Common misconception na ang buntis ay dapat umiwas sa ehersisyo o gumawa ng anumang physical activity. Pero ang totoo ay mahalaga ang exercise. Kailangan ito ng mga buntis, kaya nga lang may mga ehersisyo sa buntis na dapat iwasan.
Ang mga ehersisyo na ito ay pwedeng hindi lang health risk sa baby pero inilalagay din ng mga ito ang ina sa seryosong injury. Kaya naman, mabuting komunsulta sa doktor sa anumang activity na safe gawin.
Bago tayo maglista ng mga ehersisyo sa buntis na hindi dapat gawin kapag buntis, tandaan na, may mga ganap na contraindications sa pagsasagawa ng anumang aerobic exercises kapag nagbubuntis. Ayon sa American College of Obstetricians, ang mga may restrictive lung disease, incompetent cervix, placenta previa, at pregnancy induced hypertension, ay HINDI DAPAT gumawa ng anumang aerobic workout. Para safe, kumunsulta muna sa iyong doktor bago gawin ang iyong nakaplanong physical routine.
Mga ehersisyong hindi dapat gawin kapag buntis
Narito ang ilang uri ng mga pisikal na aktibidad at ehersisyo sa buntis na dapat iwasan:
Anumang bagay na nangangailangan sa iyo na humiga
Ang mga ehersisyong ito ay dapat na iwasan. Ito ay para sa parehong dahilan na dapat mong iwasan ang pagtulog “on your back” habang buntis. Ang dagdag na bigat ng sanggol ay maaaring mag compress sa inferior vena cava, ang pangunahing daluyan ng dugo. Ito ang nagdadala ng venous blood mula sa lower limbs at pelvic area papunta sa puso.
Maaaring mag-trigger ito ng mataas na presyon ng dugo, gayundin ang pagbawas ng daloy ng dugo sa puso ng ina pati na rin ng sanggol. Ito ay maaaring maging lubhang mapanganib at nakakapinsala sa development ng sanggol dahil kailangan nila ng maraming dugo para sa paglaki. Ang iba pang mga sports tulad ng ice skating o roller skating ay dapat ding iwasan pansamantala para sa parehong dahilan.
Mga aktibidad kung saan may panganib na mahulog
Ito ay medyo self-explanatory. Anumang mga ehersisyo na naglalagay sa iyo sa panganib na mahulog, tulad ng pag-akyat o gymnastics, ay dapat na iwasan.
Anumang pagkahulog, kahit na hindi ito seryoso para sa ina, ay maaaring maging napaka seryoso para sa development ng sanggol.
Pagbubuhat ng heavy weights
Ang weight training ay talagang magandang ehersisyo sa buntis. Nakakatulong ito na panatilihing malusog ang mga kababaihan, at ang regular na weight training ay walang anumang malaking panganib sa mga buntis.
Gayunpaman, may panganib kung ang mga buntis ay magsisimulang magbuhat ng mas mabibigat na weights. Ang mabibigat na weights ay maaaring magdulot ng mabigat na strain sa cardiovascular system, pati na rin ang pagtaas ng pressure sa tiyan.
Nariyan din ang panganib ng injury dahil ang bigat ng sanggol kung minsan ay maaaring maging sanhi na mawalan ng balanse kapag nagbubuhat ka weights.
Ideally, ang mga buntis ay dapat magbuhat ng weights na humigit-kumulang 10-15 pounds o 4.5-6.8kg. Kung sa tingin mo ay napakabigat pa rin ng mga ito, gumamit ng mas magaan.
Contact sports
Ang contact sports tulad ng football at basketball ay maaaring magdulot ng malubhang pinsala dahil sa physical contact. Maaaring magkaroon ng masamang epekto sa development ng sanggol ang mga bukol at banggaan. Ang trauma ay maaaring magresulta sa preterm labor o abruptio placenta (napaaga na paghihiwalay ng inunan mula sa matris).
“Hot” yoga o “Hot” Pilates
Ang hot yoga at hot Pilates ay nakakatulong sa pagbaba ng timbang at para sa pangkalahatang kalusugan. Bagama’t ang mga ito ay okay gawin kung hindi ka buntis, ang mga ehersisyong ito ay dapat na iwasan sa panahon ng pagbubuntis.
Ito ay dahil ang mga ehersisyo sa buntis na ito ay nagpapataas ng temperatura ng katawan at nagiging sanhi ng heat exhaustion. Bilang karagdagan, ang mga uri ng ehersisyo na ito ay maaari ding magdulot ng panganib ng dehydration. Ang dalawang bagay na ito ay hindi mabuti para sa isang buntis. Ang pagpunta sa sauna o mga hot spa ay dapat ding iwasan sa panahon ng pagbubuntis dahil may mas malaking panganib na magkaroon ng bacteria.
Warning Signs Para Itigil ang Pag-eehersisyo Habang Buntis
Kung naranasan mo ang alinman sa mga sumusunod, itigil ang anumang ehersisyo sa buntis na iyong ginagawa:
- Paglabas ng amniotic fluid
- Nabawasan ang paggalaw ng sanggol
- Masakit ang calf o pamamaga
- Muscle weakness
- Preterm labor
- Pananakit ng dibdib
- Sakit ng ulo
- Pagkahilo
- Dyspnea o hirap sa paghinga bago mag-exercise
- Vaginal bleeding
Hatid Kaalaman
Ang pag-eehersisyo sa panahon ng pagbubuntis ay hindi masama para sa mga buntis, maging sa kanilang mga sanggol. Sa katunayan, inirerekomenda ng mga doktor ang ehersisyo sa buntis kahit sa panahon ng kanilang pagbubuntis dahil nakakatulong ito na mapanatiling fit at healthy, at inihahanda sila para sa panganganak.