Gaano man kaingat ang mga buntis na umiwas sa mga sakit, may mga impeksyon tulad ng ubo at sipon na sadyang madaling makahawa. At kung sakaling magkaroon sila ng ubo at sipon, dapat maging maingat sa gamot. Dahil maaaring hindi ligtas ang gamot para sa kanyang sanggol. Kaya ang tanong ay kung okay lang ba na mag-take si mommy ng herbs tulad ng lagundi? Ano ang sinasabi ng pag-aaral tungkol sa pag-inom ng lagundi para sa buntis? Alamin natin dito.
Dahon ng Lagundi
Bago natin pag-usapan ang lagundi para sa buntis, tingnan muna natin kung ano ang halamang gamot na ito.
Una, ang lagundi ay isa sa 10 halamang gamot na inendorso ng Department of Health (DOH) at ng Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care (PITAHC). Inaprubahan ng mga departamento ang lagundi dahil ito ay siyentipikong napatunayang ligtas at epektibo.
Sa ngayon, ito lamang ang malawakang pinag-aralan na halamang gamot sa ubo sa Pilipinas. Natukoy din ng ilang ulat na mayroon itong mga anti-inflammatory at pain-suppressing properties.
Paghahanda ng Herbal Remedy
Dahil pag-uusapan natin ang tungkol sa pinakuluang dahon ng lagundi, mahalagang malaman kung ang pagpapakulo ng dahon ay ang tamang paghahanda.
Ayon sa PITAHC, tama ito. Ang kanilang ineendorsong mga tagubilin ay:
- Pakuluan ang mga dinikdik na dahon sa isang kaldero na may 2 basong tubig hanggang kalahati na lang ng tubig ang natitira. Iwanan ang palayok na walang takip kapag nagsimulang kumulo ang tubig.
- Ang dose para sa mga dinikdik na dahon ay ang mga sumusunod:
- 2 hanggang 6 na taong gulang – 1 at ½ kutsara
- 7 hanggang 12 taong gulang – 3 kutsara
- 13 taong gulang pataas – 6 na kutsara
Pinakuluang Dahon ng Lagundi para sa Buntis: Ligtas ba ito?
Ngayon, pag-usapan natin ang pinakuluang dahon ng lagundi para sa mga buntis. Dahil talagang tinatalakay natin ang “lagundi tea,” talakayin natin kung ano ang sinasabi ng mga eksperto.
Ayon sa American Pregnancy Association, ang isyu sa mga herbal na tsaa, sa pangkalahatan, ay ang kakulangan ng data na magagamit sa mga kasali na halamang gamot. Hindi natin alam ang kanilang mga epekto sa paglaki ng fetus.
Idinagdag nila na ang mga herbal na tsaa ay hindi ligtas kapag naglalaman ang mga ito ng labis na dami ng mga halamang gamot (mas mataas kaysa sa dami ng pagkain) o ginawa mula sa mga halamang gamot na kinilalang nakakalason. Binanggit din nila na hindi ligtas ang mga non-commercial na herbal teas (malamang dahil hindi pa sila sumailalim sa testing).
Ang pinakuluang dahon ng lagundi ay maaaring ituring na herbal tea. At wala tayong sapat na impormasyon para sabihin na ligtas ang lagundi para sa buntis.
Hindi ito isinama sa listahan ng isang ulat sa listahan ng “mga halamang gamot na dapat iwasan sa panahon ng pagbubuntis.” Gayunpaman, hindi natin alam ang buong epekto nito sa lumalaking fetus o ang dose na ligtas at epektibo.
Ang Lagundi Medicine
Kung wala tayong sapat na impormasyon tungkol sa pinakuluang dahon ng lagundi para sa buntis, paano ang gamot na lagundi?
Isang kilalang lagundi medicine ang nag-ulat na ang kaligtasan ng gamot para sa mga buntis at nagpapasusong ina ay hindi pa napag-aralan.
Mga Susunod na Hakbang
Kung may ubo at sipon ka at gustong uminom ng halamang gamot (o anumang gamot), dapat kumunsulta muna sa iyong doktor.
Pansamantala, maaaring makatulong ang mga sumusunod na home remedies:
- Siguraduhin na ikaw ay hydrated. Kung mino-monitor ng doktor ang fluid intake mo, tanungin kung gaano karaming fluid ang dapat mong inumin.
- Magpahinga ng marami.
- Magmumog ng maligamgam na tubig na may asin kung ikaw ay may ubo o namamagang lalamunan.
Key Takeaways
Ang lagundi ay isa sa 10 halamang gamot na inaprubahan ng Department of Health. Madalas umiinom ng lagundi ang mga tao para sa ubo at sipon dahil napatunayang mabisa ito. Gayunpaman, habang ang mga ito sa pangkalahatan ay ligtas, kahit para sa mga bata, walang sapat na impormasyon tungkol sa kaligtasan nito para sa mga buntis. Kaya naman, bago gumamit ng pinakuluang dahon ng lagundi para sa mga buntis, makabubuting kumonsulta muna sa doktor. Pansamantala, maaaring makatulong ang mga home remedy, tulad ng pagmumog ng maligamgam na tubig na may asin, maraming pahinga, at pag-hydrate.