backup og meta

Gamot Sa Manas Ng Buntis: Alamin Ang Mga Mabisang Halamang Gamot

Gamot Sa Manas Ng Buntis: Alamin Ang Mga Mabisang Halamang Gamot

Ang pagbubuntis ay isang malaking biyaya sa mag-asawa ngunit hindi natin maisasantabi na maraming mga pinagdaraanan ang isang buntis. Nariyan ang hirap sa pagkilos sa araw-araw, mga sintomas tulad ng pagsusuka at maging ang pamamanas. Bakit nga ba nararanasan ng isang buntis ang manas? Paano at ano ang mga gamot sa manas ng buntis?

Isang normal at karaniwan lamang na pinagdaraanan ng isang buntis ang manas dahil sa pagbabago ng kanyang timbang. Nagkakaroon ng sobrang likido sa katawan at pwersa sa ugat na nagiging sanhi ng pamamaga sa mga paa, binti at iba pang bahagi ng katawan.

Mga Natural na Gamot

Bagamat bahagi ng pagbubuntis ang manas, ito ay hindi pa rin komportable para sa isang buntis. Gayunpaman, narito ang ilan sa mga natural na gamot sa manas ng buntis na maaaring gawin sa inyong mga bahay.

Asin

Tandaan na ang gagamiting uri ng asin ay ang purong asin o rock salt. Sa prosesong ito, gagamit ka lamang ng rock salt, balde at maligamgam na tubig; huwag gagamit ng mainit na tubig sapagkat mas palalalain lamang nito ang manas.

Ibabad lamang ang bahagi ng katawan na nakararanas ng manas sa isang balde na may maligamgam na tubig at rock salt. Gawin ito araw-araw, dalawang beses sa isang araw hanggang makita ang resulta na humuhupa ang pamamanas.

Green Tea

Ang green tea ay may stimulating diuretic na nakatutulong sa pag-metabolize ng sobrang likido sa katawan na magpapahupa rin ng manas.. Kailangan lamang uminom nito dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw. 

Magpakulo lamang ng isang tasang tubig at ihalo ang isang kutsaritang katas ng green tea. Maaaring haluan ito ng honey upang madagdagan ang lasa.

Grapefruit Essential Oil

Batay sa mga pag-aaral, mabisang paraan ng pampabawas ng manas ang grapefruit essential oil sapagkat ito ay nagtataglay ng antioxidative. Mahusay rin ang langis upang mabawasan ang pamamanas sapagkat mayroon itong anti-inflammatory at diuretic.

Sundin lamang ang prosesong ito. Sa maligamgam na tubig, magdagdag lamang ng ilang patak ng grapefruit essential oil at ibabad ang namamanas na bahagi.

Pipino at Lemon

Ang dalawang ito ay parehong nagtataglay ng anti-inflammatory na tumutulong upang humupa ang manas. Tumutulong din ang pipino upang mapalabas ang sobrang likido ng katawan. 

Hiwain lamang ang pipino at lemon at ihalo sa tubig na iyong iinumin. 

Cranberry Juice

Mayaman ang cranberry sa mga mineral tulad ng calcium at potassium. Nagtataglay rin ito ng diuretic. Ang mga katangiang ito ay nakatutulong din sa paggagamot ng manas.

Uminom lamang nito isang beses sa isang araw. 

Pineapple Juice

Nakatutulong din sa manas ang pineapple juice sapagkat ito ay may bromelain na may anti-inflammatory. 

Turmeric

Tumutulong sa pamamaga ang turmeric sapagkat mayroon itong katangiang curcumin at detoxifying. 

Kailangan mo lamang ng isang kutsaritang turmeric powder na ihahalo sa isang baso  ng gatas o tubig. Inumin kaagad ito.

Oregano Oil

Gamitin ang langis na hinaluan ng oregano pampamasahe sa bahagi ng katawan na namamanas. Gawin ito dalawang beses sa isang araw. Makatutulong ito upang mabawasan ang pamamaga at sakit na nararanasan sanhi ng manas.

Iba pang Maaaring Gawin

  • Makatutulong ang pagmamasahe sa iyong paa upang mabigyan ng pwersa na magpapabuti ng sirkulasyon ng dugo at pag-alis ng labis na likido sanhi ng manas. Imasahe lamang ang lugar na apektado sa loob ng lima hanggang sampung minuto sa direksyong paitaas.
  • Umiwas sa maalat na pagkain sa halip ay uminom ng sapat na tubig
  • Mag-ehersisyo. Iwasan ang pag-upo lamang ng mahabang panahon. Magkaroon ng pagitan upang tumayo at maglakad-lakad.

Key Takeaways


  • Ang manas sa buntis ay karaniwan lamang ngunit kung napapansin na ito ay kakaiba, mabuting kumonsulta kaagad sa iyong doktor.
  • Maaaring gawing unang lunas ang mga nabanggit na natural na gamot sa manas ngunit mabuting humingi muna ng payo sa iyong doktor.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

25 Remedies To Treat Edema Naturally + Signs, Causes, & Types

https://www.stylecraze.com/articles/effective-home-remedies-for-edema/

Accessed August 2, 2022

5 Effective Home Remedies for Swollen Feet

https://food.ndtv.com/food-drinks/5-effective-home-remedies-for-swollen-feet-1634604

Accessed August 2, 2022

Edema

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/edema/diagnosis-treatment/drc-20366532

Accessed August 2, 2022

Can Pregnant Women Do Anything to Reduce or Prevent Swollen Ankles?

https://kidshealth.org/en/parents/ankles.html#:~:text=During%20pregnancy%2C%20the%20extra%20fluid,day%20and%20during%20hotter%20weather

Accessed August 2, 2022

Foot, Leg and Ankle Swelling

https://www.mountsinai.org/health-library/symptoms/foot-leg-and-ankle-swelling

Accessed August 2, 2022

Kasalukuyang Version

07/19/2023

Isinulat ni Marenila Bungabong

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Bakit Mahalaga Ang Bed Rest Para Sa Mga Buntis?

Malabong Linya sa Pregnancy Test: Positibo ba Ito?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Marenila Bungabong · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement