backup og meta

Paano Mo Malalaman Kung Pagkalaglag o Menstruation ang Pagdurugo?

Paano Mo Malalaman Kung Pagkalaglag o Menstruation ang Pagdurugo?

May isang pagkakapareho ang pagkalaglag at menstruation – pareho silang nagreresulta sa pagdurugo. Mahalagang malaman ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawa dahil karaniwang hindi alam ng mga babae na buntis sila. Maaari nilang mapagkamalang menstruation ang pagkalaglag kahit mas higit pa ito dito. Paano mo malalaman kung pagkalaglag o menstruation ang pagdurugo? Ano ang mga senyales? At ano ang dapat mong gawin kapag nalaglagan?

Pagkalaglag o Menstruation: Ano ang mga Senyales?

Mahalagang malaman na dalawang magkaibang pangyayari sa mga babae ang pagkalaglag at menstruation. Nangyayari ang menstruation bawat buwan, habang maaari lamang mangyari ang pagkalaglag kapag buntis ang isang babae. Madalas mangyari ang pagkalaglag sa unang bahagi ng pagbubuntis.

Ang pagdurugo ang pinakakaraniwang senyales na mayroon ang dalawa. Ngunit malalaman ang pagkakaiba ng pagdurugo sa kung ano ang hitsura at pakiramdam nito.

Para sa menstruation, binubuo ng dugo at tissue ang discharge na regular na lumalabas tuwing araw na ng isang babae.

Habang tinutukoy ng pagkalaglag ang biglaan at hindi inaasahang pagdurugo. Maaaring iba-iba ang kulay nito, mula light red hanggang brown na spotting. Posible din itong magresulta sa matinding pagdurugo, na siyang pinakapalatandaan nitoHabang tumutukoy ang pagkalaglag sa biglaan at hindi inaasahang pagdurugo. Maaaring iba-iba ang kulay nito, mula light red hanggang brown na spotting. Posible din itong magresulta sa matinding pagdurugo, na siyang pinakapalatandaan nito.

Kabilang ang mga sumusunod sa iba pang sintomas ng pagkalaglag:

  • Pananakit sa ibabang bahagi ng tiyan at cramps
  • Fluid discharge mula sa vagina
  • Tissue discharge mula sa vagina
  • Hindi na nakararanas ng mga sintomas ng pagbubuntis (tulad ng pagduduwal at pananakit ng dibdib)

Para naman sa pagsisimula ng menstruation, narito ang mga sumusunod na senyales at sintomas:

  • Pananakit sa tiyan o pelvic cramping
  • Pananakit sa ibabang bahagi ng likod
  • Bloating o masakit na dibdib
  • Craving sa pagkain
  • Moodiness at pagkakayamutin
  • Sakit sa ulo at pagkapagod
  • Acne

Maaari ding makaranas ng PMS (premenstrual syndrome) ang babae, na tumutukoy sa grupo ng mga sintomas na lumalabas bago pa man ang menstruation. Makikita ito sa parehong emosyonal at pisikal na sintomas.

Pagkalaglag o Menstruation: Ano ang Mga Sanhi?

May iba’t ibang dahilan sa likod ng pagkalaglag, ngunit madalas na hindi alam ang sanhi nito.

Karaniwang nangyayari ang pagkalaglag sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis dahil sa mga isyu sa hindi pa isinisilang na sanggol. Tinatayang tatlo sa bawat apat na pagkalaglag ang nangyayari sa panahong ito.

Kapag nangyari ito sa unang trimester ng pagbubuntis, maaaring maraming dahilan para mangyari ito, kabilang na ang natatagong kondisyon sa kalusugan ng ina. Posible ding dahil ito sa impeksyon sa paligid ng sanggol, na dahilan para pumutok ang amniotic sac bago pa man makaramdam ng pananakit o magsimula ang pagdurugo. Madalas itong mangyari dahil maagang nagbukas ang sinapupunan.

Nangyayari ang menstruation dahil sa mga likas na hormone ng katawan. Kumikilos bilang chemical messenger ang mga hormone na inilalabas ng ovaries tulad ng estrogen at progesterone. Dahil sa mga hormone na ito kaya kumakapal ang uterine lining, nagiging handa naman ang lining para sa fertilized egg na dumikit at mabuo. Kapag walang fertilized egg na lumabas, nasisira ang lining at saka inilalabas sa pamamagitan ng pagdurugo. Umuulit lamang ang buong proseso nito.

Karaniwang tumatagal ng humigit-kumulang isang buwan para mabuo ang lining, at saka nasisira. Bilang resulta, karamihan sa mga batang babae ang nagkakaroon ng menstruation isang beses sa isang buwan lamang.

Pagkalaglag o Menstruation: Gaano ito Katagal?

Karaniwang tumatagal ng 3 hanggang 5 araw ang menstruation, kahit na maaaring iba-iba ito sa bawat tao. Ngunit maaaring nakadepende ang tagal ng pagkalaglag sa anong uri ng treatment ang kinukuha mo para dito. May ilang gustong maghintay ng 7 hanggang 14 na araw upang natural na matapos ang pagkalaglag, habang may mga nagtutuloy sa operasyon para ipatanggal agad ang tissue. Pagkatapos ng pagkalaglag, maaaring makaranas ng pagdurugo at hindi magandang pakiramdam na tatagal ng 2 linggo. Kapag nagpatuloy pa ang pagdurugo, huwag mag-atubiling kumonsulta sa doktor.

Key Takeaways

Walang babaeng ligtas sa panganib ng pagkalaglag o menstruation. Ito ang dahilan kung bakit mahalagang malaman ng mga babae kung paano naiiba ang isa sa iba mula sa kanilang mga senyales at sintomas.

Kumonsulta sa iyong doktor kung kailangan ng tulong para malaman ang pagkakaiba ng pagkalaglag at menstruation.

Matuto pa tungkol sa Mga Problema ng Pagbubuntis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Signs of miscarriage, https://www.pregnancybirthbaby.org.au/signs-of-miscarriage, Accessed December 10, 2021

Normal Menstruation, https://my.clevelandclinic.org/health/articles/10132-normal-menstruation, Accessed December 10, 2021

Symptoms – Miscarriage, https://www.nhs.uk/conditions/miscarriage/symptoms/, Accessed December 10, 2021

Causes – Miscarriage, https://www.nhs.uk/conditions/miscarriage/causes/, Accessed December 10, 2021

All About Periods, https://kidshealth.org/en/teens/menstruation.html, Accessed December 10, 2021

Your health after miscarriage, https://www.pregnancybirthbaby.org.au/your-health-after-a-miscarriage, Accessed December 10, 2021

Kasalukuyang Version

10/14/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Bakit Mahalaga Ang Bed Rest Para Sa Mga Buntis?

Malabong Linya sa Pregnancy Test: Positibo ba Ito?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement