backup og meta

Anemia sa Pagbubuntis: Mga Dapat Mong Malaman

Anemia sa Pagbubuntis: Mga Dapat Mong Malaman

Ang pagiging buntis ay napakasaya at kapanapanabik na kabanata sa buhay ng isang babae. Pero maaari din itong maging maselang panahon pagdating sa kalusugan. Kaya mahalagang tandaan ang mga posibleng komplikasyon tulad ng anemia. Dahil kapag nangyari ito, importanteng tingnan ang mga susunod na hakbang sa panahon ng pagbubuntis. Ano ang ibig sabihin ng anemia sa pagbubuntis para sa ina at sanggol?

Anemia sa pagbubuntis: Ano ang Koneksyon?

Kapag nabuntis ka, nagkakaroon ng malaking mga pagbabago sa iyong katawan. Ang dami ng dugo sa katawan mo ay tumataas ng humigit-kumulang 20%-30%. Kaya tumataas ang pangangailangan ng katawan ng iron at vitamins para makabuo ng hemoglobin. Ang hemoglobin ay protina sa red blood cells na nagdadala ng oxygen sa ibang cells sa katawan mo. 

Ang mga buntis ay malamang na magkaroon ng anemia dahil sa dami ng dugo na kinakailangan para matulungan na bigyan ng nutrisyon ang sanggol. Maraming mga kababaihan ang hindi nakakakuha ng sapat na iron sa ikalawa at ikatlong trimester. Kapag ang katawan ay nangangailangan ng mas maraming iron, ang isang tao ay pwedeng maging anemic.

Ang anemia sa pagbubuntis ay partikular na nakakabahala dahil nauugnay ito sa mababang birth weight, preterm birth, pagkamatay ng ina, maging ang mga congenital na mga sakit at depekto.

Kung maagang malalaman, ang anemia sa pagbubuntis ay maaaring madaling pangasiwaan. Kaya lang, kung hindi gagamutin, maaaring makapinsala ito pareho sa ina at sanggol.

Anemia sa Pagbubuntis: Mga Karaniwang uri ng Anemia 

May ilang uri ng anemia, pero heto ang ilan sa mga karaniwan sa panahon ng pagbubuntis:

Iron deficiency anemia

Ito ang  itinuturing na pinaka karaniwang uri ng anemia.

Ang iron ay isang mineral na nasa red blood cells na tumutulong sa pagdadala ng oxygen mula sa mga baga patungo sa buong katawan. Nagbibigay daan ito sa muscles na mag-imbak at gumamit ng oxygen. Kapag kulang ang ginagawang iron ng katawan, nanghihina ito at bumababa ang resistensya sa impeksyon.

Ang kakulangan sa iron ay nangyayari sa humigit-kumulang 15% hanggang 25% ng lahat ng pagbubuntis. Ayon sa pananaliksik, ang panganib ay tila halos doble sa kaso ng moderate o malubhang anemia. Ito ay pinataas ng 10–40% sa mga kaso ng mild anemia.

Folate-deficiency anemia

Ang folate o folic acid ay water-soluble na bitamina na maaaring makatulong na maiwasan ang mga abnormalidad ng neural tube sa panahon ng pagbubuntis. Inirerekomenda sa mga buntis ang mga pagkain at supplements na may folate. Kung nagpaplano kang magbuntis, ipinapayo ng mga doktor ang pagkonsumo ng folate ilang linggo bago ang aktwal na pagbubuntis.

Ang diet na kulang sa folate ay maaaring magresulta sa pagbaba ng bilang ng red blood cells sa katawan, kaya tinatawag na kakulangan.

Vitamin B12 deficiency anemia

Tulad ng folic acid, ang bitamina B12 ay kinakailangan din ng katawan upang tumulong sa pagbuo ng red blood cells.

Habang ang ilang kababaihan ay maaaring makakuha ng sapat na B-12 sa kanilang pagkain, kapani-paniwala na ang kanilang katawan ay hindi makapag-metabolize ng bitamina. Nagreresulta pa rin ito sa kakulangan.

Nanganganib ka ba ng anemia sa pagbubuntis?

Ikaw ay mas malamang na maging anemic habang buntis kung:

  • May dalawang pagbubuntis sa loob ng isang taon
  • Ang ipinagbubuntis ay higit sa isa ( hal. kambal o triplets)
  • Madalas na nakakaranas ng pagsusuka dahil sa morning sickness
  • Hindi sapat ang pagkonsumo ng iron
  • Nakaranas ng malakas na regla bago ang pagbubuntis, o kapag may mga problemang cervical at/o placental  sa panahon ng pagbubuntis (maaaring humahantong ang mga ito sa spotting o pagdurugo) 

Mga Palatandaan at Sintomas ng Anemia sa Pagbubuntis

Maaaring magpakita ng isa o higit pa sa mga sumusunod na sintomas ang mga buntis kung sila ay anemic:

  • Pagkahilo (vertigo)
  • Pagkapagod
  • Kinakapos na paghinga
  • Mabilis (tachycardia) o hindi regular na tibok ng puso
  • Maputlang balat, labi, palad, kuko, o maging ang ilalim ng talukap ng mata
  • Malamig na kamay at paa
  • Pananakit ng dibdib
  • Hirap mag-concentrate
  • Sakit ng ulo

Key Takeaways

Siguraduhing magpa-prenatal examinations at iba pang regular na pagsusuri sa dugo. Ito ay para malaman kung mayroon kang anemia at kung nasa panganib ng iba pang mga komplikasyon. Ang mga sintomas, edad, at pangkalahatang kalusugan mo ang magiging batayan ng inirerekomendang paggamot. Maaari rin itong malaman batay sa kalubhaan ng kondisyon. Makipagtulungan sa iyong doktor para labanan ito ng wastong nutrisyon at pag-inom ng supplement. Ito ay para matiyak na ligtas ka at malusog ang pagbubuntis mo.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Anemia and Pregnancy, https://www.hematology.org/education/patients/anemia/pregnancy Accessed November 24, 2021

Anemia During Pregnancy, https://americanpregnancy.org/healthy-pregnancy/pregnancy-concerns/anemia-during-pregnancy/ Accessed November 24, 2021

Anaemia in pregnancy, https://www.pregnancybirthbaby.org.au/anaemia-in-pregnancy Accessed November 24, 2021

Anemia in Pregnancy, https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=anemia-in-pregnancy-90-P02428 Accessed November 24, 2021

Iron deficiency anemia during pregnancy: Prevention tips, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/pregnancy-week-by-week/in-depth/anemia-during-pregnancy/art-20114455 Accessed November 24, 2021

Iron Deficiency Anemia in Pregnancy – Simone Garzon, Patrizia Maria Cacciato, Camilla Certelli, Calogero Salvaggio, Maria Magliarditi, Gianluca Rizzo, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC7477519/ Accessed November 24, 2021

Kasalukuyang Version

11/19/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Bakit Mahalaga Ang Bed Rest Para Sa Mga Buntis?

Malabong Linya sa Pregnancy Test: Positibo ba Ito?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement