Sa panahon ng pagbubuntis, mahalaga sa isang ina ang pahinga at pag-iwas sa paggawa ng mabigat na aktibidad. Iniiwasan nito ang anumang posibleng komplikasyon na maaaring lumitaw tulad ng pagdurugo sa panahon ng panganganak at maging ang panganganak o pagkakunan. Kailan ipinapayo ng doktor ang bed rest at para saan ang bed rest ng buntis?
Kailan Ipinapayo ang Bed Rest ng buntis?
Ang doktor ay maaaring magrekomenda ng bed rest para sa mga buntis sa mga kaso ng o sa pag-iwas sa mga sumusunod:
- Pagdurugo ng ari
- Placental abruption
- High blood pressure
- Miscarriage o pagkakunan
- Multiple birth
- Mga problemang medikal sa sanggol
Gayunpaman, ang mga doktor ay hindi na madalas na nagrerekomenda ng bed rest sa mga buntis. Ito ay dahil sa mga pag-aaral, sinasabi na ang kawalan ng aktibidad ng mga ina sa panahon ng pagbubuntis ay maaaring magdulot ng mas malubhang komplikasyon.
Ang bed rest ay inirerekomenda lamang sa mga natatanging kaso.
Ano ang Sinasabi ng mga Pag-aaral?
Ilan sa mga tao ay naniniwalang ang bed rest ay makatutulong upang maiwasan ang maagang panganganak, ngunit hindi iyon ang totoo dahil walang ebidensya na nagpapatunay nito.
Karaniwang hinihikayat ng mga doktor ang mga buntis na maging aktibo, lalo na sa pagbuo nila ng lakas upang dalhin ang labis na timbang mula sa sanggol.
Gayunpaman, maaaring irekomenda ng doktor sa ina na sundin ang mga alituntunin ng bed rest ng buntis upang maibsan ang ilang mga pananakit ng pagbubuntis at matiyak na hindi sila masyadong ma-stress, na maaaring humantong sa iba pang mga komplikasyon.
Mga Alituntunin ng Bed Rest para sa mga Ina
Narito ang ilang paalala kapag inirekomenda ng iyong doktor na sumailalim sa bed rest:
Matulog nang nakatagilid
Inirerekomenda ng doktor lalo na kung nasa ikatlong trimester ka na ng pagbubuntis ang pagtulog nang nakatagilid. Ang pagtulog sa iyong likod ay maaaring maging sanhi ng ilang pagbara sa mahahalagang daluyan ng dugo na papunta sa iyong sinapupunan, na maaaring maghinto ng suplay ng oxygen para sa sanggol.
Gumamit ng mga unan para sa buntis
Ang ilang mga ina ay nangangailangan ng tulong ng mga unan para sila ay makatulog nang mas komportable. May mga pregnancy pillow na mabibili mo sa palengke. Ngunit maaari ka ring maglagay ng mga regular na unan sa pagitan ng iyong mga baluktot na tuhod at sa gilid ng/sa ilalim ng iyong tiyan.
Isaayos nang mabuti ang pagtutulugan
Nangangahulugan ito na dapat kang matulog sa isang silid kung saan madilim at malayo sa maraming mga electronic devices. Mahalaga rin na matulog sa isang temperatura na komportable para sa iyo.
Huwag kumain nang labis
Bagaman ang pagpapanatili ng isang malusog na diyeta at pagkuha ng wastong nutrisyon sa panahon ng pagbubuntis ay mahalaga, dapat mo ring tandaan na huwag kumain nang labis. Ang sobrang pagkain ay maaaring magdulot ng heartburn at mga problema sa iyong paghinga.
Kumain ng madalas ngunit paunti-unti upang maiwasan ang pagkakaroon ng heartburn.
Mag-relax bago matulog
Ang paggawa ng ilang magaan at nakakarelaks na aktibidad bago matulog ay maaaring makapagpabuti ng iyong pangkalahatang kalidad ng pagtulog sa panahon ng pagbubuntis. Maaari mong piliing mag-shower, makinig sa musika, o kahit na magbasa nang kaunti bago matulog.
Leisure walks
Maaaring mukhang kontradiksyon na hilingin sa isang ina na gumawa ng kaunting pisikal na aktibidad habang sumasailalim sa bed rest. Ngunit muli, ang mga potensyal na panganib ng kawalan ng aktibidad ay maaaring magdulot ng mas malubhang problema sa kalusugan. Ang leisure walk, kahit sa paligid lamang ng bahay, ay inirerekomenda.
Mga Panganib ng Extended Bed Rest
Bihira na lamang ipayo sa mga buntis ang bed rest ngayon, lalo na’t ipinakita ng mga pag-aaral na mas maraming potensyal na panganib sa kalusugan kaysa sa mga benepisyo.
Ang ilan sa mga panganib na maaari mong maranasan sa bed rest habang buntis ay
- Muscular deconditioning dahil sa kawalan ng aktibidad
- Pagbawas ng bone mass
- Ang pakiramdam ng kahinaan, lalo na sa bahagi ng paa
- Pamumuo ng dugo sa mga ugat (tulad ng iyong binti)
Key Takeaways
Pagdating sa naaangkop na ehersisyo sa panahon ng pagbubuntis, iwasan ang mabigat na aktibidad na maaaring maglagay sa iyo at sa sanggol sa panganib. Palaging kumonsulta sa iyong doktor para sa kung anong ligtas at naaangkop.
Matuto pa tungkol sa Mga Problema sa Pagbubuntis dito.