backup og meta

Ano ang Nangyayari sa Prenatal Visit sa Doktor?

Ano ang Nangyayari sa Prenatal Visit sa Doktor?

Ang pagpunta sa iyong kauna-unahang prenatal visit ay maaaring maging nakakatakot. Ito ay totoong-totoo para sa mga unang beses pa lamang na magiging magulang na walang ideya sa kung ano ang nangyayari sa prenatal visit. 

Ito ang dahilan kung bakit ginawa namin ang gabay na ito para matulungan kayo sa kung ano ang maaari ninyong asahan sa inyong mga visits. 

Ano ang Nangyayari sa Prenatal Visit? 

Para sa kalakhang bahagi, ang mga nangyayari sa prenatal visit ay halos magkakapreho. Gayunpaman, may ilang mga pagbabago na nangyayari depende sa kung gaano na katagal ang pagbubuntis. 

Ang Iyong Unang Pagbisita 

Ang iyong unang prenatal visit ay inaasahang maganap sa pinakamaagang panahon na malaman mo ang tungkol sa iyong pagbubuntis. Ang pagbisitang ito ay ang kadalasang pinakamatagal dahil magsasagawa ng masusing pagsusuri sa iyong history at pagsasagawa ng pisikal na eksaminasyon. May mga basic laboratory tests, bukod pa sa pelvic ultrasound, na kakailanganing gawin. 

Para sa iyong kumpletong history, ang iyong doktor ay magtatanong sa iyo tungkol sa iyong family history, bukod pa sa mga alam nang medikal na kondisyon, allergies, nakaraang operasyon at pagkaka-ospital, at ang history ng pagbabakuna sa iyo. 

Isasailalim ka rin sa pagsusuri ng suso, pelvic exam, isang Pap test, STD testing, at maging ang screening para sa isang tiyak na sakit kung kakailanganin. Pagkatapos, ang iyong doktor ay magbibigay sa iyo ng payo sa kung paano mananatiling malusog sa kahabaan ng iyong pagbubuntis. Bibigyan ka rin nila ng mga rekomendasyon sa kung anong mga supplements ang kakailanganin mo, at ano ang maaari mong gawin para makasiguro kang made-develop at lalaki nang mainam ang iyong anak. 

Ano ang Nangyayari sa Prenatal Visit Habang nasa First Trimester 

Ang mga prenatal visit sa kahabaan ng first trimester ay kadalasang nagaganap apat na linggo matapos ang inisyal na pagbisita kung walang rekomendasyon para sa mas maagang chec-up (halimbawa, may vaginal spotting, kahirapan sa pagtulog, kawalan ng gana kumain, at iba pa). Ang mga pagbisitang ito ay kadalasang mas maikli kung ikukumpara sa unang pagbisita, at ang iyong doktor ay ang magmo-monitos ng iyong blood pressure, timbang, at kabuoang kalusugan. Ito rin ang pagkakataon para maipakita ang mga resulta ng mga laboratory tests na isinagawa. Ang follow-up sa kahabaan ng first trimester ay maaring gawin online kung wala namang mga kontraksyon, pagdurugo, o hindi karaniwang vaginal discharge. Dahil sa pandemya, ang personal na pagbisita sa klinika ay maaaring malimitahan. 

Kung may mga katanungan ka, o agam-agam, palaging mainam na tanungin ang iyong doktor ukol dito. 

Sa Second Trimester 

Kapag ikaw ay nasa second trimester na ng pagbubuntis, karamihan ng mga nangyayari ay kapareho ng sa first trimester. Ito ay nangangahulugan na ang iyong timbang at blood pressure ay itse-tsek upang makasiguro na ang mga ito ay nasa maayos at ligtas na antas. Ang pagtse-tsek sa fetal heart beat sa pamamagitan ng dopplers o stethoscope ay maidadagdag sa pagkakataong ito. 

Babantayan din ng iyong doktor ang paglaki ng iyong anak sa pamamagitan ng pagsukat ng fundic height na ang sukat sa pagitan ng iyong pubic bone at ibabaw ng iyong matres. Makatutulong ito para mabigyan sila ng ideya sa kung gaano kalaki ang sanggol, at kung ang kanilang paglaki ay angkop

Ang pag-uulit ng ultrasound sa second trimester ay kakailanganin din para ma-tsek ang fetal biometry. Makatutulong ito para masuri ng doktor ang paglaki ng iyong anak, at minsan pa nga, nagbibigay ito ng pagkakataon para malaman ang kasarian ng iyong anak. Para sa mga maselang pagbubuntis, maaaring i-request ang isang congenital anomaly scan. Ito ay ang mas masusing ultrasound work-up para masuri kung mayroong anumang problema sa katawan ng fetus. 

