Binabati kita! Buntis ka. O maaaring hindi? Ang malabong pangalawang linya sa pregnancy test (o maliit na pink na plus sign para sa ilang brand ay maaaring mapaisip kung ito ay magandang ideya na isagawa ito. Pagkatapos ng lahat, ang mga test na ito ay maaaring magbigay ng maling positibong resulta at maaaring hindi mo nais na umasa nang hindi naman kinakailangan. Halimbawa, paano kung bibigyan ka ng malabong linya? Positibo ba ang malabong linya sa pregnancy test?
Paano Isagawa ang Pregnancy Test sa Bahay?
Dinesenyo ang home test upang malaman kung ikaw ay buntis o hindi sa pamamagitan ng pag-detect ng pagkakaroon ng hCG (human chorionic gonadotropin), ito ay hormone na umiikot sa iyong katawan habang nagbubuntis. Sa kasamaang palad, hindi sila palya. Maaari silang magdulot ng mga maling resulta sa ilang pagkakataon.
Positibo ba ang Malabong Linya sa Pregnancy test?
Depende sa brand, kailangan makakita ng plus (+) sign o dalawang linya sa home pregnancy test kit upang masabi kung buntis. Ngunit, kung minsan, ang mga resulta ay malabo. Ibig sabihin ba nito hindi talaga buntis?
Ayon sa mga eksperto, kung makakita ka ng kahit isang mahinang linya, ito ay nangangahulugan ng pagiging buntis. Tulad ng nabanggit, ang mga tests ay idinisenyo upang makita ang hCG – at sinasabi ng mga eksperto na gumagawa lamang ang hormone na ito kung buntis. Bagaman mayroon pa ring ilang bihirang mga kadahilanan na dapat isaalang-alang (na tatalakayin mamaya).
Sa ngayon, pag-usapan natin ang pinakakaraniwang dahilan kung bakit mayroong malabong linya sa pregnancy test.
Pinaka karaniwang dahilan nito ay ang masyadong maagang pagsasagawa ng test. Ang malabong linya ay nangangahulugan na ang kit ay nakakita ng mababang antas ng hCG. Sa simula ng pagbubuntis, mababa talaga ang antas ng hormone na ito. Ngunit habang tumatagal ang pagbubuntis, tataas ang mga ito, at nagbibigay daan para sa isang mas malinaw at nakikitang linya.
Iba pang mga Kadahilanan na Dapat Tandaan
Ang isang malabong linya sa pregnancy test ay maaaring mahirap bigyang-kahulugan. Bagaman maaaring ipahiwatig nito na ikaw ay buntis, ang iba pang mga kadahilanan ay maaari ring maglaro. Narito ang iba pang posibleng dahilan ng pagkakaroon ng malabong linya sa pregnancy test:
1. Evaporation Line
Nakikita mo ba ang malabong linya? Kung gayon, mahalagang tandaan kung makita ito. Kung nakita ito sa lampas sa oras mula sa direksyon, malaki ang posibilidad na ito ay evaporation line.
Ang evaporation line ay isa na lumalabas sa window ng mga resulta pagkatapos sumingaw ang ihi. Karaniwang makikita ito ilang minuto matapos malaman kung mayroong positibo o negatibong resulta. At, sa karaniwang mga kaso, ang evaporation line ay isang walang kulay na streak – hindi eksaktong malabong linya.
2. Chemical Pregnancy
Kung nakakita ng malabong linya at matapos ang ilang araw nagkaroon ka ng regla? Sa kasong ito, malamang na naranasan ang tinatawag ng iba na chemical na pagbubuntis
Ang resulta ng test ay hindi mali, ikaw ay talagang buntis, ngunit ang pagbubuntis ay hindi mabubuhay, na humahantong sa maagang pagkawala nito.
3. Exogenous hCG
Umiinom ka ba ng mga gamot sa fertility para mapukaw ang ovulation? Ang mga gamot na ito ay maaaring maglaman ng hCG, at samakatuwid ay maaaring magresulta sa isang maling positibong resulta, na nagpapakita bilang isang malabong linya ng pregnancy test.
Iba Pang Mga Salik na Dapat Isaalang-alang
Bukod sa nabanggit na mga dahilan sa malabong linya sa isang home test kit, sinasabi ng mga ulat na may iba pang mga salik na maaaring magbigay sa iyo ng maling positibong resulta. Kabilang dito ang:
- Dugo o protina sa ihi
- Ang pagkakamali ng tao sa paggamit at interpretasyon
- Ectopic na produksyon ng hCG (maaaring dahil sa isang tumor)
- Iba pang mga gamot, tulad ng aspirin at methadone
Ang Iyong Mga Susunod na Hakbang
Kung makakita ng malabong linya sa pregnancy test, ang pinakamagandang gawin ay magtungo sa iyong doktor. Maaari silang magmungkahi ng ultrasound scan upang makita ang fetus at matukoy kung ikaw ay talagang buntis o kung ang iba pang mga kadahilanan ay nag-ambag sa isang false-positive na resulta.
Matuto pa tungkol sa Mga Problema sa Pagbubuntis dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.