
- Pakwan, tropical na prutas, at mga gulay
- Steak, manok, at iba pang karne
- Ice pops, slushies, at ibang malalamig na pagkain
- Matatamis, tulad ng tsokolate o ice cream
- Fast food, tulad ng Mexican at Chinese foods na mabibili na takeout
- Mayaman sa calorie na maalat o malinamnam na pagkain, tulad ng chips at pizza
Pag-handle sa Iyong Cravings
Kung ikaw ay nagpapatuloy sa pagkain ng iba’t ibang masustansyang pagkain, ayos lamang na kumain ng mga pinaglilihiang pagkain paminsan-minsan.
Isa sa mga senyales ng paglilihi ng buntis ay ang craving para sa matatamis. Subukan na huwag sumobra sa pagkonsumo ng sugar dahil ito ay humahantong sa labis na katabaan at problema sa ngipin.
Para sa mas marami pang impormasyon tungkol sa malusog na timbang habang nagbubuntis, tanungin ang iyong doktor, midwife, o maternal at child health nurse.
Ilang tips upang i-manage ang hindi masustansyang cravings:
- Panatilihin ang masustansyang snacks sa iyong pantry
- Kung ikaw ay nagugutom, huwag mag grocery shopping
- Siguraduhin na may sapat na tulog
- Kumain ng marami at masustansyang pagkain
- Mag-floss at isagawa ang maayos na oral hygiene kung ikaw ay naglilihi sa matatamis
Paglilihi sa mga Bagay na Hindi Pagkain
Isa sa mga senyales ng paglilihi ng buntis ay ang paglilihi sa mga bagay na walang nutrisyon. Ang kondisyon na ito ay tinatawag na pica o pica cravings.
Ang mga magpies ay mga ibon na kilala sa pagkain ng halos lahat ng bagay, ang salitang pica ay galing sa salitang Latin para sa magpie.
Maraming mga buntis ang nakararanas ng paglilihi. Bagaman ito ay karaniwan na nakakain tulad ng ice cream o karne, may mga pagkakataon na ang paglilihi ay hindi nakakain tulad ng dumi o chalk na nati-trigger dahil sa pagbubuntis.
Karaniwang Pica Cravings
Dumi, clay, at laundry starch ay ang mga pinaka karaniwang mga bagay na pinaglilihian ng buntis.
Ang mga sumusunod ay iba pang pica cravings:
- Sabon, shampoo, at toothpaste
- Sunog na palito ng posporo at uling
- Bato, buhangin at plaster
- Mothballs at baking soda
Banta ng Pica
Ang pica ay maaaring maging mapanganib dahil ikaw at ang iyong baby ay maaaring negatibong maapektuhan ng pagkonsumo ng mga non-food substances.
Maaaring makapigil ang pagkonsumo ng mga hindi nakakain na bagay sa pag-absorb ng nutrisyon mula sa masusustansyang pagkain at humahantong ito sa kakulangan sa nutrisyon. Karagdagan, ang pica cravings ay mapanganib din dahil ang ilang mga hindi pagkain ay naglalaman ng parasites at toxic chemicals.
Pag-manage sa Pica
Ang pica ay ang pinaka karaniwang sintomas ng paglilihi ng buntis at walang hindi normal tungkol dito. Siguraduhin lamang na nauunawaan ang mga tiyak na banta ng iyong paglilihi.
Alam ng iyong health care provider ang mga kinakailangan mo upang maiwasan ang mga insidente na mula sa pica.
Narito ang ilang tips sa pag-manage ng pica:
- Siguraduhin na talakayin sa iyong ang iyong prenatal na kalusugan sa iyong doktor at irebyu ang iyong rekord sa kalusugan
- Panatilihin ang pagkonsumo ng masustansyang iron gayundin ang bitamina at mineral
- Subukan ang pagnguya ng sugarless gum o pagnguya ng sugar-free gum upang ma-satisfy ang cravings
- Sabihin sa iyong kaibigan ang tungkol sa paglilihi upang makatulong na maiwasan ang non-food items
Key Takeaways
Matuto pa tungkol sa Problema sa Pagbubuntis dito.