Ang mga laboratory test na maaaring kailanganin ay anuman sa sumusunod: 

  • 75g Oral Glucose Tolerance Test para sa pagsusuri kung may gestational diabetes. Ito ay pinakamainam na gawin sa pagitan ng 24-28 na linggo. Maaaring maging mas maaga ito para sa mga may mas matitinding tyansa na magkaroon ng diabetes. Ang iba pang mga test para sa blood sugar levels ay ang HBA1C (Hemoglobin A1C) at fasting blood glucose.
  • Ang Complete Blood Count (CBC) ay maaaring ulitin kung pinaghihinalaang may anemia. 
  • Urinalysis kung may preterm contractions

Ang mga pagbisita ay maaaring magkaroon ng apat na linggong pagitan bagaman maaari itong maging mas maikli para sa mga maselang pagbubuntis, at mas mahaba naman para sa mga di-maselang pagbubuntis. Para sa mga hindi komplikadong pagbubuntis, ang telemedicine ay sasapat na. 

Sa Third Trimester

Ang prenatal visit sa kahabaan ng third trimester ay kahawig ng sa mga naunang trimester ngunit maaaring samahan na rin ng pelvic exam. Ang iyong doktor ay maaaring magsagawa ng speculum exam kung mayroon kang abnormal discharge (kung malatubig, may mabahgong amoy, o yellow-green). Maaari din silang magsagawa ng internal examination simula sa ika-37 na linggo kung kailan ang iyong pagbubuntis ay establisado na. Makatutulong ito para malaman ng doktor kung ano ang magiging posisyon ng iyong magiging bagong silang na sanggol na mahalaga habang papalapit ang iyong panganganak. 

Karagdagan pa, mula 36 linggo pasulong, kakailanganin mong bisitahin nang lingguhan ang iyong doktor at hindi na lang kada 2-4 na linggo.

Maari ding hingiin sa iyo ng iyong doktor na kumuha ng test para sa group B streptococcus, dahil ang mga ina na may ganitong sakit ay may potensyal na mahawaan ang kanilang anak kung ipanganganak ito sa normal na paraan. Bukod pa sa mga nabanggit, kailangan mo ring sikapin nang buong makakaya para mabantayan ang paggalaw ng iyong anak. Kung may napansin kang mga pagbabago, gaya ng pagkaunti ng mga paggalaw ng iyong anak, tiyaking masasabi ito sa iyong doktor. 

Key Takeaways

Mahalaga na masulit ang bawat prenatal visit. Ito ay nangangahulugan na kung may mga tanong ka o agam-agam, ito ang tamang oras para tanungin ang iyong doktor ukol dito. Magiging magandang ideya pa nga kung ililista mo ang mga ito para wala kang makalimutan. 
Tandaan, mahalaga na palaging pumunta sa prenatal visit. Ito ay nakatutulong para masusing mabantayan ng iyong doktor ang paghubog ng iyong anak, at matiyak na walang magiging problema sa iyong panganganak. 

Matuto ng higit pa ukol sa Prenatal Care dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What Happens at a Prenatal Care Check-Up Appointment?, https://www.plannedparenthood.org/learn/pregnancy/prenatal-care/what-happens-prenatal-care-appointments, Accessed March 2, 2021

What happens during prenatal visits? | NICHD – Eunice Kennedy Shriver National Institute of Child Health and Human Development, https://www.nichd.nih.gov/health/topics/preconceptioncare/conditioninfo/prenatal-visits, Accessed March 2, 2021

Schedule of Prenatal Care | Taking Charge of Your Health & Wellbeing, https://www.takingcharge.csh.umn.edu/explore-healing-practices/holistic-pregnancy-childbirth/schedule-prenatal-care, Accessed March 2, 2021

Prenatal Visits – Janesville – Mayo Clinic Health System, https://www.mayoclinichealthsystem.org/locations/janesville/services-and-treatments/obstetrics-and-gynecology/ob-gyn-services/prenatal-visits, Accessed March 2, 2021

Pregnant? Here’s What to Expect During Prenatal Care Visits, https://giffordhealthcare.org/pregnant-heres-what-to-expect-during-prenatal-care-visits/, Accessed March 2, 2021

Kasalukuyang Version

04/29/2022

Isinulat ni Marie Kristel Corpin

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Prenatal Vitamins Para Sa Buntis: Mahalagang Micronutrients

Anu-Ano Ang Mga Posibleng Matuklasan Sa Fetal Biometry?


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Marie Kristel Corpin · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement