backup og meta

Paglalakad Habang Buntis: Paano Ito Nakatutulong Sa Kalusugan?

Paglalakad Habang Buntis: Paano Ito Nakatutulong Sa Kalusugan?

Ang paglalakad ay isa sa pinaka mainam na ehersisyo — kung ikaw man ay buntis o regular na namumuhay. Nakatutulong ang paglalakad ng 30 minuto kada araw na mapabuti ang daloy ng dugo, makontrol ang diabetes, at ma-manage ang presyon ng dugo. Gaya ng ibang uri ng ehersisyo, makapagpapalakas ito ng iyong muscle at joints sa katawan. Ang paglalakad ay ikinokonsiderang  magandang porma ng cardiovascular workout. Kumpara sa ibang uri ng ehersisyo, ang paglalakad habang buntis ay isa sa pinaka ligtas na ehersisyo sa parehong nanay at sanggol.

Paglalakad Habang Buntis: Do’s And Don’ts

Una sa lahat: siguraduhin na magsuot ng pinaka komportableng sapatos at damit. Tungkol sa paglalakad habang buntis, ang inaasahang maging nanay ay maraming mga tanong — gaano katagal maglalakad, ano ang benepisyo nito at ang mga do’s at don’ts.

Umpisahan natin sa basic do’s at don’t na kailangan mong gawin bago magsagawa ng ganitong uri ng ehersisyo.

Do’s

Sa paglalakad habang buntis, alagaan ang balanse ng iyong katawan. Kailangan ng panahon upang masanay sa iyong mas malaking midsection habang naglalakad, ngunit ang paglalakad araw-araw ay maaaring maglapit sa iyo sa ganitong technique.

Sundin ang senyales ng iyong katawan. Alamin kailan titigil at hihinto kung ikaw ay nakararamdam ng pagkapagod o kinakapos ng hininga. Dahan-dahan lang. Ang pinakamahalagang bagay ay kumilos sa sariling pace.

Don’ts

Iwasan ang pagkukumpara ng iyong kakayahan sa mga lebel ng pre-pregnancy fitness. Tandaan: sa paglalakad habang buntis, ang layunin sa oras ng paglalakad ay ang pagpapanatili ng fitness at hindi pag-challenge ng limits.

Huwag maglakad kung sobrang init. Maaaring mag-treadmill sa mga mainit na panahon. Ang paglalakad ay mas nakabubuti kung isasagawa sa maayos na panahon.

Mga Advantage Ng Paglalakad Habang Buntis

Ang pagiging aktibo sa kabuuang pagbubuntis ay mainam para sa kalusugan ng nanay at ng baby. Nasa ibaba ang ilang mga benepisyo ng paglalakad habang buntis:

1. Magtakda ng positibong post-pregnancy habit

Ang paglalakad at pagsasagawa ng ibang porma ng ehersisyo ay mas magbibigay sa nanay at magpapatuloy ang parehong ehersisyo matapos manganak. Nakatutulong ito sa nanay upang bumalik sa shape at manatiling malusog matapos ang pagbubuntis.

2. Nagpapalakas ng kasukasuan

Nakapagpapabuti ng kasukasuan at flexibility ang paglalakad. Kung hindi kumikilos ang kasukasuan at muscles, magiging stiff ito.

Ang paglalakad ay nakaiiwas sa issue na ito at mga kaugnay na problema dahil ang pagkilos ng hita ay nakatutulong  sa pagpapanatili ng hip joints loose. Ang malakas at flexible na balakang ay napatunayan na nakatutulong sa oras ng panganganak.

3. Napapanatiling relaxed at payapa ang isip

Nailalabas ang happy hormones habang naglalakad at nakatutulong sa mga nanay upang bumuti ang pakiramdam at mawala ang stress. Ang masasayang magulang ay naipapasa ang kanilang pakiramdam sa kanilang baby. Nakatutulong ito mapanatili ang positibong pag-iisip.

paglalakad habang buntis

Tips Sa Paglalakad Habang Buntis Kada Trimester

Ang mga ito ay tiyak na basic tips at payo na makatutulong upang mag-adapt sa tamang porma ng paglalakad sa iba’t ibang trimester. Gayunpaman, laging konsultahin ang iyong doktor o therapist bago magsimula ng kahit na anong bagong porma ng ehersisyo.

Habang nasa unang trimester, na unang 3 buwan ng pagbubuntis, kailangan na magsimulang maglakad ang nanay ng 10-20 minuto. Ito ay gagawin ng tatlong araw kada linggo kung hindi sanay sa pag-eehersisyo.

Kung ikaw ay regular na at nasanay na ang iyong katawan, tagalan ito ng 15-20 minuto para sa limang araw kada linggo sa huling trimester na ito. Para sa mga nag-eehersisyo bago ang pagbubuntis, kailangan na subukan nila ang paglalakad habang buntis ng 20-30 minuto sa apat na araw kada linggo at kalaunan ay gawing 40-60 minuto sa 6 na araw kada linggo.

Sa susunod na 3 buwan, na tinatawag na ikalawang trimester — dahil nababawasan na ang morning sickness, magandang panahon ito upang paigtingin ang paglalakad habang buntis.

Ang mga nagsisimula pa lamang ay maaaring maglakad ng limang beses kada araw ng 20-30 minuto. Sa mga sanay na maglakad habang buntis ay maaaring nasa tatlumpung minuto kada araw sa anim na araw kada linggo.

Sa ikatlong trimester ng iyong pagbubuntis, maghinay-hinay at magpokus sa pagiging komportable. Maaari mong panatilihing pareho ang duration katulad ng ikalawang trimester ngunit mas mabagal. Maaari mo ring ikonsidera ang paglalakad habang buntis nang mas kaunting araw kumpara sa nakalipas na trimester.

Key Takeaways

Ang panahon na ito ay mas tungkol sa iyong comfort-zone — sa aspektong pisikal at mental at paghahanda sa iyong big day.
Kaya’t lahat ng mga mommies diyan, ngayon na alam niyo na ang mga benepisyo at technique ng paglalakad habang buntis, ano pang hinihintay niyo?
Magsimula nang maglakad!

Matuto pa tungkol sa Prenatal Care dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

5 Reasons Walking is the Best Exercise During Pregnancy, https://www.acefitness.org/education-and-resources/professional/expert-articles/6257/5-reasons-walking-is-the-best-exercise-during-pregnancy, Accessed on 03/05/2020

The Benefits of Walking for Pregnant and New Moms, https://www.parents.com/baby/health/lose-baby-weight/the-benefits-of-walking-for-pregnant-and-new-moms, Accessed on 03/05/2020

Walking During Pregnancy- Benefits, Safety, and Risks, https://parenting.firstcry.com/articles/walking-during-pregnancy, Accessed on 03/05/2020

Walking in pregnancy, https://www.babycentre.co.uk/a7863/walking-in-pregnancy, Accessed on 03/05/2020

Easy Pregnancy Walking Workouts for Every Trimester, https://www.parents.com/pregnancy/my-body/fitness/easy-pregnant-walking-workouts, Accessed on 03/05/2020

Walking and pregnancy, https://www.tommys.org/pregnancy-information/im-pregnant/exercise-pregnancy/what-kind-exercises-can-i-do/walking-and-pregnancy, Accessed on 03/05/2020

Pregnancy and exercise: Baby, let’s move! https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/pregnancy-week-by-week/in-depth/pregnancy-and-exercise/art-20046896, Accessed on 03/05/2020

Kasalukuyang Version

05/27/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Prenatal Vitamins Para Sa Buntis: Mahalagang Micronutrients

Anu-Ano Ang Mga Posibleng Matuklasan Sa Fetal Biometry?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement